REMINDERS:
The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.
BE OPEN-MINDED.
______________________
Previous Chapter:
Si Raymond na ang bumasag ng nakabibinging katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Una pa lamang kitang makita sa may eskinita ay biglang nagiba ang tibok ng aking puso kaya't sinundan kita hanggang sa may fast food chain. Naalala mo ba noong papasok ka sa fast food chain at nakipaginahan ako sa pila noon at kung saan tayo nagaway? Ang totoo niyan ay sinundan kita noon, nang makita kitang papasok doon ay agad akong pumasok at agad na nagtungo sa counter. Sinadya kong makipaglandian sa babaeng nasa counter station upang ako'y iyong mapansin at nagtagumpay nga ako. At noong magalit ka ng sobra ay labis na paghanga ang aking naramdaman dahil sa iyong angkin na katapangan hanggang sa nagsagutan tayo't nasampal mo ako. Hindi ako nagalit sa iyo ng mga oras na iyon ipinakita ko lamang sayo ang ganoong emosyon ko ay dahil sa gusto kong malaman kung matatakot ka o hindi." Rebelasyon nito na labis kong ikinagulat ng sobra.
"At hanggang sa ikalawang araw noong natapunan kita ng kape sa damit mo ay sinadya ko iyon dahil sa desperado akong mapansin mo kahit na ang kapalit nito'y labis na galit at pagkamuhi mo sa akin." Maluha luha nitong saad na agod kong niyakap.
"Ang ikalawang pagkakataon naman ay noong ganapin ang job interview mo sa conference hall at mayroong camera sa harapan mo at kinukunan ka nito. Ang kamerang iyon ay nakaderekta sa smart tv ko na nasa office at doon kita pinanood. Doon ako lalong humanga sa iyo dahil sa galing mong makipagtalastasan sa mga board, mga achievements mo nung elementary, high school, at college ay labis labis kong hinangaan. Pagkatapos ng interview mo ay agad kong pinapunta si Ms. Suarez sa opisina upang hingin ang impormasyon mo at dito ko nalaman na may sarili pala kayong kompanya at isa sa mga tropa ko pala ang namamahala nito na kapatid mo which is Max. At dahil sa na love at first sight ako sa iyo ay agad kitang tinanggap dahil sa marami kang alam, nung mga oras na iyon ay tinawagan ka ni Ms. Suarez at sinabing tanggap kana, magkatabi kami nun at nakikinig sa mga magiging reaksyon at napapangiti na lamang ako na soon ay makakatrabaho na kita." Tuluyang naluha si Raymond sa kanyang mga sinabi.
Niyakap ko siya ng mahigpit at hinimas ang likuran nito at pinupog ko ng halik ang kanyang pisngi dahilan para bahagya siyang matawa.
"AT THE BAR"
Quicke_Ow
Part 19
Thursday, 9:00 am
Kasalukuyan kaming nagliligpit ng aming mga gamit dahil ngayon na kami uuwi pabalik sa syudad.
Ang daming magagandang bagay ang naganap sa amin dito sa resort na ito wari'y isang panaginip lamang ang pamamalagi namin dito dahil sa mabilis lumipas ang mga oras.
"Mal, magbar hopping daw tayo mamaya sabi ng kuya mo. Nagyaya kasi e." Wika niya habang abala parin ito sa pagliligpit.
"E hindi ako umiinom e. Ano gagawin ko dun?" Pagangal ko sa kanya, hindi naman talaga kasi ako umiinom e.
BINABASA MO ANG
Feel Me 2020
Lãng mạnORAS-minsan mabagal at minsan naman ay napakabilis ng takbo nito at hindi mo na lang ito namamalayang nangyayari na pala ang mga bagay bagay na nakapaligid sa iyo. TADHANA-siyang nagbibigay aral sa bawat pangyayari, siyang dahilan upang masubok ang...