Chapter Seven

115 11 8
                                    

Chapter 7

Ang pagseselos ay pagpapakita ng pagmamahal. Masasabi mo bang mahal mo ang tao kung pumapayag ka na lang na may kasama siyang iba imbes na kasama mo siya? Hindi ba’t wala kang pakialam kung ganoon ang mindset mo? Sa kabilang banda, ang labis na pagseselos ay kawalan ng tiwala. Kung hindi ka nagtitiwala sa taong mahal mo, tiyak na kahit saan siya pumunta ay iisipin mong may kasama siyang iba. Timbangin lang ang pagseselos. Magmahal at magtiwala,”
-Author.

Wala lang. LOL.


Lara


AGAD kong sinalansan ang mga pinagkainan ko at inilagay ito sa tray saka iniabot sa kanya. Nahiga ako at siya ang lumapit sa may pintuan.

Pagbukas niya ay agad namang pumasok si ma’am sa kwarto.

“Katatapos lang po niyang kumain,” bungad ni Leo habang sinusundan ng tingin niya ang kanyang ina.

“Lara, hija maayos ka na ba?” naupo sa gilid ng kama si ma’am saka hinawi ang buhok ko sa mukha.

“Medyo maayos na po ma’am. Nakakain naman po ako. Salamat po pala,” matamlay ko pa ring wika.

“May ininom ka bang gamot?” tanong niya.

“O-opo, binili ni--,” hindi ko natapos ang sasabihin ko.

“Binili po ni Aling Lusing kanina,” sabad ni Leo.

“Dalhin mo na iyan sa kusina at nang mahugasan,” utos ni ma’am sa anak niyang ngayon ay nakatingin sa akin.

“”Sige na, matulog ka na hija,” yun lang at tumayo na si ma’am sa pagkakaupo.

Pinatay niya na rin ang ilaw at isinara ang pinto.

Nakahinga ako ng maluwag sa paglabas niya. ANg galing ko palang umarte.

Dahil inaantok na rin naman ako ay nakatulog na rin ako.

KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Nasa kusina si Aling Lusing na kasalukuyang nagluluto kaya tinulungan ko na siyang maghanda ng almusal. Nakabihis na rin ako sa mga oras na iyon kaya pagkatapos ng almusal ay pwede na rin kaming umalis ni ma’am.

Tatatlo lamang kami ngayon ng mag-aswang Del Monte sa hapag-kainan. Hindi pa gising ang ilan sa mga anak nila lalung lalo na si Leo.

Nang matapos kaming kumain ay gumayak na rin kami para sa pagpasok. Binuhat ko ang laptop bag ni ma’am at ang ilan sa mga libro niya saka kami lumabas ng bahay.

Bago ako makapasok ay hinila ni Aling Lusing ang kamay ko at may binigay na gamot.

“Hija, pinabibigay ni Leo. Inumin mo raw kung sumakit ulit puson mo,” pabulong niya lang itong sinabi.

“S-salamat po,” nauutal pa akong nagsalita saka pumasok sa loob.

Bakit hindi pa niya ibinigay kagabi? Weird ha?

Pero ang sweet.

Umalis na kami at nagtungo na sa school.

Puro major subjects ang schedule ko ngayong araw kaya alam kong matutusta talaga ang utak ko. Dire-diretso ang klase ko sa umaga dahil ipina-arrange ko ito ng maayos sa aming college secretary para makapagtrabaho ako sa hapon sa bakery.

Nang matapos ang buong klase ko sa umaga ay para akong lantang gulay dahil sa stress. Nagquiz ba naman kami ng hindi oras. Tapos nagparecitiation naman ang isa at ang iba ay nagdiscuss ng mga concepts na ikinagulo ng utak ko.

Hindi ako yung pinakamatalino sa lahat pero masipag akong mag-aral mag-isa. Mas natututunan ko ang mga bagay kapag inaaral ko ito mag-isa kaya mamaya ay iseset ko ang isip kong mag-aral sa kwarto ko.

Pauwi na ako. Sumakay ako sa tricycle ni Baste pauwing Calle Adonis dahil siya ang natyempohan ko sa pila.

“Kumusta si pareng Leo?” tanong niya mula sa loob.

“Maayos naman. Ewan ko lang ngayon baka nasa bakery na iyon,” sagot ko.

“Ireserve mo naman ako ng Cassava Cake. Kukunin ko mamayang hapon. Baka maubusan ako. Paborito kasi ni Ruby,” sabi niya.

“Yung worth 80 pesos ba o yung malaki na?” tanong ko.

“Yung malaki na. Hindi lang naman si kangkarot ang kakain nun,” sabi niya pa na focus na focus sa pagmamaneho.

“Sige. MAgreserve ako,” sagot ko.

Sa mga magbabarkada, ay si Baste ang may pinaka-predictable na ugali. Alam mong masungit siya sa mga babaeng habol ng habol pero kapag naging kaibigan mo siya ay totooo siyang kaibigan. Ilan lang sa mga barkada nila ang kakilala ko ng husto. Si Macky na all around sa lahat ng bagay ay para ring si Baste na daig pa ang propesyonal kung kumayod. Hindi nila kailangang maging unipormado para patunayan ang kanilang mga sarili dahil kumikita sila ng sapat.

Ito lang si Leo ang hindi ko maintindihan. Pero minsan, narerealize ko na siguro ay sa kanya ibibigay ang bakery dahil siya lang ang hindi nakapagtapos sa kanilang magkakapatid. Maganda naman ang palakad niya sa bakery kaya nagtitiwala sila ma’am sa kanya.

Nang makarating ako sa bakery ay naabutan ko pang nakasandal si Leo sa ibabaw ng stante kaharap ang babaeng ubod ng puti at shemmss, ang ganda lang niya.
Todo hawi pa ito sa maikli nitong buhok at nakangiti pa habang kausap si Leo.

Tttttsssss. Kainis itong chickboy na ito. Kagabi lang kung makayakap ay todo higpit. Tapos ngayon ay nakikipaglandian na naman sa magandang customer.

“Hi sis. Andyan ka na pala,” sigaw ni Lorena at sinalubong pa ako mula sa pagseserve niya.

“Kararating ko lang. Medyo naaalibadbaran ako sa mga nakikita ko sa paligid,” nagparinig ako dahil wala pa ring tigil sa chikahan ang dalawang nasa tapat.

May bibili na nga hindi niya pa napapansin. Kaya ako na ang lumapit.

“Hi sir. Ano po ang sa inyo? Pasensya nap o, masyadong busy yung boss namin,” tumabi ako sa kanya saka kinausap ang customer.

Lumingon naman siya sa akin. Hindi ko siya tiningnan.

Binentahan ko na ang matanda saka ko sinuklian ang pera niya.

“Sis, magmusic nga tayo,” sabi ko pa kay Lorena kaya’t sinaksak niya ang Bluetooth speaker na nakapatong sa may cabinet.

Nang maikonek ko na ang cellphone ko ay saka ako nagpatugtog.

KISAP Mata : Raphiel Shannon.

Revived version ito kaya nagustuhan ko ang tempo at melody.

Nitong umaga lang,
Pagkalambing –lambing
Ng iyong mga mata ay shoot kung tumingin.
Nitong umaga lang,
Pagkagaling –galing,
Ng iyong sumpang walang aawat sa atin.

Oh Kay bilis namang maglaho ng,
Pag-ibig mo sinta.
Daig mo pa ang isang kisap mata.
Kanina ay nariyan lang
O Ba’t bigla na lang nawala,
Daig mo pa ang isang kisap mata.

Shocks. Ang ganda lang ng kanta. At eksaktong eksakto yung mga lyrics sa pinagdadaanan ko at sa mga galawan niya.

Nilakasan ko ang volume at tila sumasabay naman sa saliw ng tugtugin ang mga kumakain. Nilalakasan ko pa yung boses ko sa parteng chorus kaya napapansin niyang nagpaparinig ako.

Wala akong pakialam. Napakaplayboy niya lang at ayaw ko na ulit sa kanya.

Tiningnan ko yung babae at nakatingin din ito sa akin. Hindi naman siya galit o kung ano man. Wala lang talaga siyang ideya kung gaano ko kagustong kapunin ang kaharap niya nang maputol na ang kaligayahan nito.

Biglang lumapit sa akin yung babae at nag-abot ng kamay.

“Hi I am Myra. Ex ako ni Leo. Nice to meet you,” nakangiti siya sa akin. Ewan ko kung sarkastiko ang mga ngiting iyon pero iniabot ko pa rin ang kamay ko.

May sinabi ba si Leo na dahilan para lapitan ako nito at magpakilala.

“Lara,” pagpapakilala ko.

Ngumiti pa siya kaya ngumiti rin ako.

“Una na ako,” paalam niya.

“Ah, ihahatid na kita. Hintayin mo na lang ako diyan,” agad namang tumakbo si Leo papasok para siguro kumuha ng susi ng motor niya.

Ttttssss. Ihahatid pa. What The Fudge.

Naupo naman sa may silya yung Myra at talagang hinintay ang playboy.

Sadyang umiirap ako sa kawalan kapag naiinis ako.

Lumabas na si Leo at nagmadaling pumunta sa pwesto ni Myra.

“Babalik ako mamaya,” paalam niya.

“Kahit huwag na,” hindi ako nakatingin sa kanya pero alam kong narinig niya iyon.

Umalis na rin sila agad.

“Sis, saan pupunta si Sir Leo? Sabi niya, siya ang magtitimpla ng para sa hopia. Inaantay namin siya,” mula sa masahan ay lumabas si Lorena.

Tingnan mo nga naman oh. Inuna pa kasing ihatid yung babae niya kaysa asikasuhin yung negosyo. Hindi sa nagseselos ako ha, pero nakakainis lang talaga siya.

“Alam mo ba ang timpla nun?” tanong niya.

“Medyo. Sige ikaw muna dito at magbibihis lang ako,” sabi ko sa kanya at saka naglakad papasok sa kwarto ko para magpalit ng damit.

Nang makapagbihis ako ay isinuot ko ang apron at hairnet saka pumasok sa masahan.
Nagsuot ako ng gloves  saka ko tiningnan ang minamasa nilang mga tinapay. Ang palaman na lang ng hopia ang kulang sa may parteng kaliwa ko kaya hindi sila makagalaw. Handa na ang timpla ng pandesal at ang ilan pang mga tinapay kaya isinalang na nila ang mga ito.

“Handa  na ba ang minatamis na munggo Aling Rowena?” tanong ko.

“Oo hija,” isa isa niyang iniabot sa akin ang mga napreparang ingredients kaya sinimulan ko na itong timplahin.

Makaraan ang ilang minute ay natapos ko rin ang pagtitimpla.

Saka naman dumating ang magaling na lalaking tumatakas sa trabaho.


“Handan a ba ang para sa hopia?” tanong niya.

“Naku boss, tapos nap o,” wika ng isa sa mga tauhan.

“Bakit naman po matatapos? Hindi ba’t titimplahin ko pa lang?” nagtataka siya.

Wala akong kibong lumabas ng masahan saka nagtanggal ng apron at hair net.

“Si Lara na po ang nagtimpla,” si Lorena.

Dumeretso na ako sa may pwesto ko.

Maya maya ay sinundan niya ako mula sa masahan.

“Bakit mo pinakialaman ang pagtitimpla?” alam kong galit siya.

“Hindi na kasi pwedeng paghintayin ang mga ingredients kaya ako na ang gumawa,” hindi ako nakatingin sa kanya.

“Paano kung hindi mo mahuli yung timpla? Masasayang ang lahat ng iyon,” medyo tumaas ang boses niya.

“Ayy sorry ha? Kung hindi ko man mahuli yung timpla kasalanan ko na lang. Hindi ko naman kasi alam na mas importante pa yung lakad niyo nung Myra kaysa sa trabahong iniwan mo,” wala na akong takot na tumingin sa kanya.

Napahawak siya sa sentido niya.

“Ex ko yun Lara. Ex ko. Napaka unprofessional lang ng dating mo sa kanya. Lumalabas pa na ayaw mong ihatid ko siya,” hinihinaan pa niya ang boses niya para hindi marinig ng iba.

“Oohhh Boss, I am sooooo sooorrryy na napaka unprofessional ko pala. Baka nakaistorbo pa yung pagtitimpla ng hopia sa naaappaaakkaa importanteng lakad mo. Pero alam mo boss okay lang. I am sure na mas mahalaga yung paghahatid mo sa kanya kaysa sa trabaho dito sa panaderya,” napakasarkastiko ng pagkakasabi ko nito sa kanya.
“Okay ka na?” tanong niya.

“Yes boss. Okay na okay na,” ngumiti ako.

“Ito ang tatandaan mo ha? Huling beses mo na itong gagawin. Sa susunod na hindi mo hintayin ang pagdating ko para gawin ang trabaho ko, kailangan mong harapin ang parusa ko sayo,” mata sa mata kaming nag-uusap.

PWES natuto na akong lumaban. Tiningnan ko lang din siya sa mata at nakangiti lang ako sa kanya.

“Ah Okay,” tumaas pa ang kilay ko.

“Alam mo, parang pinanghihimasukan mo na ang buhay ko eh. Parang gusto mong huwag kong ihatid yung tao. Tapos pinakialaman mo pa yung trabahong dapat ay ako ang gagawa,” nagagalit na siya. Kitang kita ko sa pagngingitngit ng mga ngipin niya at paninigas ng panga niya.

Bigla niya akong hinila at dinala sa pasilyo papuntang kwarto.

“Kasalanan mo kung hindi maganda ang lasa ng hopia na isinalang nila,” naikorner niya ako sa pader.

Hindi ako nagpatinag at tumingin pa rin ako sa kanya.

“Ako ang sisisihin mo? Boss paalala lang ha? Kaming mga babae, hindi kami laruan. Hindi kami trophy. Hindi kami manika. Hindi rin naman kami perfect. Pero may sarili kaming desisyon o opinion. So kung hindi niyo po magustuhan kailangan mo na lang tanggapin,” pinilit kong kumawala sa mga hawak niya.

“Pinalalabas mo ngayon na ako yung may kasalanan?Ha?” mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

“Nasasaktan ako,” reklamo ko.

Hindi siya nagsalita at lumuwag naman ang hawak niya sa kamay ko.

“Tapos ngayong totoo ang sinasabi ko hindi mo matanggap? Well Boss Leo, may isa ka pang problema. Napakababa ng ego mo. Yung emosyon mo, lahat nasa utak mo. Bakit di mo icheck yung emosyon mo kung mayroon ka rin nun sa puso mo? Tapos yun yung gamitin mo sa---,” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinalikan.

Nawala lahat ng gusto kong sabihin dahil nablangko ang utak ko sa biglaang pagsakop niya sa mga labi ko.

Gosh. Yung lips niya. Ang lambot. Para akong kumakain ng bulak.

Maya maya ay kumalas siya at habol ko ang aking paghinga.

“Tumigil ka na. Tumigil ka na Lara bago pa man ako mawalan ng control sa sarili ko,” binitawan niya ang kamay ko at tumalikod sa akin.

“Tapos ngayon napipikon ka kasi totoo yung sinabi ko,” tumawa lang ako sa gilid habang hindi pa rin makapaniwala sa ginawa niyang paghalik sa akin.

“Wala kang alam sa naging relasyon namin ni myra kaya huwag mong panghimasukan iyon,” lumingon siya at masama ang tingin niya sa akin.

“Oohh. Hindi ko pinakikialaman ang love life mo. Well, isa lang naman akong hamak na babaeng nagkagusto sayo. Oo pinilit kitang magustuhan ako, pero parang nagsisisi na ako. Para kasing hindi ka ideal maging jowa. Mapanakit ka ng damdamin. Hindi mo kayang magpakilig ng todo. At isa pa, masyado kang---“ hindi ko na naman naituloy ang sasabihin ko dahil kinulong niya ang mukha ko sa dalawa niyang palad at saka ako siniil ng mga mapagparusa niyang mga labi.

Jusko, kung ganito lang lagi ang parusa ko, gusto ko na lang siya laging awayin. Kahit kada minuto okay lang.

Maya maya ay kumalas na siya.

“Hindi ba’t sabi ko ay tumahimik ka na,” sabi niya na magkadikit pa rin ang noo naming dalawa.

“Bakit kasi inihatid mo pa siya. Nagse---,” at sa ikatlong pagkakataon ay naparusahan na naman ako.

Kumalas siya ng halik.

“Tama na Lara. Hindi ko na ito mapipigilan pag humirit ka pa,” magkadikit pa rin ang mga noo naming dalawa.

Habol habol ko pa rin ang hininga ko dahil sa kanya.

Bumitaw na siya sa mukha ko at hinawi ang buhok niyang medyo nagulo.

“Ayusin mo yang sarili mo at sumunod ka sa akin sa masahan. Baka dito pa kita masahin,” maglalakad na sana siya paalis nang magsalita ako.

“Yun ba yung parusang sinasabi mo?” tanong ko.

Hindi siya nagsalita.

“Sumunod ka na sa akin at tuturuan kitang magtimpla ng para sa hopia,” saka siya naglakad paalis.

Hawak hawak ng mga daliri ko ang labi ko. Naksandal ako ngayon sa pader at tila lumilipad ang isip ko dahil sa mga nangyari.

Napapangiti ako at hindi ko maunawaan ang nararamdaman ko.

Posible bang mahal niya na rin ako?

Eh bakit may pahatid hatid pa sa ex?

That’s for me to find out.


Hello guys. Pasensya na sa short update ko tonight. Masakit kasi ang ulo ko at nagsimula lang akong magsulat kaninang alas kwatro.

Suggestion ko sana ay after one week ako muling mag-update para mas marami kayong mababasa o kaya ay matapos ko na ang kwento ni Leo.

Leave your comments and suggestions kung gusto niyo ng one week no update or mag-daily update ako.

Thank you.










Tambay Pogi: Leo (Leonardo Del Monte)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon