REMINDERS:
The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.
BE OPEN-MINDED.
______________________
Previous Chapter:
"Uuwi na't pagod ako." Sabi ko sa kanya.
Maya maya'y nakaramdam ako na may yumakap sa aking likuran ng napakahigpit na nagpaulol sa aking nararamdaman.
"Sorry na. Nagustuhan mo ba?" Saad nito sabay akong iniharap sa kanya.
Ang mga mapupungay niyang mata, tangos ng ilong, mapupula't mamasa masa nitong labi, perpektong mukha nito na nagpakompleto sa pigura nitong may taglay na kagwapuhan ay talaga namang nakakabighani pagmasdan.
"Oo nagustuhan ko ng sobra. Salamat sayo Raymond ang saya ko ngayong gabi." Saad ko sa kanya sabay yakap ko dito na agad naman niyang tinugon.
Pinagsaluhan pa namin ang buong gabi na magkasama.
Labis na ligaya ang aking nadarama sa tuwing kasama ko siya at hindi ko inaasahan na aabot kami sa ganito.
Dahil sa mga naganap ngayong araw ay sigurado na ako sa aking nararamdaman para sa kanya. Mahal ko na si Raymond at hindi ko pagsisisihan ang mga iyon.
"JEALOUS"
Quicke_Ow
Part 16
Tuesday, 6:50 am
"Uhm, yes...opo...i'm on my way na po...ok...i'll be there in a minute." sagot ko sa tawag ni Raymond.
Mukhang nagmamadali ang hunghang parang may lakad ito ngayong araw dahil sa pagkabalisa at pagmamadali nito habang tumatawag sa akin at minamadali akong pinapunta sa kompanya.
Kasalukuyan kong tinatahak ang daan papuntang kompanya ni Raymond sakay ng isang taxi dahil sa busy daw si Ethan ngayong araw kaya napagpasyahan ko na lamang na tahakin ang kompanya sakay ng taxi.
Inagahan ko na ang gising para hindi na ako malate kagaya kahapon. Mabuti nalang at ginising na ako ni mama dahil hindi pa ako nabilhan ng bagong alarm clock dahil sa hindi pa nakakaalis si mama papuntang bayan.
Ilang sandali pa ang nakalilipas ay agad akong nakarating sa gusali at agad akong bumaba ng taxi sabay abot ng bayad.
Agad akong nanakbo papasok ng gusali at dali daling nagtungo sa elevator.
Bumukas ang elevator at agad akong pumasok sa loob nito at walang ano ano'y hinila ang elevator paitaas.Pagbukas ng elevator ay agad akong lumabas at tinahak ang daan papuntang opisina ni Raymond. Siguradong kanina pa ako inaantay nito simula nang tawagan ako nito.
Agad akong pumasok sa loob at naabutan ko itong aligaga sa pag pirma ng mga dokumentong nakalapag sa mesa nito.
"Good morning Mond." Nakangiti kong bati sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Feel Me 2020
RomanceORAS-minsan mabagal at minsan naman ay napakabilis ng takbo nito at hindi mo na lang ito namamalayang nangyayari na pala ang mga bagay bagay na nakapaligid sa iyo. TADHANA-siyang nagbibigay aral sa bawat pangyayari, siyang dahilan upang masubok ang...