REMINDERS:
The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.
Be open-minded.
______________________
Previous Chapter:
Hindi ko alam kong para saan ang mga ito ngunit nais kong malaman ang tungkol sa mga ito. Dito ay naisip ko kung may compartment ba dito sa sofa upang mailagay ang gamit na ito. Kaya't dahil sa pagtataka ay nagsimula na akong mangapa upang hanapin ang lalagyan ng mga bagay na ito. Nagsimula na akong manuklap sa mga parte ng sofa ngunit walang may bumubukas na ang ibig sabihin ay hindi doon nakalagay ang mga gamit.
Ilang minuto pa noong hindi ko pa rin nahahanap ang compartment kaya muli akong magtungo sa silong ng sofa upang doon sundan ang butas na pinanggalingan ng mga bala. Dito ay napagalaman kong galing ito mismo sa ilalim ng upuan kaya wala na akong inaksaya pang pagkakataon at nagsimula na akong kapain ang pinakatakip ng sofa hanggang sa mabuksan ko ito.
Dito ay tumambad sa aking paningin ang iba't ibang klase ng baril dahilan upang manindig ang aking balahibo dahil sa aking nasaksihan. Hindi ko lubos maisalarawan ang aking nararadaman sa mga sandaling ito. Dito ay nagsulputan ang mga katanungan at pagdududa ko kay Raymond. Bigla namang bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa pinaghalo halong emosyon gaya ng takot, pangamba, pagdududa, at pagkabalisa.
Ni hindi ko alam kung para saan ang mga ito at mayroon siya nito. Hindi naman niya ito nababanggit sa akin kahit na katiting na detalye na may kaukulan sa mga bagay na ito.
Walang patutunguhan ang aking pagiisip sa mga sandaling ito wari isa akong sanggol na hindi makakita o makarinig ngunit pilit kong makita o makarinig ng mga bagay bagay. Halos manghina ang aking tuhod dahil dito sa aking nasaksihan. Tuliro ang aking isipan na sinabayan pa ng labis na pangamba, ni hindi ko nga alam kung may panganib ba itong maidudulot o kapayapaan.
Nasa ganoong pagkalito ako nang biglang bumukas ang pinto ng silid at dito nakita ko si Raymond na nanlalaki ang mga mata dahil sa aking natuklasan. Tila nawalan ako ng lakas tumayo at magsalita noong masilayan ko ang mukha nito habang siya naman ay napako sa kinatatayuan nito at nanatiling gulat.
"A-an-anong i-ibig...sa-sabihin nito?" Naibulalas ko noong bumalik sa normal ang aking ulirat.
"SECRETS"
Quicke_Ow
Part 62
10:48 am.
Hindi ako makapaniwala sa aking nasaksihan sa mga sandaling ito. Walang patutunguhan ang aking isipan dahil sa mga bagay na patuloy na bumabagabag sa aking pagkatao. Pagkalito at pagtataka ang tanging isinisigaw ng aking isipan dahil sa mga tagpong ito. Hindi ko maigalaw ang aking bibig dahil sa labis na pagkagulat at pagkabigla sa aking nasaksihan. Nakatitig lamang ako kay Raymond at pilit na binabasa ang isip nito at nagbabakasakaling may mahanap akong kasagutan sa kanya ngunit nabigo lamang ako.
Ano ang gagawin niya sa mga ito? Kailan pa ito naririto? Matagal na niya ba akong pinaglilihiman sa mga bagay na ito? Ilan lamang iyan sa mga katanungang nabuo sa aking isipan. Ngunit sa pagaakalang madali kong makukuha ang mga kasagutan na nais kong matuklasang malaman ay wala akong napala. Wala akong pamimilian kundi ang tanungin ito at magbigay ng paliwanag ukol dito.
BINABASA MO ANG
Feel Me 2020
RomanceORAS-minsan mabagal at minsan naman ay napakabilis ng takbo nito at hindi mo na lang ito namamalayang nangyayari na pala ang mga bagay bagay na nakapaligid sa iyo. TADHANA-siyang nagbibigay aral sa bawat pangyayari, siyang dahilan upang masubok ang...