FEEL ME 58: TOUCH OF HIS ARMS

395 25 0
                                    

REMINDERS:

The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.

Be open-minded.

______________________

Previous Chapter:

Nawalan ako ng lakas at nagpadala na lamang sa mga pulis. Wala namang silbi kung patuloy akong magpupumiglas dahil sa higpit ng kanilang pagkakahawak at isa pa ay nanghihina na ang aking katawan, parang mapapatid na ang aking paghinga dahil sa pagod na aking nadarama.

Patuloy akong inilalayo ng mga pulis kung saan naganap ang pangyayaring ito. Nasa ganoong paglalakad kami nang may marinig kaming boses sa aming likuran dahilan upang ako ay mapahinto.

"Khalil Salvia?" Pagtawag nito sa aking pangalan dahilan upang ako ay magtaka.

Unti unti akong lumingon upang tingnan kung sino ang taong nagsalita. Ilang sandali pa ay nakaharap na ako rito at dito tumambad sa aking mga mata ang isang lalaking nakatayo paharap sa akin ng may matamis na ngiti sa mga labi. Gwapo ito at nangungusap ang mga mata.

Hindi ko lubos maisalarawan ang aking nadarama. Ako ay labis na naguguluhan at nagtataka sa mga pangyayari, ni hindi ko mahanapan ng kasagutan ang mga katanungang may kaugnayan sa mga ito. Dito ay bumugso muli ang mga luha sa aking mga mata kasabay din nito ang pagluha ng lalaki sa aking harapan habang nanatili itong nakangiti.

"Raymond?" Ang tanging nasambit ng aking bibig.

"TOUCH OF HIS ARMS"

Quicke_Ow

Part 58

6:50 pm.

Hindi ko batid ang mga nagaganap sa mga oras na ito, tila napapagiwanan ako ng panahon dahil sa pinaghalo-halong katanungan na gumugulo sa aking isipan. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman gayong labis akong nagtataka at naguguluhan sa mga ito.

"Raymond?" Takang sambit ko sa pangalan nito habang patuloy pa rin sa pag agos ng aking mga luha habang si Raymond ay nanatiling nakatayo sa aking harapan at lumuluha din.

Agad naman akong nagpumiglas dahilan upang ako ay makawala sa mga kamay ng mga pulis at agad akong nanakbo sa kinaroroonan nito. Agad ko itong niyakap ng mahigpit habang patuloy pa rin akong nagtataka at naguguluhan sa mga ito.

Ilang sandali pa nang kumalas ako sa yakapan naming dalawa at dito nagtama ang aming mga mata. Hindi namin alintana ang mga taong naririto na tila ba amin ang mundo sa mga sandaling ito. Pagkakaba, pagkagulo ng aking isip, at pagtataka ang lumukob sa aking pagkatao dahil sa mga sandaling ito habang ang mga tao sa paligid ay tahimik kaming pinagmamasdan.

Malalalim na titigan ang ipinukol namin sa isa't isa na tila ba ay nananabik kami sa bawat isa. Dito ay hinaplos ko ang dibdib nito at noong lumapat ang aking kamay dito ay nadama ko ang tibok ng kanyang puso, wari isa itong napakagandang musika na kay sarap namnamin at damhin.

Ilang saglit pa kaming nagtitigan nang bigla itong lumuhod sa aking harapan habang patuloy na gumuguhit sa kanyang pisngi ang mga luhang galing sa nangungusap nitong mga mata. Dito ay may kinuha siya sa kanyang bulsa, tumambad sa aking paningin ang isang maliit na kahon sabay na binuksan ito. Dito ay napagalaman kong isa itong singsing na kumikinang wari bituin sa pagkisap nito, kasabay ng aking pagkagulat ay ang pagtilian ng mga taong naririto.

Feel Me 2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon