REMINDERS:
The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.
BE OPEN-MINDED.
______________________
Previous Chapter:
Agad naman akong kumalas sa pagkakayakap ko kay daddy at agad kong pinahiran ang aking mga luha sabay paskil ng matamis na ngiti sa harapan ni daddy. Pinagmasdan na muna ako ng aking ama ng may ngiti sa kanyang mga labi at kita ko sa kanya ang labis na tuwa at ligaya. Ilang sandali pa ay bigla na lamang niya akong hinalikan sa aking noo sabay sabing "magiging maayos din ang lahat" kasabay nito ang pagyakap ko ulit sa kanya. Nasa ganoong pagyayakapan kami ni daddy nang may nagsalita sa aming harapan.
"Ang sarap ninyong pagmasdang mag ama. Wala na akong mahihiling pa dahil sa kompleto na ang aking pamilya." Maluha luha saad ni mommy habang katabi nito si kuya Curt na nakangiti. Agad naman kaming tumayo ni daddy at sinalubong namin sina kuya at mommy ng mahigpit na yakap.
"Iyakin pala talaga itong bunso mo mommy." Saad ni daddy kay mommy habang patuloy pa rin kami sa yakapan dahilan upang kami ay magtawanan.
Masaya sa pakiramdam na may mga magulang kang palagi nariyan para sayo. Sila ang gumagabay at sumusuporta sa iyo sa lahat ng oras upang ikaw ay mapabuti.
Ang mga tagpong yaon ay babaonin ko hanggang sa aking huling hininga dahil sila ang kumompleto sa aking pagkatao. Mahal kong pareho ang aking mga magulang, ang pamilyang Sandoval na siyang kinilala kong mga magulang at gumabay sa akin hanggang sa ako ay lumaki, at ang pamilyang Salvia na pinunan ang aking pagkatao at nagbigay liwanag sa aking sarili upang ako ay mabigyan ng maayos na kinabukasan. Sa kaparehong dahilan ang pamilyang ito ang pumuno ng labis na pagmamahal sa aking pagkatao dahilan upang gawin ko itong batayan upang ako ay maging mas matapang at matatag sa lahat ng bagay.
"HERE I AM AGAIN"
Quicke_Ow
Part 39
Monday, 7:00 am
Naalimpungatan ako dahil sa alarm clock na abala sa pambubulabog. Di 'ko napansin na nakaset pala itong orasan sa aking side table dahil sa matinding pagod na aking naramdaman kagabi. Maituturing na isang panaginip ang mga tagpong iyon na kay sarap balikan at ulitin. Hindi ko akalain na makakaramdam ako ng kaligayahang higit pa sa aking inaasam na labis kong pinapahalagahan at babaonin kahit saan ako magpunta.
Lumipas ang mga araw, linggo, hanggang sa dumating ang buwan ng aking pagalis. Sa makalawa ang aking paglipad papuntang espanya na labis kong ikinakaba. Sa nagdaang mga linggo ay nakapagpaalam na ako kina mama, papa, at kuya na labis nilang ikinalungkot ngunit nangako akong babalik kapag nagawa ko ng pag aralan ang lahat na kailangan kong matutunan.
Nasa ganoong pagbabalik tanaw ako nang biglang may kumatok sa pinto at agad na bumukas ito kasabay nito ang pagpasok ng kasambahay na may dalang maraming shopping bags.
"Good morning po ser...ito po ang mga bago ninyong mga damit, ipinapabigay po ni ser Curt sa inyo." Nakangiti nitong saad sabay lapag ng kanyang mga dala.
BINABASA MO ANG
Feel Me 2020
RomansaORAS-minsan mabagal at minsan naman ay napakabilis ng takbo nito at hindi mo na lang ito namamalayang nangyayari na pala ang mga bagay bagay na nakapaligid sa iyo. TADHANA-siyang nagbibigay aral sa bawat pangyayari, siyang dahilan upang masubok ang...