REMINDERS:
The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.
BE OPEN-MINDED.
______________________
Previous Chapter:
Hinawakan niya ang aking mukha at ipinatong ko sa mga kamay niya ang kamay ko at dinama ko ang mga haplos nito.
Tinitigan niya ako mata sa mata at ang aming mga mata ay parang naguusap na kami lang ang nagkakaintindihan.
"From now on Mal, I'm courting you and make you mine." Nakangiti nitong wika sabay siil ng halik sa aking labi na nagpatindi sa aking nararamdaman at mabilis ko itong tinugon.
Ngayong araw ay isa sa pinaka masayang araw at biyaya na aking natanggap na lubos kong ipinagpapasalamat.
Ang stranger na aking nasampal noon ay ang aking naging boss and soon he will become my suitor. Iba talaga maglaro ang tadhana.
"LLANITA"
Quicke_Ow
Part 17
Wednesday, 6:40 am
Naalimpungatan nalang ako nang maramdaman kong may humahaplos sa aking ulo. Agad akong nagmulat ng aking mga mata at dito tumambad sa aking paningin ang lalaking labis kong minamahal na may ngiti sa kanyang mga labi.
Maya maya'y natagpuan ko nalang ang aking sarili na sinisiil na ng halik nitong damuhong ito na tinugon ng aking mga labi. Ang mga halik na iyon ay maingat at mararamdaman mo na may pagmamahal ang nakalakip dito.
Parang isa itong totoong panaginip na ayaw ko ng matapos pa dahil sa kaligayahang aking nararamdaman ngayon.
Kumalas ako sa halikan namin at niyakap ko ito ng mahigpit at pumikit upang maramdaman ko ang yakap nito. Hindi ko alam na makakatulog pala ako ng nakayakap kay Raymond at dito ay wala ng maalala pa.
Nagmulat ako ng mata dahil sa ingay ng aking alarm clock na binili ni mama kahapon doon sa bayan. It's past seven now nang tingnan ko ang aking relo.
Naalala ko ang aking panaginip na niyakap ko nang mahigpit ang taong aking pinakamamahal na si Raymond na tinugon naman niya. Sana totoo nalang yun.
Habang nasa ganoong pagiisip ako nang biglang may kumatok sa pintuan ng aking kwarto at bumukas ito sabay pasok ni mama.
"Good morning anak. Bangon kana diyan at magaalmusal na tayo." Saad ni mama sabay labas sa aking silid.
Agad akong bumangon sa aking higaan at nagtungo muna sa banyo bago bumaba para makapagtoothbrush ako. Pagkatapos kong magsipilyo ay agad akong lumabas sa aking silid at agad na bumaba upang ako ay makapagalmusal na.
Nandito ako ngayon sa sala at pinagmamasdan ang mga gamit na nandito. Bakit ang daming bagahe ang nandito? Takang tanong ko sa aking sarili.
Agad akong nagtungo sa kusina para makapagalmusal. Habang tinatahak ko ang daan patungo doon nang may naririnig akong mga halakhak at mga taong naguusap usap.
BINABASA MO ANG
Feel Me 2020
RomanceORAS-minsan mabagal at minsan naman ay napakabilis ng takbo nito at hindi mo na lang ito namamalayang nangyayari na pala ang mga bagay bagay na nakapaligid sa iyo. TADHANA-siyang nagbibigay aral sa bawat pangyayari, siyang dahilan upang masubok ang...