REMINDERS:
The views of the author doesn't reflect in any specific events already happened or might just happen. What you're about to read is only an imaginative composition of the author. This is a BxB genre which may not suitable for the readers ages 18 year old below. Hereof, the composed story is exclusive solely for 18 year old and above and may encounter some inappropriate use of words you might read later on. And if you are against at same sex relationship or not comfortable reading this kind of thoughts, you are free to leave this page.
Be open-minded.
______________________
Previous Chapter:
Nasa ganoong posisyon kami noong may lumapit sa aking lalaki at nagtungo sa aking likuran at hinawakan nito ng mahigpit ang aking batok dahilan upang makaramdam ako ng sakit.
"Nasasaktan ako! Bitiwan mo ako!!" Singhal ko sa lalaking may hawak sa akin.
"Gago ka! Huwag mong isayad iyang kamay mo sa kanya!" Galit na sigaw ni Raymond sa lalaki ngunit nagpahagalpak lamang ito ng tawa.
"Ano ang kailangan ninyo?" Takang tanong ko sa kanila.
"Wala kaming kailangan sa inyo ngunit sa mga nagutos sa akin meron." Saad ng lalaki.
"Sa ngayon ay matulog na muna kayo at mahaba haba pa ang ating tatahakin." Natatawa nitong saad sabay na may itinapat sa aking bibig na panyo. Masangsang ang amoy nito at matapang sa ilong, dito ay nagsimula na akong makaramdam ng pagkahilo hanggang sa bumibigat na ang aking mga mata.
"Bitiwan niyo siya!! Mga gago kayo!!" Sigaw ni Raymond at dito ay hinampas ito ng baril sa likuran nito dahilan upang bumulagta ito sa sahig.
Hindi ko na magawang manlaban dahil sa nanghihina ang aking katawan at hinahatak ako sa tiyak na pagkakahimbing. Dito ay tuluyan na ngang pumikit ang aking mga mata sa labis na antok na aking nadarama.
"Raymond" bulong kong tawag sa lalaking nakahandusay sa sahig bago tuluyang pumikit ang aking mga mata habang naririnig ko namang nagtatawan ang mga lalaki sa paligid.
Dito ako ay nakatulog at wala nang naalala pa.
"LIFE AND DEATH"
Quicke_Ow
Part 64
8:00 pm.
Nagising na lamang ako dahil sa may bumuhos na tubig sa akin. Malamig at may yelo itong kasama dahilan upang ako ay ginawin. Narinig ko naman ang pagtawanan ng mga tao sa paligid wari tuwang tuwa ang mga ito sa kanilang nasasaksihan. Nanghihina pa rin ang aking katawan, ni ang imulat ang aking mata ay hirap kong magawa dahil sa tindi ng panghihina na aking nadarama. Medyo hilo pa rin ako sa mga sandaling ito at parang nagiibayo ito habang tumatagal dahilan upang mamilipit ako sa sakit wari binibiyak ang aking ulo dahil sa tindi ng kirot nito.
Dito ay unti unti kong iminulat ang aking mga mata hanggang sa tuluyan na ngang nakadilat ang mga ito. Pinagmasdan ko ang paligid at dito tumambad sa akin ang napakaraming kalalakihan ang nagbabantay sa amin, nakaupo lamang ito sa mahabang silya habang nagiinuman. Mahigit sa sampo ang mga ito habang maiging humihithit ng sigarilyo. Pakiwari ko ay isang abandonadong gusali kami dinala ng mga ito dahilan upang makaramdam ako ng takot.
Nasa ganoong pagmamasid ako nang mabaling ang aking paningin sa aking tabi dahil sa may narinig akong pagungol at malalalim na paghinga. Dito ay tumambad sa aking paningin ang walang malay at bugbog sarado na si Raymond, marami ang mga pasa nito na nagkalat sa kanyang buong mukha at makikita mo sa kanya ang hirap na pinagdaanan nito dahilan upang lukuban ako ng pagkagalit at pagkahabag.
BINABASA MO ANG
Feel Me 2020
RomanceORAS-minsan mabagal at minsan naman ay napakabilis ng takbo nito at hindi mo na lang ito namamalayang nangyayari na pala ang mga bagay bagay na nakapaligid sa iyo. TADHANA-siyang nagbibigay aral sa bawat pangyayari, siyang dahilan upang masubok ang...