Chapter 28
"Naranasan mo na bang magpaalam sa taong mahalaga sayo? Ano ang pakiramdam? Paano kung sa pagpapaalam mong iyon ay iyon na rin pala ang huli ninyong pagkikita? Kakayanin mo ba?"
-Author
Leo
TULALA pa rin ako hanggang ngayon. Nasa kwarto pa rin ako ni Lara at tila ayaw kong umalis sa kwarto niya dahil baka sakaling bumalik siya maya maya lang. Baka hindi siya nasakay sa bus. O baka nakalimutan niyang magpaalam sa akin.
Nakahiga pa rin ako sa kama niya at nandoon pa rin yung amoy niyang hindi matatanggal sa pang-amoy ko. Gustung gusto ko na siyang makita at mayakap pero wala akong magawa.
Dinalhan ako ni mama ng pagkain doon pero hindi ko magawang kumain. Maghapon akong tulog at hindi man lang nalagyan ng pagkain ang sikmura ko pero pakiramdam ko ay puso ko ang nagugutom, puso ko ang nangangailangan ng atensyon, at puso ko ang nangangailangan kay Lara. Mahal ko siya pero nagpakaduwag ako. Nasaktan ko siya pero hindi ko sinasadya.
"Anak, wala ka pa raw kinakain mula kanina," nag aalala na si mama sa akin.
"Ayos lang ang sikmura ko ma. Ito ang sobrang sakit," sabay suntok ko sa dibdib ko at naluluha na naman sa kalungkutan.
"Nak, hayaan mo, ibabalik natin si Lara ha? Huwag mo nang saktan ang sarili mo. Ayaw ko nang mawalan pa ng isang mahalaga sa buhay ko," naiiyak na rin si mama saka pinahid ang luha ko.
"Ma, ganito ba ang parusa ko? Nagbago ako para sa kanya. Nagsumikap akong pagbutihin ang pamamalakad sa bakery para lang maging karapat-dapat ako sa kanya. Pero bakit po ganon? Bakit po ganito ang kapalit?" sapu sapo ko ang noo ko habang patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha sa mata ko.
"Nak, huwag mong sisihin ang sarili mo at ang tadhana. Darating at darting ang panahon na mauunawaan natin ang lahat," hinimas niya ang likuran ko.
"Masakit kasi ma. Minahal ko yung bubwit na yon. Tapos kahit isang salita wala akong narinig sa kanya bago siya umalis," nagtatampo ako sa kanya. Pero pag nakita ko siya, humanda talaga siya sa akin.
"Siguro ay nasasaktan din siya at walang masabi anak. Baka lang mas nasasaktan siya n magpaalam sayo. Mahirap iyon," niyakap ako ni mama.
"Tahan na. Bukas, pagkatapos magsara ng bakery, ipapa install natin kay Macky ang CCTV. Para hindi alam ng lahat. May kutob ako na isa sa mg tauhan natin ang nagnakaw ng income na iyon. Huwag kang mag-alala. Mababawi mo si Lara. Sa ngayon, magpalakas ka para pag nagkita kayo, handa ka na para sa kanya," wika ni mama.
Napawi ang lungkot ko sa posibilidad na magkikita pa kami. Pero paano? Kailan? At saan?
Sana ngayon na mismo.
"Ma, gusto ko siyang puntahan," agad kong sabi.
"No anak. Bigyan mo muna siya ng panahong mag-isip isip. Ibigay mo iyong panahon na ito para sa kanya,"
Tama si mama. Hayaan ko munang lumipas ang araw para makapag-isip isip siya. Pero iniisip ko pa lang na ilang araw ko siyang hindi makikita ay nadudurog na ako.
"Anak, kumain ka na. Pakiusap, hindi rin matutuwa si Lara pag nakikita ka niyang ganyan," si mama.
Binantayan niya ako habang kumakain. Pakiramdam ko ay nainitan ang sikmura ko sa sabaw kaya medyo guminhawa rin ang pakiramdam ko.
"Dito ho ko matutulog," sabi ko pagkatapos kumain.
"Dadalhin ko ba ang kumot at unan mo dito?" tanong ni mama.
"Hindi na ho. Ito na ang gagamitin ko," ako.
"Mahal mo talaga ano?" si mama.
Hindi ako makasagot. Nahiga ako at nag-isip na naman ng malalim.
BINABASA MO ANG
Tambay Pogi: Leo (Leonardo Del Monte)
RomanceFull Time: Panadero Part Time: Chickboy sa kanto Si Leo, isang binatang gwapo, habulin ng chicks dahil sa killer looks at higit sa lahat ay responsableng anak ng may-ari ng panaderya sa kanto ng Calle Adonis. Sa likod ng kakisigan at pagiging mabuti...