REMINDERS:
The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.
BE OPEN-MINDED.
______________________
Prevuous Chapter:
Nandito na ako sa parking at tinatahak ang pinaka entrance nito at habang nasa ganoong paglalakad ako ay may naririnig akong taong naguusap usap sa di kalayuan.
Agad akong lumapit dito upang mas marinig ko pa ang kanilang usapan.
Nang makalapit ako ay dito ko nakita ang dalawang lalaking naguusap. Dito ay nagulat ako sa aking nasaksihan dahil ito ay sina Mr. Salvia na may kasamang maraming bodyguards at si Raymond.
"Now that interpacific airlines and travis trading corp. are now merge, I am hoping that you take good care of what we have because those things are very important to me." Mahaba habang turan ni Mr. Salvia kay Raymond ng naka ngiti.
"I will Mr. Salvia, sa atin nalang ang lahat ng iyon." Ang sabi ni Raymond sabay nakipagkamay kay Mr. Salvia.
Agad na nagsialisan sila dito sa parking area habang ako ay clueless sa naganap na negotiation nila ni Mr. Raymond.
Patuloy parin akong binabagabag ng mga tagpong naganap ngayong araw. Sa takdang panahon ay maipagtatagpi tagpi ko din lahat ang mga pangyayaring ito.
"MR. SALVIA"
Quicke_Ow
Part 13
Friday, 7:05 am
Lumipas pa ang ilang mga araw na binabagabag ako ng mga katanungang kailangan ng mga kasagutan, ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas na mga araw na para bang gutom ang aking isipan sa mga kasagutan sa aking mga katanungan.
Nabuo ang labis na pagdududa at pagtataka ko kay Raymond dahil sa mga ikinikilos niya nitong mga nakakaraang araw ngunit sa kadahilanang ayaw kong manghimasok sa buhay niya ay hahayaan ko na siya mismo ang magsasabi sa akin ng mga bagay bagay.
Isinawalang bahala ko na lamang ang mga bagay na panatiling nagpapagulo sa aking isipan dahil parang masisiraan ako ng bait sa tuwing maiisip ko ang bagay na iyon.
Kasalukuyan akong nandito sa opisina at inaantay si Raymond dahil sa may meeting siya ngayon with Mr. Griego, Montenegro, and even Mr. Salvia.
Nasa ganoong paghihintay ako nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina at dito iniluwa ang taong aking hinihintay kanina.
"Good Morning Raymond. May meeting ka this morning at 7:15 and you only have 10 minutes left. They're already at the conference hall at this very moment." Pagpapaalam ko dito.
"Oh see, then tara na at baka kanina pa sila naghihintay sa akin." Sabi nito at walang ano ano'y agad niya akong hinila palabas ng opisina.
Tinatahak namin ang daan papuntang conference hall at pinasama niya ako dahil sa kailangan kong mag take down notes sa mga mapapagusapan nila mamaya.
BINABASA MO ANG
Feel Me 2020
RomanceORAS-minsan mabagal at minsan naman ay napakabilis ng takbo nito at hindi mo na lang ito namamalayang nangyayari na pala ang mga bagay bagay na nakapaligid sa iyo. TADHANA-siyang nagbibigay aral sa bawat pangyayari, siyang dahilan upang masubok ang...