FEEL ME 46: I'M STILL INTO HIM

481 23 3
                                    

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

BE OPEN-MINDED.

______________________

Previous Chapter:

Sa nakalipas na mga taon ay tiyak kong marami ang mga nangyari sa mga buhay nila.

"Papunta na siguro iyon baka may dinaanan muna o di kaya ay nat---" putol na saad ni kuya dahil sa mga taong nagsalita at nagtungo kay daddy.

"I'm sorry tito we're late. Traffic kasi...by the way happy birthday po." Saad nung isang lalaking medyo katangkaran sabay abot ng regalo dito.

"Happy birthday po tito Greg." Wika pa nung isa sabay abot din ng regalo. Pinagmasdan ko silang dalawa at dito ay muntikan ko ng maibuga ang aking kinakain dahil sa labis na pagkabigla ngunit hindi ko ito ipinahalata sa kanila.

"Hi, kamusta kana." Wika nung isang lalaki.

"You've changed a lot." Saad pa nung isang matangkad na lalaki.

Ako ba ay pinagloloko nila. Parang hindi naman ata sila nanabik ng labis sa akin. Dalawang taon mula noon ako ay umalis hanggang ngayon ay parang wala lang sa kanila ang aking pagbabalik.

"I'm great. How about you Ethan and Andrew? How are you?" Saad ko na may halong pagkalungkot.

"I'M STILL INTO HIM"

Quicke_Ow

Part 46

9:30 pm.

Patuloy ang kasiyahan sa paligid at talaga namang masaya ang lahat habang umiindak sa gitna ng lugar habang kami naman ay patuloy sa pag kekwentuhan nila Ethan at Andrew.

"I'm great. How about you guys, Ethan and Andrew? How are you? Don't you miss me?" Saad ko na may halong pagkalungkot.

Hindi na muna sila nagsalita habang ako ay napayuko na lamang dahil sa panlalamig ng pakikitungo nila sa akin. Maya maya ay laking gulat ko nang yakapin ako ng dalawa ng mahigpit sabay na pinaghahalikan ang aking pisngi.

"Ito naman, syempre namiss ka namin. Ang laki na ng pinagbago mo." Galak na wika ni Andrew habang maigi ako nitong pinagmamasdan.

"Kamusta ka doon Mal?" Tanong ni Ethan sa akin habang titig na titig ito sa akin dahilan upang bahagya akong matawa.

"Ok lang naman ako. Kayo ang kamusta? Tiyak na sa nakalipas na mga taon ay marami na ang nagbago sa inyo." Nakangiti kong turan.

Hindi naman biro ang dalawang taong lumipas dahil batid kong marami na ang nangyari sa kanila habang wala ako bagama't parati kaming nagvivideo chat ay hindi pa rin sapat iyon dahil kaunting oras lamang kami kung magusap usap sa video chat. Kaya ngayon nais kong malaman ang mga ganap nila sa buhay.

"Wala naman ganoon pa rin...kami pa rin ng kuya Max mo. Nagbabalak nga ang loko na magpakasal kami dahil daw sa seloso ang kumag na iyon." Wika ni Andrew dahilan upang mapabaling ang aking tingin kay kuya ngunit ang loko nakangiti habang nagtataas baba ang kilay nito sabay na ibinaling ko ulit ang aking atensyon sa kanilang dalawa.

Feel Me 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon