Chapter Eleven
“Maraming dahilan para magbago ang isang tao. Ngunit ang pagbabago para sa isang tao ay isang bagay na dapat ay pahalagahan. Yun bang tatalikuran niya ang dating gawain dahil mas mahalaga sa kanya yung kagustuhan mo kasya yung mga bagay na nakakapagpasaya sa kanya dati – dahil nasayo na ang kasiyahan niya. Natagpan niya sayo. Kaya kung may nagbago dahil sayo, siya yung taong dapat ay iingatan mo. Mahalin mo. Kung bumitaw ka naman sa kanya, sundan mo, hilahin mo pabalik. Huwag kang tanga. Minahal ka at pinahalagahan ka. Huwag mong itapon ang hindi basura.”
-Author
Lara
PAGKATAPOS ng hapunan ay bumalik ako sa kwarto at kumuha ng damit pamalit. Si Aling Lusing na ang naghugas ng mga pinagkainan.
Manonood ako mamaya ng After the movie version pero hanggang ngayon ay wala pa rin yung ipapahiram niyang laptop. Akon a lang ang kukuha mamaya sa kwarto niya.
Pagkatapos ko magshower ay nagbihis na ako. Nakapajama ako at medyo malaking t-shirt. Naglakad ako palabas ng bakery at dumaan sa likod bahay para makapasok sa kanila. Sa kaliwang bahagi malapit sa kusina ang kwarto niya kaya doon ako dederetso. Wala naman nang tao sa kusina kaya nagmadali akong nagtungo kung nasaan ang kwarto niya.
Hindi na ako kumatok at agad kong binuksan ang pintuan.
Gusto kong magsisi sa hindi pagkatok dahil kasalukuyan siyang nagsusuot ng briefs na nakaharap pa sa akin. LORD HAVE MERCY. Nakita ko ang hukbalahap. Masukal ang daan papunta sa kuta nila. GOSH. My Virgin eyes.
Bigla akong tumalikod pero huli na ang lahat para makaligtas pa ako sa mga tingin niya.
“Kumatok ka naman sa susunod na papasok ka. Baka hindi na lang ganung eksena ang makita mo sa susunod,” naiinis siyang nagsalita sa likuran ko.
“Bakit kasi hindi ka naglalock ng kwarto?” sinisi ko pa siya.
“Eh wala namang ibang pumapasok dito sa kwarto ko na hindi kumakatok. Ikaw lang talaga ang trespassing,” siya.
“Bakit ba kasi nakaharap ka pa sa pinto?” ako.
“Alam ko bang papasok ka?” siya.
“Dalian mo na lang diyan,” ako.
“Huwag ka nang umarte. Nakita mo na. Wala na akong maitatago,” siya.
Dahan dahan akong lumingon saka ko nakitang nakashorts na siya. Basa pa ang buhok niya at halatang katatapos lang din maligo.
“Hindi na sana ako pupunta dito kung ikaw na mismo ang nagdala ng laptop sa kwarto ko,” reklamo ko.
“Ahh. Gusto mo ulit akong pumunta sa kwarto mo, bubwit?” maya maya ay lumapit siya sa akin.
Napaatras ako.
“Ikaw ha? Namimihasa ka na. Gustong gusto mo na akong naglalagi sa kwarto mo. Ngayon naman pinapasok mo na ako sa kwarto ko. Hindi ka na ba makapagpigil? Matagal pa ba yang dalaw mo?” nakangisi niyang tanong.
Umiwas ako ng tingin saka humakbang pakanan.
“Akin na yung laptop mo para mapanood ko na,” pag-iiba ko ng usapan.
“Sa isang kondisyon,” siya.
“Ano?” tanong ko.
“Sasamahan kitang manood sa kwarto mo. Pagkatapos mong manood saka ako babalik dito. Pero depende na sayo kung gusto mo pa akong palabasin mamaya,” namaywang siya.
“SIge na. Bilis na,” pagmamadali ko.
Saka siya nagsuot ng manipis na t-shirt, yung medyo maluwag. Tapos kinuha niya mula sa mesa ang laptop niya.
“Tara na,” siya.
“Mauuna na ako. Sumunod ka na lang,” ako.
“Hindi pwede. Dapat lagi tayong sabay sa lahat ng bagay. Hindi pwedeng mas nauuna ka o ako,” may pagkapilyo ang tingin niya.
TTtsss. Manyak talaga.
Binilisan ko na lang ang lakad para walang makakitang sa kwarto ko siya papunta.
Pagdating sa kwarto ay naglock ako ng pinto.
“Oh bakit ka naglock? Maygagawin ba tayo?” tanong niya.
“Tigilan mo nga ako,” reklamo ko.
Saka siya umupo sa kama at binuksan ang laptop. Nang mabuksan niya ay nag-open siya sa files at inopen ang videos. Saka ipinlay ang After.
Nahiga siya sa gilid ng kama ko sa may pader at inunan niya ang mga kamay niya.
“Oh manood ka na. Maiidlip lang ako. Gisingin mo na lang ako kapag tapos ka na. Huwag kang gagawa ng anomang bagay sa akin ha kapag napanood mo iyan,” sabi pa niya.
Huh? Ano bang meron sa palabas at ganun ang mga sinabi niya?
Naupo ako sa tabi niya at isinuot ko ang earphones ko. Isinaksak ko to sa may laptop at medyo tinantya ko lang ang volume nito.
Okay watching.
Habang nanonood ako ay panay siya ikot sa higaan ko. Bagay na ikinaiirita ko. Pino-pause ko pa ito kapag gagalaw siya. Wala naman siyang kibo.
At nang makarating nga ako sa SPG part nito ay tumagilid siya at hinarap ako. Sinuportahan pa ng kamay niya ang ulo niya habang nakatagilid.
“Panoorin natin iyan ng sabay. Huwag mong ifoforward,” hinawakan niya pa ang kamay ko.
“Ayaw kong makita iyan,” reklamo ko.
“Maganda iyan. Promise,” siya.
Wala akong nagawa dahil kinuha niya ang laptop saka inilayo sa akin.
“Oh ayan, panoorin mo kasi,” naiinis siya sa akin.
Wala akong magawa kundi panoorin na nga lang.
Napapatingin ako sa kanya habang pinapanood koi to. Tutok na tutok siya. Sumusulyap lang ako sa kanya.
Nang matapos ang eksenang iyon ay saka siya lumingon.
“Kung ako si Hardin, hindi lang ganyan ang nangyari,” saka siya humiga muli.
“Eh kaso hindi nga ikaw si Hardin,” mahinang sabi ko.
“Anong sabi mo?” bigla siyang bumangon.
“Hindi nga ikaw si hardin kaya hindi ka ganun kapassionate,” naiinis na rin ako saka ko ipinause yung palabas.
“Gusto mo bang mangyari ngayon yung dapat ay ginawa ni Hardin kay Tessa?” seryoso ang mukha niya.
“Leo, manonood na ako. Inaantok na ako pero kailangan kong tapusin ito,” tumalikod ako sa kanya.
Hindi na rin siya kumibo saka ako nagpatuloy sa panonood.
SA WAKAS at natapos ko rin ang movie. Excited na akong mabasa ito dahil baka mas detailed and mga pangyayari sa book version. Bago ko pinatay ang laptop ay nilingon ko muna siya kung tulog na. Mukha naman siyang tulog na tulog.
Nag-open ako ng files niya. Maayos ang pagkakafile niya ng mga documents. Nag open ako sa pictures at may mga folders pa dito ng iba’t ibang litrato.
May mga files na ang name ay BARKADA 101. OUTING sa Paraiso. Family Reunion. Si pangit. At may nagiisang file na ang pangalan ay present.
Binuksan ko muna yung file na Si Panget at nakita ko na puro siya ang laman nito. Selfie photos habang nakahiga sa kama. Ang cute lang ng mata niya. Yung masungit looks. Ibinaba koi to at may tatlong litrato dito na may kasama siyang babae. Parehas pa silang nakabalot ng kumot.
Inopen ko para makita ko kung sino ito. At hindi nga ako nagkakamali. Si Ms. Myra ito. Biglang kumabog ang dibdib ko. Napakasaya nilang dalawa dahil ngiting ngiti sila habang nakatingin sa kamera.
Hmmmm. Inexit ko na ang folder na iyon saka ko tiningnan ang folder na present.
Nagulat ako sa nakita ko dahil puro ako ang laman nito. May mga iilang selfie siya na nasa likod niya ako at itinuturo pa niya ako sabay nakadila o kaya ay nakasimangot.
May mga iilang nakaside view ako at kausap si Lorena.
Bakit nandito ako? Bakit may mga litrato ako sa kanya?
Bigla siyang gumalaw kaya inexit ko agad ang file manager. Isinwitch off ko na ang laptop saka ko ipinatong ito sa mesa.
Kailangan ko na siyang gisisngin.
“Leo, gising na. Tapos na akong manood,” kinalabit ko siya sa balikat dahil nakadapa na siya sa higaan ko.
“Leo,” kalabit ko ulit.
“uuhhhhmmm. Dito na ako matutulog,” may pagrereklamo ang boses niya.
“Bumalik ka na sa kwarto mo,” kinalabit ko pa siya.
“Ayoko. Natutulog na ako, sana hindi mo na ako ginising,” reklamo niya.
Yung pagkakunot ng noo niya ay parang nagbabadya na bubulyawan nya ako dahil ginising ko siya sa pagkakatulog.
Baka pag ginising ko pa siya ulit ay bigwasan niya na ako dahil sa sobrang nakakatakot na ang facial expression niya kapag ginigising ko siya. Kaya hinayaan ko na lang.
Nakatalikod siya sa akin kaya alam kong seryoso siya sa pagtulog.
Hinanap ko na rin ang tulog ko at sa ilang saglit ay inantok na ako.
KINABUKASAN ay mag-aalas singko na nang magising ako. Napabangon ako agad dahil hindi pwedeng matagalan siyang umalis mula sa kwarto ko.
Nakadagan ang binti niya sa akin at nakayakap ang isang kamay.
“Leo, bangon na. Bumalik ka na sa kwarto mo,” ginising ko siya.
“Maaga pa,” mahina ang boses niya.
“Bangon na,” pinilit ko siya.
“Deretso na lang ako sa bakery mamaya para walang makahalata,” sabi niya saka niya isinuksok ang kaliwang kamay sa loob ng shorts at nagkamot.
Tumalikod naman ako.
Ano ba naman iyan!!!
Hinayaan ko na lang siyang mahiga. Kinuha ko ang towel ko at panloob saka nagmadaling maligo.
After 15 minutes ay bumalik na ako at nawala sa isip ko na may lalaki pala sa kwarto ko.
Nakaupo siya sa gilid ng kama at nakatulala.
“Pwede labas ka na? Magbibihis na kasi ako,” request ko.
“Dapat may makita rin ako sayo. Nakita mo na lahat ng mayroon ako kagabi eh,” saka siya sumandal sa headboard ng kama.
Abah at gusto niya pa ng patas.
“Tumigil ka nga. Labas na dali,” lumapit ako sa kanya saka hinila ang kamay niya.
Nakatapis lang ako pero may panloob na ako.
“Dito lang ako hanggang pagkatapos mo magbihis,” mapilit siya.
“Leo, babae pa rin ako kaya please lang labas na,” naiinis na ako.
“Bakit kagabi ba nagreklamo ako? Pakiramdam ko ng napicturan pa ng mata mo yung tinatago ko eh. Nasaan ang hustisya ha bubwit?” seryoso ang mukha niya.
“Walang hustisya para sa Hukbalahap,” pinilit ko siyang hilahin.
“Anong hukbalahap?” nagtataka siya.
Oh My.
“Wala. Sige na labas na,” saka ko siya naitulak papuntang pinto.
“May hindi ba ako nalalaman? “ Pilit siyang lumilingon pero tinutulak ko siya.
Hanggang sa makalabas na siya ng kwarto ko.
Naglock ako ng pinto at saka ako nagbihis ng uniporme.
Pagkatapos nito ay lumabas ako para kunin sa bakery yung pinabili ni Ms. Myra.
Dumeretso na ako sa kusina para kumain. Naabutan ko naman si Leo na nagkakape at si Ma’am Glenda na nagsusuklay.
Wala pa rin si sir dahil sa kanyang business trip.
Ang ilan sa mga kapatid ay tulog pa.
“Good morning ma’am,” bati ko.
“Hi hija. Maupo ka na at kakain na tayo,” siya.
Tumingin ako kay Leo na seryosong nakatitig lang.
“Anak, mukhang napapaaga lagi ang gising mo ah,” nagtatakang tanong ni ma’am sa anak saka naupo.
Tiningnan ko lang siya.
“Ihahatid ko po kayo diba?” maganda yung sagot niya.
“Oo nga naman. Hayaan mo pagbalik ni papa mo hindi ka na magigising ng maaga,” wika ni ma’am.
“Okay lang po ma kahit araw araw ko kayong ihatid,” natatawa siya.
“Abah. May kailangan ka ba? Parang ang bait bait mo ngayon ah,” nagtataka pa rin si ma’am.
“Masama bang magbago ng ugali ma?” tanong niya.
“Kung ikabubuti mo ay walang masama,” saka naglagay ng kanin sa plato si ma’am.
“May nililigawan ka na ba ngayon anak?” biglang tanong ni ma’am.
“Balak ko pa lang pong ligawan. Kaso magulo ang utak ma eh. Minsan gusto niya ako. Minsan galit siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ba talaga,” nagkakape lang siya.
Alam kong may punto ang bawat salita niya dahil may pakiramdam ako.
“Sino iyan?” nagtataka si ma’am.
“Saka ko na sasabihin kapag kami na,” si Leo.
Patuloy lang ako sa pagkain.
“Alam mo anak ang mga babae ay hindi mo talaga mapepredict ang ugali. Natural na iyan sa amin. Pero sa babaeng iyan ba, masaya ka? Baka naman pinagtitripan mo na naman,” si ma’am.
Actually ma’am lagi niya akong pinagtitripan.
Halos gustong sumagot ng bibig ko.
“Pinagtitripan ko po pero hindi sa paraan ng isang chickboy,” sagot niya.
“Basta kung sino man iyan, dapat matino. Tapos marunong sa buhay. Hindi importante kung mayaman o mahirap. Basta mahal mo. At tsaka ayusin mo yang buhay mo. Hindi ka na ba talaga mag-aaral?” si ma’am.
“Ayaw ko na ma. Bakit? Aalisin niyo na ba ako sa bakery? Sa akin nay un diba?” tanong niya.
“Okay ka na ba doon?” si ma’am.
“Sobra na iyon ma,” siya.
Nagpatuloy lang ang usapan namin saka natapos kumain.
Hindi na siya naligo nang ihatid niya kami. Dumeretso na rin ako sa office para dalhin ang ilang gamit ni ma’am at ibigay kay Ms. Myra yung pinabili niya.
Nagpasalamat naman ito.
LUMIPAS ang araw at nalalapit na ang oras ng pagtutuos namin sa klase ni Ms. Mya. Nahalata ko lang na halos araw araw na siyang nagpapadala ng pera para ibili ng tinapay. Hindi sa napapagod o nagrereklamo ako pero parang sinasadya na niya.
Nasa klase kami ngayon at magsisimula na ang discussion namin tungkol sa After by Anna Todd. Nabasa ko na ang kalahati nito dahil kahapon ay dumating ang order ni Leo na mga libro. Sobra akong nagpasalamat sa kanya to the point na ginagawa ko lahat ng utos niya para lang makabawi.
Tiba tiba naman siya sa mga pag-uutos niya dahil pati pagkuha ng tsinelas niya, paglagay ng pagkain sa plato, pagpapaabot ng tubig ay ipinagagaw niya. Kaya parang binayaran ko na rin ito.
“Class, did you finish reading the first part of the novel?” tanong ni ma’am.
May mga nagsabi ng yes at isa ako sa nagsabi ng hindi pa namin natatapos.
“Whether you finished it or not, let us discuss about the characters now,” sabi niya pa saka naglakad lakad.
“Who can give me a brief description about Hardin?” tanong niya.
May mga nagtaas ng kamay. Puro mga babae at nerdy sila dahil sa eyeglasses na suot nila.
“Hardin is a possessive young man who wants Tessa to follow him, to believe in what he says and to follow what he wants,” si Jessa.
“What about you?” tukoy niya sa isa ko pang kaklase.
“Hardin is a guy who has an unpredictable character. He seems nice to be nice now but for a second he is not,” si Kaye.
“Alright. I guess, nabasa niyo nga at naintindihan ang charactersitics ni Hardin. Actually when first read the book, I am surprised for a different vibe of a male character. He is one unusual guy,” dagdag pa niya.
“And what about Tessa?” tumitingin siya kung sino ang pwedeng magrecite.
Kaso the same hands ang nagtataas.
“Ms. Castillejo, what can you say about Tessa?” binigla niya ako.
Hindi ko pa natapos ang libro kaya yung movie ang naging basehan ko.
“Tessa wants to have a normal life. Actually, I saw myself in her. I wanted to study and find a job. But here comes a guy who turned her world upside down. I believe that every woman should try to fight for that someone who could change his life for her. Unlike Tessa who almost gave up on him,” sagot ko.
“But Tessa didn’t really gave up,” bigla niyang sabi.
“That’ts why I said ‘almost’ ma’am,” sagot ko.
Hindi ko naman sinabing nag-give up na siya. Almost gave up sabi ko pa. Bingi ba siya?
“I am sorry. But you know, giving up for a person that I love can never be found in my lexicon. I should fight for that person til the end. That’ts how I love,” wika nya.
Alam kong may pinupunto siya sa sinasabi niya. Alam niyang may gusto ako kay Leo at alam kong gusto niyang bumalik kay Leo.
And she is using this opportunity para makabalik siya.
Napatahimik na lang ako dahil sa mga parinig niya.
Pagkatapos ng klase ay pinaiwan niya ako.
“Ms. Castillejo sandali lang,” tawag niya nang palabas na ako sa room.
“Bakit po?” ako.
“Are you happy now?” siya.
Anong ibig sabihin niya? May kakaiba sa expression ng mukha niya.
“Ano pong ibig ninyong sabihin?” nagtatakang tanong ko.
“I mean, masaya ba kila Dr. Del Monte? Diba doon ka nagwowork?” nag-iba ang expression ng mukha niya.
“Maayos naman po,” sagot ko na nagtataka pa rin.
“Pwede bang magpabili ulit ako saypo? Nagugustuhan kasi ng mga kasama ko yung gawa ni Leo na hopia,” nakangiti pa siya.
Gawa namin ni Leo to be clear.
“Sige lang po. Wala pong problema,” sabi ko.
Nagbigay siya ng 500 at nagsabing,
“Worth 250 lang. Keep the change,” nakangiti siya.
Minamaliit niya ba ako? Gusto kong sumagot pero may pasensya pa ako.
Relax lang Lara. Kaya mo iyan.
Saka ako nagpaalam at lumabas na sa room.
Sana ay na-enjoy po ninyo ang chapter na ito.
Share po natin para mas marami pang makabasa.
Magandang gabi.
BINABASA MO ANG
Tambay Pogi: Leo (Leonardo Del Monte)
RomanceFull Time: Panadero Part Time: Chickboy sa kanto Si Leo, isang binatang gwapo, habulin ng chicks dahil sa killer looks at higit sa lahat ay responsableng anak ng may-ari ng panaderya sa kanto ng Calle Adonis. Sa likod ng kakisigan at pagiging mabuti...