FEEL ME 34: THE CALL

465 27 2
                                    

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Previous Chapter:

Pinagmamasdan ko ang larawan ng may ngiti sa aking mga labi. Sa pagmamasid ko sa larawan ay hindi na ako masyadong naapektuhan o nakakaramdam ng sakit sa tuwing sasagi ito sa aking isipan. Marahil ay tuluyan ko na ngang pinalaya ang taong labis kong mahal. Wala na ang sakit sa aking dibdib ngunit ang labis na pagmamahal ko kay Raymond ay naririto pa rin at hindi kailanman maglalaho. Marahil ay natutunan ko na ding tanggapin at hayaang mamuhay ng normal ang taong iyon. Sana ay pati ang pagmamahal kong ito ay maglaho na rin dahil sa wala na akong magagawa kung patuloy akong iibig. Hindi ko mabibigyan ng laya ang aking sariling sumaya muli.

Ngunit naniniwala ako na ang kasiyahan ay hindi mo sa isang tao matatagpuan ngunit nasa sayo ito mismo. Ang kailangan mo lang gawin ay hanapin ito at pagyabungin ng sa gayon ay hindi ito maglaho sa iyo.

"THE CALL"

Quicke_Ow

Part 34

Monday, 9:00 am

"Are you sure about this Mr. Sandoval?" Saad sa akin ni Ms. Suarez ng makarating ako sa office nito. Balak ko na sanang magresign dito sa company kung saan ako nagtatrabaho para sa ikatatahimik ko at ng lahat.

"Yes, and here is my resignation letter. Nice working with you Ms. Suarez, please take care." Turan ko sa kanya sabay abot ko dito ng resignation letter. Agad na akong naglakad at tinungo ang pintuan ng opisina niya at hindi ko na ito hinintay pang sumagot at dali daling lumabas.

Tuluyan ko na ngang pinutol lahat ng ugnayan namin ni Raymond mula sa social media ko ay blinock ko ito pati sa contacts ko, at ngayon naman dito sa kompanya kung saan nagsimula ang lahat. Habang tinatahak ko ang daan palabas ay siya namang pagtulo ng aking mga luha hudyat na masaya akong naglaan ng serbisyo sa kompanyang ito, kung saan inilaan ko ang aking oras sa pagtatrabaho. Ngayon ay magtatapos ang lahat ng aking mga ginawa sa kompanyang ito maliban sa mga alaalang nabuo dito na naukit sa aking puso't isipan. Hanggang sa ako ay makalabas ay siya namang pagluwag ng aking damdamin at pagukit ng matamis na ngiti sa aking mga labi.

Hindi ko malilimutan ang mga masasayang alaala ko dito sa gusaling ito, ang gusaling naging parte na ng aking pagkatao, ang gusali kung saan nagsimula ang lahat sa akin, at ang gusali kung saan natagpuan ko ang pagmamahal. Ito ay hanggang sa alaala na lamang maibabalik at mauulit.

"Paalam, hanggang sa muli" bulong ko sa hangin habang nakatingala sa gusali. Nasa ganoong pagtingala ako ay ang pagdating ng isang sasakyan at batid kong si Raymond ang nakasakay dito dahil sa alam ko ang sasakyan nito kaya nagdali dali akong umalis sa naturang gusali sabay para ng taxi at agad akong pumasok dito.

Kasalukuyan akong nasa loob ng taxi at pilit na ikinakalma ang aking sarili. Nasa ganoong pagpapakalma ako sa aking sarili ng biglang tumunog ang stereo ng taxi at dito ay nakinig ako sa balita.

NEWS FLASH: Nasaksihan natin ang pagiisang dibdib nila Mr. Raymond Cortez at Mrs. Thea Lou Busua-Cortez noong biyernes. Talaga namang dinagsa ang kasal ng mga taga hanga at dito ay nakidiwang ang mga ito. Ngayon ay maligaya ang estasyong ito dahil sa pagpapaunlak sa aming imbitasyon ni Mr. Raymond Cotez upang isalaysay ang kanyang nararamdaman.

Feel Me 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon