REMINDERS:
The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.
Be open-minded.
______________________
Previous Chapter:
Lumipas ang buong araw ng magkasama kami ni Raymond at pinagsaluhan ang init at damhin ang pagmamahal na namumutawi sa aming kaibuturan. Labis labis na kaligayahan ang aking nararamdaman dahil sa pursigido itong maiayos ang aming kasal. Sa susunod na linggo na pala ang uwi nito pabalik sa pilipinas upang gampanan ang kanyang tungkulin bilang tagapamahala sa kanilang negosyo.
Sa kabilang banda naman ay nalulungkot ang aking pagkatao dahil sa biglaang hindi pagparamdam sa akin ni Blaike, parang tuluyan na ngang pinutol nito ang ugnayan sa pagitan naming dalawa bagama't bago ito bumalik dito sa espanya ay maayos naming napagusapan ang tungkol sa aming dalawa. Patuloy ko itong pinapadalhan ng mga mensahe sa e-mail ngunit wala akong may nakuhang sagot. Ayon kay Ms. Erika ay inaabala na lang daw nito ang sarili sa pagmomodelo sa iba't ibang industriya dito sa espanya.
Nawa ay maligaya si Blaike ngayon at mahanap na niya ang totoong kaligayahan sa kanyang sarili. Mamaya ay papadalhan ko ito ng invitation sa aking kasal at pipiliting padaluhin sa araw na iyon bagama't alam ko sa aking sarili na labis ko itong nasaktan sa malalim na paraan dahilan upang makaramdam rin ako nito.
Samantala, hindi naman ako nawalan ng oras sa mga bata na ngayo'y labis kong pinanabikang makasama, mayakap, at mahalikan. Palagi kaming nagv'video chat sa skype pati na rin kina mama at mommy. Habang si kuya Curt naman ay abala rin sa pagmomodelo at pagiging secret agent nito dahilan upang mawala ito ng isang linggo ngunit kampanti naman ito dahil sa alam niya na may magaalaga at kakalinga sa akin habang wala ito. Sa oras na bumalik si Raymond sa pilipinas ay siya ring pagbalik ni kuya.
Ibayong suporta naman ang ipinahayag ng mga taong nakapaligid sa amin at labis labis naman na pasasalamat ang aming ipinarating sa pamamagitan ng pagl'live stream sa facebook and instagram. Nawa ay magtuloy tuloy na ito hanggang sa huli.
"MISSES HOME"
Quicke_Ow
Part 60
August 22, 2022-Monday: 9:00 pm. (SPAIN TIME ZONE)
"I miss you hon." Bungad sa akin ni Raymond sa kabilang linya.
"I miss you too hon. Kamusta ang mga bata riyan?" Tanong ko sa kaniya.
"Ito hindi maitago ang labis na pananabik ng dalawa sa'yo. See you baby." Wika ni Raymond.
"See you hon and please take care, okay?" Ani ko.
"I will hon. I love you mwuah!" Saad nito sabay patay ng tawag.
Lumipas ang buwan na maayos ang aming pamamalagi ni kuya dito sa spain ng magkasama. Umuwi na rin si Raymond sa pilipinas pagkatapos maisaayos ang lahat ng mga bagay ukol sa kasal. Sa paglipas ng buwan ay mas naging matatag at lumalalalim pa ang aking nararamdaman kay Raymond.
BINABASA MO ANG
Feel Me 2020
RomanceORAS-minsan mabagal at minsan naman ay napakabilis ng takbo nito at hindi mo na lang ito namamalayang nangyayari na pala ang mga bagay bagay na nakapaligid sa iyo. TADHANA-siyang nagbibigay aral sa bawat pangyayari, siyang dahilan upang masubok ang...