Chapter Thirty One

122 6 0
                                    

Chapter 31

"Kailan ka muling napagkaisahan?"

-Pakisagot po.

Lara

NANG makita ko siya sa trabaho ko ay halos hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Gusto ko siyang lapitan at yakapin pero nagpipigil ang isip ko. Nang marinig ko mula sa kanya na ako pa rin ang laman ng puso niya ay halos mangiyak ngiyak na ako dahil hindi ko na talaga kayang pigilan pa ang nararamdaman ko.

Ang tanga tanga ko lang dahil ni hindi ako gumanti sa yakap niya. Iyon ang comfort zone ko. Iyon ang hinahanap ko noong mg panahong nararamdaman kong nag-iisa ako.

Halos ayaw kong matapos ang sitwasyon na iyon dahil gusto ko pang maramdaman ang mga yakap niya. Pero ang tanga tanga ko.

Sa sobrang katangahan ko ay naitaboy ko pa siya.

Hindi man lang siya lumingon nang lumingon ako para ihatid siya ng tingin ko palabas.

Please lumingon ka... sasama na ako sayo kapag lumingon ka...

Sigaw ng puso at isip ko.

Ngayon lang nagkasundo ang dalawang ito sa matagal na panahong pagkakaiba nila ng saloobin.

Pero hindi siya lumingon. Hindi man lang niya ako nagawang ipaglaban pang muli.

Nasasaktan ako hindi dahil sa kanya kundi dahil sa lintik na pride ko. Gusto ko siyang habulin pero nakaalis na siya.

Halos gumuho ang mundo ko nang makitang paalis na at umaandar na ang motor niya.

Tumulo na naman ang mga luha ko kaya bigla akong tumakbo papunta sa comfort room.

"Ang tanga tanga mo Larraaaa," naiinis ako sa sarili ko habang bahagyang sinasaktan ang dibdib ko.

Wala nang magagawa ang pag-iyak iyak ko dahil umalis na siya. Umalis na yung taong pinakamamahal ko.

Tumahan na ako dahil hindi ako pwedeng magtagal dito.

Lumabas na ako ng comfort room saka nagpatuloy sa trabaho ko.

NAPAKABILIS lumipas ng oras dahil ilang minuto na lang ay matatapos na ako sa time ko.

Six Fifty Four na at anim na minuto na lang ang nalalabi. Wala na rin gaanong customera kaya tinawag ako ni Manager Grace.

"Lara, halika sandali," tawag niya sa akin.

Lumapit ako sa kanya sa pasilyo papasok sa loob ng para sa mga crew.

"Good job. Madali kang matuto. The same time ulit bukas. And I will give feedback sa boss natin about your work ngayon," tinapik niya ako sa balikat.

"Naku, salamat po mam," ako.

"Magseseven na. Mag-ayos ka na at nang makapag out ka na rin," aniya.

Tinanggal ko na ang apron ko at ang hairnet ko. Kinuha ko na ang bag ko sa locker.

Nag-out na ako sa biometrics at nagpaalam sa kanya.

Naglakad na ako papuntang sakayan pauwi sa baryo namin. Lakad-takbo ako dahil madilim na.

Nagmamadali akong umuwi dahil medyo liblib ang lugar sa amin.

Pagdating ko sa sakayan at tyempo namang wala masyadong pila.

Sumakay na ako nang ako na ang nasa unahan at umandar na ang sinakyan ko pauwi sa amin.

Tambay Pogi: Leo (Leonardo Del Monte)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon