FEEL ME 21: FIRE ON FIRE

836 38 0
                                    

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Previous Chapter:

Tumawa lang ako ng tumawa hanggang sa...hinalikan niya ako.

Maingat at may pagmamahal ang mga halik niya na nagpaulol sa nararamdaman ko.

Masarap ang laway niya na may halong pait dahil sa alak, malambot ang kanyang mga labi na kay sarap kagatin.

Ispadahan ang aming mga dila,  mapusok, at naging marahas ang mga halik niya na labis na nagpainit sa sistema ko.

Ilang minuto kami sa ganoong paghahalikan at ako na ang unang kumalas sa halikan namin baka kung saan pa mapunta itong ginagawa namin.

Sinabihan niya ako na sa condo niya ako uuwi mamaya na sinang-ayunan ko.

Niyaya ko na siyang bumalik sa loob ng bar at ipagpatuloy ang naudlot naming kasiyahan.

Magkahawak kamay kaming naglalakad ngayon ni Raymond na may mga ngiti ang nakapaskil sa aming mga labi.

Ngayon ay opisyal na nobyo ko na si Raymond na labis kong minamahal at masasabi kong walang humpay na kaligayahan ang aking nararamdaman ngayon.

Sana magtuloy tuloy na ang kasiyahang nadarama namin ni Raymond ngayon at nakahanda ako sa mga pagsubok na aming kahaharapin.

"FIRE ON FIRE"

Quicke_Ow

Part 21

10:00 pm

Kasalukyan kaming naglalakad ni Raymond pabalik sa bar ng magkahawak kamay. Labis na kilig at kaligayahan naman ang aking naramdaman dahil sa kakaibang mga tagpong naganap ngayong gabi.

Ngayon ay opisyal na nobyo ko na si Raymond na labis kong minamahal at masasabi kong walang humpay na kaligayahan ang aming nararamdaman ngayon.

Sana magtuloy tuloy na ang kasiyahang nadarama namin ni Raymond ngayon at nakahanda ako sa mga pagsubok na aming kahaharapin sa hinaharap.

Pagkapasok namin sa loob ay agad na kaming nagtungo sa table namin ngunit nadatnan namin sina kuya at Andrew na nagbubulungan dahil sa hindi magkarinigan dito sa loob gawa ng malalakas na hampas ng tugtug sa buong paligid.

Umupo kami ni Raymond ng magkahawak kamay pa din at nakita ito nina kuya't Andrew, gumuhit ang pagtataka sa mukha ni kuya habang si Andrew naman ay nakangiti lang wari'y alam na niya ang nangyari.

Pagkaupo namin ni Raymond ay narinig ko siyang nag buntong hininga at nagsalita.

"Uhm, Max...nakuha ko na ang matamis na oo ni Mal kanina lang. At dahil sa magnobyo na kami ay sana hindi ka tumutol sa relasyon namin at pangako na iingatan, aalagaan, at poprotektahan ko si Mal magkamatayan na." Lakas loob nitong saad kay kuya at ang damuho ay nagyabang pa.

Feel Me 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon