REMINDERS:
The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.
BE OPEN-MINDED.
______________________
Previous Chapter:
"Huwag ka nang umalis Raymond dito ka na lang sa tabi ko dahil nasasaktan ako. I love you" wika ko sa kanya at mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya habang hindi naman ito nagsalita tanging halik lang sa noo ko ang sagot niya. Maya maya'y naririnig ko itong parang humihikbi at binalingan ko ito ng tingin.
"May problema ba?" Malambing kong tanong kay Raymond.
"Wala naman, masaya lang ako dahil nakasama na kita." Saad nito at patuloy pa rin sa pagdaloy ang mga luha nito at hinalikan ko naman ang labi nito na nagpapahiwatig na masaya din ako.
Tila isang panaginip ang makasama ko ang taong nagbibigay ng labis na kaligayahan sa akin. Ang aking galit, puot, at pagkamuhi ay tuluyan na ngang nawala at napalitan ito ng labis labis na ligaya. Walang mapagsidlan ang aking nararamdaman ngayong kasama ko na ang taong aking mahal.
Sana ay magtuloy tuloy na ito at hindi na masira pa. Dito ay marahan kong ipinikit ang aking mga mata at nagpaubaya sa antok at ako'y nakatulog ng nakayakap kay Raymond. Wala na akong maalala pa.
"NIDDLE AND THREAD"
Quicke_Ow
Part 29
Sunday, 7:00 am
Nagising na lamang ako dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa aking bintana na tumatama sa aking balat. Pagmulat ng aking mga mata ay biglang sumakit ang aking ulo at dito ay naalala kong umalis kami kahapon at nagtungo sa bar. Habang nasa ganoong paghihimas ako ng aking ulo ay siya namang pagsulpot ng isang pangyayari galing sa aking isipan.
PAGBABALIK ALAALA...
"Huwag ka nang umalis Raymond dito ka na lang sa tabi ko dahil nasasaktan ako. I love you" wika ko sa kanya at mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya habang hindi naman ito nagsalita tanging halik lang sa noo ko ang sagot niya. Maya maya'y naririnig ko itong parang humihikbi at binalingan ko ito ng tingin.
"May problema ba?" Malambing kong tanong kay Raymond.
"Wala naman, masaya lang ako dahil nakasama na kita." Saad nito at patuloy pa rin sa pagdaloy ang mga luha nito at hinalikan ko naman ang labi nito na nagpapahiwatig na masaya din ako.
END.
Tila parang totoo ang aking panaginip dahil sa hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang mga haplos ni Raymond sa akin. Isang napakagandang panaginip kung maituturing ngunit batid kong hindi na niya ako babalikan dahil sa mayroon na itong pamilya na kakalinga at magmamahal sa kanya. Iwinaksi ko na lamang ang mga yun at agad na bumangon upang makapaghilamos at maayos ko ang aking sarili sa banyo. Mabilis akong nakapagayos at agad na lumabas ng aking silid. Pagkalabas ko ay nangangamoy mula dito sa aking kinatatayuan ang mabangong amoy na nanggagaling sa kusina na kay sarap langhapin. Agad na akong nagtungo pababa ng hagdan nang mabati ko ng magandang umaga ang aking pamilya, tiyak na masasarap ang mga niluluto ni mama.
BINABASA MO ANG
Feel Me 2020
RomanceORAS-minsan mabagal at minsan naman ay napakabilis ng takbo nito at hindi mo na lang ito namamalayang nangyayari na pala ang mga bagay bagay na nakapaligid sa iyo. TADHANA-siyang nagbibigay aral sa bawat pangyayari, siyang dahilan upang masubok ang...