FEEL ME 28: FEELS

489 30 2
                                    

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Previous Chapter:

Makalipas pa ang ilang sandali ay napagpasyahan na naming umuwi pero bago iyon ay nakipagpalitan na muna ito ng numero ng telepono at nasa ganoong posisyon kami ay biglang may humintong sasakyan at bago pa man ito makasakay ay niyakap na muna ako nito ng napakahigpit.

Napagpasyahan ko na ring umuwi at habang tinatahak ko ang daan pauwi ay nakakaramdam akong may sumusunod sa akin. Ilang saglit pa ay diko na matiis ang aking pagkakyuryos kaya't agad ko itong nilingon, dahan dahan hanggang sa makaharap ako at dito ay laking gulat ko sa aking nakita dahil siya ang lalaking palaging nakamanman sa akin. Dahil sa pagkabigla at takot na baka mapahamak pa ako ay dali dali akong nanakbo.

"Teka lang!!" Sigaw nito habang abala pa rin ako sa pagtakdo. Dahil sa pagkabigla ay di ko na namalayang nakarating na ako sa bahay.

Agad akong pumanhik sa aking silid habang hinahabol ko ang aking hininga dahil sa pagod na pagtakbo. Ibinagsak ko ang aking katawan at isinawalang bahala ko nalang ang mga kalungkutan, pagkabigo, at panghihinayang. Dahil sa labis na pagod ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Wala na akong maalala pa.

"FEELS"

Quicke_Ow

Part 28

Saturday, 8:00 am

Lumipas ang ilang mga araw na tanging kalungkutan ang lumulukob sa aking pagkatao na dahilan upang ako'y panghinaan at mawalan ng pag asa. Sa mga araw na nagdaan ay ibinaling ko ang aking buong atensyon sa pagbabantay sa aming hardware. Sa ganitong paraan ay madali kong maiiwasan ang sakit at lungkot na naranasan ko nitong mga nakaraang araw. Sa nakalipas ring mga araw ay palaging bumibisita si Raymond sa bahay na may dalang mga pagkain para sa akin ngunit hindi ko siya kinakausap. Casual at parang kakikilala pa lamang namin kong siya'y aking ituring. Tuloy tuloy pa rin ang panunuyo at paghingi niya ng tawad sa akin. Nong miyerkules ay tinawagan ko si Ms. Suarez at sinabing hindi na muna ako makakapasok dahil masama pa rin ang aking pakiramdam, iyan na lamang ang aking excuse para naman kapani-paniwala.

Sabado ngayon ngunit parang isa lamang itong ordinaryong araw dahil sa kabagutan, at kalungkutan na parang kabute kung sumulpot sa aking isipan. Kasalukuyang andito sina Ethan at Andrew sa bahay at niyaya nila akong mag bar hopping mamaya para naman daw maging masaya ako paminsan minsan na aking sinang-ayunan.

"What time ba tayo mamaya?" Tanong ko sa kanila

"We're about to leave this evening at 7." Saad ni Ethan na may ngiting pilyo.

"And who's with us?" Tanong ko ulit.

"Just us. You, Ethan, and me" ligalig na saad ni Andrew.

Parang may napapansin akong kakaiba sa dalawang ito ngunit hindi ko mawari kung ano ang mali basta parang pansin ko lang.

"Okay sige. Pick me up here at 6, agahan niyo na ang dating para naman mapadami ako mamaya." Excited kong saad sa kanila ngunit humina ang aking pagbigkas sa huling linya para hindi nila marinig at agad itong napakunot ng noo at mukhang narinig parin nila ang huling kataga.

Feel Me 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon