Chapter 9
“Minsan, kapag kasama natin yung taong dahilan n gating saya, nagagawa natin yung mga bagay na hindi natin ginagawa. Ang tawag doon ay sakripisyo. Minsan, nagtataka tayo kung bakit nagagawa natin ito sa kabila ng katotohanang ‘first time’ itop sa ating buhay. Pero minsan mo na rin bang naisip na masaya palang gumawa ng bagay na ‘first time’ kapag kasama mo ang taong tunay na nagpapasaya sayo? Para sa akin kasi, mas memorable ang bagay na iyon. Mas maaalala ko siya. Mas magiging espesyal ang bagay na ordinary lang para sa iba. Ordinaryo man para sa iba, tunay naman itong sayo ay nagpaligaya.”
-Author.
Wala lang ulit. May ma-intro lang. LOL
Lara
Pagkatapos kong maghuga ng mga pinagkainan ay pumunta na rin ako sa aking kwarto.
Nasa may pasilyo na ako papasok doon nang may biglang humila sa kamay ko.
Halos mapasigaw ako sa gulat dahil ang akala ko ay may magnanakaw na nakapasok sa loob ng bakery pero natakpan ang bibig ko ng isang mainit na bagay.
“Shhhh. Huwag kang maingay,” bulong ng pamilyar na boses.
Kama yang katakip sa bibig at ilong ko kaya nahirapan akong huminga.
“uuuhhhmmmm,” daing ko kaya naman tinanggal na niya ang kamay niyang nakatakip doon.
“Bakit ba?” tanong ko sa kanya.
“Anong ginagawa mo dito? May dadalhin ka na naman bang babae dito?” tanong ko sa kanya.
Medyo madilim ang pasilyo kaya hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya.
“Matutulog ka na ba?” tanong niya.
“Hindi pa. Pero gusto ko lang magbasa ng lessons ko,” sagot ko.
“Mamaya ka na magbasa,” saka niya ako hinila palabas ng bakery.
“Saan ba tayo pupunta?” tanong ko.
“Basta sumunod ka na lang,” hila hila niya pa rin yung kamay ko.
Papunta kaming tindahan nila Aling Amy ngayon. Jusko. Huwag niyang sabihin na ipakikilala niya ako sa mga barkada niya.
Natatanaw ko sila Amir, Kiel at Arc na nandoon at masayang nagkwekwentuhan.
“Oh tol. Dala mo yata yung kinakapatid mo?”tanong ni Arc.
“Upo,” utos ni Leo sa akin saka ako umupo malapit sa may bintana ng tindahan.
Natanaw ko naman na nasa loob si Macky habang nakatingin sa amin.
“Bakit mo ako sinama dito?” tanong ko.
“Pakakainin kita ng itlog,” sabi ni Leo saka lumapit sa akin at umupo.
Itlog?
“Pre, dalawa ngang balot,” nag-abot siya ng 50 pesos kay Macky.
Balot? Jusko hindi ako kumakain ng may sisiw.
“Hindi ako kumakain ng balot,” reklamo ko.
“Ate, masarap yun. Lalo na kapag malaki yung sisiw,” si Amir.
Nasusuka ako sa isip pa lang.
“Subukan mo lang. Para ka namang hindi Pilipino,” si Arc.
“Hindi po kasi talaga ako kumakain ng ganun,” sabi ko.
Busy naman si Kiel sa pagkalikot ng cellphone niya.
“Hindi ka uuwi sa bahay hanggat hindi mo inuubos ito,” ipinukpok pa ni Leo sa ulo ko yung dulo ng balot saka binutasan sa dulo.
“Aray naman,” reklamo ko.
“Kala ko kasi matigas ulo mo,” tatawa tawa niyang sabi.
Nilagyan niya ng asin yung dulo.
“Sipsipin mo,” iniabot niya sa akin yung medyo mainit pang balot.
God. Pinapraktis niya ba akong sumipsip?
Shocks ang dumi ng utak ko.
“Masarp ang sabaw niyan,” sabi pa ni Arc.
Parang naghahalu halo na ang laman ng isip ko sa sinasabi nila.
“Sige na. Ang daming arte,” si Leo.
Tinignan ko lang siya ng masama.
“Ano, kakainin mo o dito lang tayo magdamag?” tinatakot niya ba ako?
Agad kong sinipsip ang sabaw nito.
Tama nga sila. Okay rin ang lasa ng sbaw. Pero hindi ko pa nakikita yung sisiw nito. Sa isip ko pa lang, naduduwal na ako.
“Akin na, ako ang magbabalat baka itapon mo,” inagaw sa akin ni Leo yung balot saka niya binalatan.
Nakita ko kaagad yung sisiw nito. Kakaunti lang ang dilaw nito kaya feeling ko talaga ay napakalaki ng sisiw.
Namumula na siguro ako dahil sa nakikita ko.
Pagkabalat niya ay iniabot niya sa akin.
“Hawakan mo muna, bubuhusan ko ng suka,” sabi niya.
Hinawakan ko ang balot at parang nakikipagtitigan ako sa sisiw nito.
Oh My God. Huwag kang gagalaw.
Nang mabuhusan niya ng suka ay saka niya ako inutusang kainin ito.
“Pumikit ka na lang pag kinain mo. Masarap iyan,” sabi niya.
Ganun nga ang ginawa ko saka ko kinagat ang balot.
Konting nguya at nilunok ko na lahat.
“Pengeng tubig,” sabi ko pa pagkalunok ko.
“Tol bigyan mo nga ito ng mineral,” sabi ni Leo kay MAcky.
Iniabot sa akin ang tubig saka koi to binuksan at uminom.
Damang dama ko yung sisiw sa lalamunan ko. Jusko. Kung anu anong ipinapakain sa akin ng demonyong ito.
“Oh ano, solve ba?” tatawa tawa siyang nagtanong sa akin.
“Last na iyon. Uwi na ako,” saka ako tumayo.
“Maaga pa. Dito ka muna. Samahan mo kami,” pagpigil ni Arc.
“May pasok pa po ako bukas kaya hindi ako pwedeng magpuyat,” wika ko.
“Tol, mauuna na rin ako,” si Leo.
“Huwag na. Kaya ko naman maglakad,” ako.
“Sino bang may sabi na concern ako?” tanong ni Leo na agad kong ikinapahiya.
Kaya’t tumalikod na lang ako at naglakad palayo.
Bwisit. Matapos akong pakainin ng balot saka ako ipapahiya ng gagong iyon. Kainis lang talaga.
Mag-isa akong naglalakad nang makarinig ako ng mabibigat na yabag. Tumatakbo siya palapit sa akin.
“Masarap ano?” tanong niya nang maabutan niya ako.
“Ewan ko kung bakit napipilit mo akong gawin ang gusto mo,” mahina kong sabi.
Umakbay siya at dama ko ang bigat ng kamay niya.
“Kasi nga gusto mo ako. Kaya lahat ng ipagagawa ko kailangan mong gawin,” sabi niya saka niya ako hinila palapit sa kanya. Magkadikit ang tagiliran niya saka ang kaliwang kamay ko.
“Pwede ba Leo. Ang bigat ng kamay mo,” reklamo ko.
“Ang arte arte mo naman,” saka niya ako naitulak ng bahagya.
“Aray ah. Porket maliit ako nanunulak ka na lang ng ganyan,” ako.
“Eh ang arte arte mo kasi. Ikaw na nga itong inaakbayan,” saki siya sumimangot.
“Bakit ba kasi pinaglalaruan mo ako?” tanong ko at napahinto kami sa paglalakad.
“Kasi nga masaya ako kapag naiinis ka,” sagot niya.
“Bakit ka nga masaya kapag naiinis ako?” naguguluhan na ako sa mga trip niya.
“Hindi ko alam ang sagot, okay? Hindi ko alam ang sagot. Basta masaya lang ako kapag naiinis kita. Kaya kung ayaw mo akong sumaya, umiwas ka na lang sa akin hanggat kaya mo,” sabi pa niya.
Nakatitig lang ako sa seryoso niyang mukha. Nasa likod na kami ng bakery kaya wala masyadong ilaw na nagrereflect sa amin. Napakatotoo lang ng pagkakasabi niya na hindi niya alam ang sagot.
Bakit ba kasi talaga siya masaya na naiinis ako? Ang weird lang na yung kinaiinisan ko ay ikinagagalak niya.
“Wala ka na bang ibang mapagtitripan kung hindi ako?” tanong ko sa kanya na bahagyang lumapit sa harap niya.
“Ikaw nga kasi yung gusto kong pagtripan. Ano ba Lara, nakakabobo ka,” sinigawan niya ako pero yung ako lang ang nakakarinig.
“Bakit nga ako yung gusto mong pagtripan?” naiinis na ako.
“Paulit ulit lang tayo Lara. Naiinis na ako sa mga tanong mo,” halata kong naiinis na nga talaga siya.
“Pag-isipan mo kung bakit ako ang gusto mong pagtripan. Mula ngayon, iiwas muna ako sayo. Para matagpuan mo iyong tamang sagot,” sabi ko sakay ko siya tinalikuran.
Papasok na sana ako sa pintuan sa likod ng bakery kaso hinila niya ako dahilan para mapaharap ako sa kanya.
Yung ulo ko, nasa dibdib niya. Yung baba niya, nasa may tuktok ng ulo ko. At mula doon ay yakap niya ako ng mahigpit.
“Ayaw kong sabihin ang sagot dahil hindi pa ako sigurado. Kaya please huwag mo muna akong pipilitin. Hayaan mo muna akong sumaya. Minsan ko lang ito maramdaman kaya sana huwag kang makasarili,” mahina ang boses niya dahilan para maramdaman kong seryoso siya.
Amoy ko ang natural niyang amoy na humahalo sa gamit niyang sabon. Napakainit ng katawan niya. Sapat na ito para maramdaman kong sa mga yakap na ito ako komportable.
“Huwag mo na ulit tatanungin ang mga bagay na iyon,” maya maya ay sabi niya at kumalas siya ng yakap sa akin.
Yung nararamdaman ko ay naghahau-haqlo. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko.
Oo, gusto ko siya. Pero naiinis ako sa kanya. Gusto ko siyang makita pero pag magkasama kami ay halos ayaw ko siyang makita. Ngayon naman ay nararamdaman kong kakaiba ang tibok ng puso niya habang nakadikit ang ulo ko sa dibdib niya. Naguguluhan ako kung ano ang tibok na iyon. Pagmamahal ba? O Hiya?
“Pero kalian ko malalaman ang mga dahilan mo kung bakit?” tiningala ko siya.
“Ssshhh. Hindi mo na kailangang malaman iyon,” umiling siya.
“Bakit nga?” ako.
“Basta nga,” masungit na naman siya.
Nakayakap pa rin siya sa akin. Napakaliit ko lang kumpara sa kanya kaya para lang akong wala kapag niyayakap niya ako.
“Matulog ka na,” utos niya.
“Hindi ako makakatulog,” ako.
“Kung iyon lang ang iisipin mo, talagang hindi ka matutulog,” siya.
“Hinding hindi talaga ako makakatulog Leo,”ako.
“Ang kulit mo bubwit. Pinaiinit mo ang ulo ko,” siya.
“Paano ako makakatulog kung hindi ka naman bumibitaw sa akin,” ako.
Saka niya ako mas mahigpit na niyakap.
Mahihina ang boses namin habang nagsasagutan. Nakayakap lang siya sa akin.
“PWede tumabi?” siya.
“No,” ako.
“Ngayon lang,” siya.
“Hindi pwede,” ako.
“Hindi kita papasukin,” siya.
“Sisigaw ako,” ako.
“Hahalikan kita,” siya.
“Hindi ka na pwedeng pumasok sa bakery,” ako.
“Sa amin iyan. Baka ikaw ang hindi makapasok,” siya.
“Hindi na ako lalapit sayo,” ako.
“Ako ang lalapit sayo,” siya.
“Hindi na ako susunod sa gusto mo,” ako.
“Susumbhong kita sa mama ko. Na may boypren ka na at hindi ako,” para lang siyang bata.
“Sumbong mo na,” ako.
“Bukas na. Tulog na siya,” siya.
“Tulog ka na rin,” ako.
“Sa kwarto mo,” siya.
“No. Sa kwarto mo,” ako.
“Dito na lang tayo magdamag kung ayaw mo,” siya.
“May pasok ako bukas. Hindi ako pwedeng mapuyat,” reklamo ko na kumakalas na sa yakap niya.
“Huwag ka nang mag-aral,” siya.
“Bakit?”
“Aasawahin na kita ngayon,” natatawa siya.
Mukhang alam ko na ang sagot.
“Hindi mo ako pwedeng asawahin,” ako.
“Bakit? Kaya naman kitang buhayin,” siya.
“Mag-aaral ako. Saka hindi ikaw ang gusto ni sir para sa akin,” sabi ko.
“Pag-untugin ko pa kayong dalawa ni papa,” siya. Abah siga.
“Sige nga,” ako.
“Bukas na. Tulog na yun.
“Matulog ka na rin,” ako.
“Kainis. Kailan ako pwedeng matulog sa kwarto mo?” saka niya ako binitawan.
“Kapag wala ako. Doon ka matulog. Magdala ka ng babae mo,” sagot ko.
“Tapos ipapalaba ko sayo yung bedsheet at kumot na may tulo tulo pa ng…,” wika niya.
Hindi niya naituloy ang sasabihin niya ng bigla ko siyang halikan sa labi ng mabilis saka ako tumakbong papasok sa loob.
Nagsara agad ako ng pintuan saka ko narinig na kumatok siya.
“Hooyy. Huwag mo nga akong pagsarahan ng pinto,” patuloy siya sa pagkatok.
“Matutulog na ako,” nakangiti ako sa pintuan.
“Hindi pwedeng ganun ganon mo na lang akong hinahalikan bigla,” reklamo niya.
“Next time na lang ulit,” ako.
“Ituloy mo iyon bubwit ka,” naiinis siya.
Natatawa naman ako.
“Hindi na gabi na,” ako.
“Kukunin ko yung susi. Papasukin kita diyan,” natakot naman ako sa sinabi niya.
“Hooyyy. Huwag na. Bubuksan ko na ang pintuan,”ako.
Saka ko maluwag na binuksan ang pintuan.
Nakaharang ang dalawa niyang kamay sa hamba ng pintuan.
“Gabi na Leo. Matutulog na ako,” saad ko.
“Ituloy mo yung kiss mo. Kulang yung ganun lang,” reklamo niya.
Saka niya sinenyas yung kamay niya na lumapit ako sa kanya.
“Halika na,” siya.
Napakademanding.
“Ayaw ko na. Bukas na lang,” ako.
“Pag maraming tao?” siya.
“Syempre hindi,” ako.
Inuuto ko lang siya para lang makatulog na ako.
“sige bukas. May utang ka sa aking isang sibasib ah,” tumango tango pa siya.
“Sige. Pasok ka na bubwit,” saka siya tumalikod.
“Good night playboy,” saka ko isinara ang pinto kaso ihinarang at itinulak niya ang pinto sa kamay niya.
“Anong sabi mo?” tanong niya.
Pilit kong isinasara ang pintuan pero malakas lang talaga siya.
“Sabi ko Good night,” ako.
“May sinabi ka pang iba,” siya.
“Playboy,” ako.
At tuluyan na niyang nabuksan ang pintuan.
“Sa susunod na tawagin mo akong playboy, makakatikim ka sa akin,” pagbabanta niya.
“Thank you kung ganoon,” saka ko biglang isinara ang pintuan.
Natatawa na lang ako.
Pakiramdam ko ay wala na siya kaya pumasok na ako sa loob.
Pagdating ko sa pasilyo ay parang may narinig akong nagbubukas sa harapang bahagi ng bakery.
Jusko. May magnanakaw yata.
Dahan dahan akong naglakad papunta doon at nagbukas ng ilaw.
“Hooy. Magnanakaw ka. Tatawag sa barangay,” pagbabanta ko.
“Kahit tumawag ka pa sa barangay. Mapapahiya ka lang kasi ako ang may-ari ng bakery na ito,” maya maya ay sabi ng nagbubukas ng main door.
Shocks. Si Leo. Bakit siya nagbubukas?
“Bakit ka kasi nagbubukas diyan e gabi na?” Tanong ko mula sa loob.
“Eh pinagsaraduhan mo kaya ako ng pinto sa likod,” sabi niya at saktong kapapasok niya lang.
“Bakit bha kasi? Gabi na oh. Matutulog na ako,” saka ako naglakad paalis.
“Anong ikaw, tayo. Matutulog na tayo,” sabi niya na ikinagulat ko.
“Huwag mo sabihing,” ako.
“Kung ayaw mo akong katabi, e di dito ka sa labas matulog,” saka siya naglakad papasok.
“Hooyy. Hindi ka pwedeng matulog sa kwarto ko,” sinundan ko siya na patuloy lang sa paglalakad.
“Bakit?” tanong niya.
“Eh kasi kwarto ko iyon,” reklamo ko.
“Eh bakery namin ito,” siya. Yun talaga ang pinanghahawakan niya.
“Leo. Please. Gusto ko na magpahinga,” naiinis na ako.
“Binabawalan ba kita?” tanong niya.
“Umuwi ka na,” ako.
“Nasa amin naman ako ah,” pamimilosopo niya.
Wala na rin akong nagawa dahil siya na mismo ang nagpatiunang pumasok sa kwarto ko.
Sumunod na lang ako at tiningnan kung anong susunod na mangyayari.
Inayos niya ang higaan. Dalawa lang ang unan ko at nagiisa ang kumot. Wala naman siyang dala na kahit ano kaya imposibleng magshare kaming dalawa.
“Bakit ba kasi ayaw mong matulog sa kwarto mo?” tanong ko. Nasa pintuan pa rin ako.
“Eh dito ko nga kasi gusto,” sabi niya at prenteng nahiga sa kama ko. Nakaunan pa siya sa mga kamay niya.
“Leo. Isusumbong na kita sa mama mo,” umupo ako sa gilid ng kama.
“Hilutin mo nga paa ko,” saka niya ipinatong ang mabigat niyang paa sa hita ko.
‘Ano ba kasi?” naiinis ako.
“Tamad,” wika niya saka pa dumapa.
Wala na talaga siyang balak pang bumangon.
Inantay ko pa siya ng bumangon pero wala talaga.
Inuga ko pa ang mga binti niya.
“Leooo,” ako.
“Uhhhhmmm,” reklamo niya.
“Bumalik ka na sa bahay niyo,” ako.
“Dito na ako matutulog,” siya.
“Hindi ako komportableng may katabi na lalaki,” reklamo ko.
“Hindi kita re-rape-in. May dalaw ka pa. Next week na lang,” tinatamad ang boses niya.
Bastos.
“Ipangako mong huwag kang didikit sa akin,” sabi ko pa.
“Ikaw ang huwag yayakap yakap sa akin,” sabi niya saka niya kinuha yung kumot at dinanganan gamit ang gitnang bahagi ng katawan niya.
Abah? Anong ikukumot ko?
“Lleooo kasi. Alis na,” ako.
Wala na siyang sagot.
Mahirap gisingin ang nagtutulug-tulugan.
Wala na akong nagawa kundi patayin ang ilaw at tumabi sa kanya.
Tinalikuran ko siya para maging safe ako.
After ng mga 15 minutes ay naririnig ko ang paghinga niya. Alam kong gising pa siya.
“Lara,” mahina niyang tawag.
Hindi ako sumagot.
Tinadyakan niya ng mahina yung pwet ko.
Kainis.
“Ano ba,” reklamo ko.
“Usog ka dito oh,” nakita kong pwede pa ang isang tao sa pagitan namin.
“Ayaw ko. Matutulog na ako Leo. Please magpatulog ka,” tumalikod akong muli.
Maya maya ay naramdaman kong gumalaw siya at mula sa likuran ko ay ipinatong niya ang kanang binti niya sa akin at naramdaman ko ang harapang bahagi ng katawan niya sa likod ko. As in LAHAT ay dama ko mula doon.
“Leo. Please,” pilit kong tinatanggal ang paa niya pero imbes ay niyakap niya pa ako.
Sa sobrang bigat ay wala na akong magawa.
Mas humgpit pa ang yakap niya sa akin na dahilan para mas maramdaman ko pa siya.
LORD. Nararamdaman ko po ang Hukbalahap sa aking likuran. Nanganganib po ba ang nagdurugong Perlas ng Silanganan? Ilayo niyo po ako sa parusa Lord.
Bawat Segundo ay ramdam kong mas naggo-grow ito. Pilit kong inilalayo ang bandang gulugod ko pero mas inilalapit niya pa. Nakadikit ng sobra.
I NEED HELP. May tumututok ng patalim sa likuran ko.
“Matulog ka na. Bago pa ako hndi makapagpigil ay madidikdik ko ang Perlas ng Silanganan,” mahina niyang sabi na dahilan ng mabilis na tibok ng puso ko.
Dahil na rin sa masyado akong komportable sa ganung posisyon at sa pagod maghapon, nakuha ko na ang tulog ko.
Sana lang walang maganap na flag raising mamaya. Kung hindi ay baka mpakanta ako ng Pelas ng Silanganan.
Thanks guys for reading.
Ayan, sinubukan kong magdalawang chapters ngayon.
Sana wala ng magsabing bitin hahaha.
Good evening.
BINABASA MO ANG
Tambay Pogi: Leo (Leonardo Del Monte)
RomanceFull Time: Panadero Part Time: Chickboy sa kanto Si Leo, isang binatang gwapo, habulin ng chicks dahil sa killer looks at higit sa lahat ay responsableng anak ng may-ari ng panaderya sa kanto ng Calle Adonis. Sa likod ng kakisigan at pagiging mabuti...