Chapter Fifteen
"Ano na ang the best birthday gift na natanggap mo? Magarang bagay? Mamahaling alahas o gadgets? Pera? Para sa akin, bilang nalalapit na ang kaarawan ko ay iyong tunay na pagmamahal, atensyon at magandang kalusugan mula sa Diyos ang pinakamagandang natatanggap ko sa araw araw kahit na hindi ko man kaarawan. Para sa akin, araw araw tayong isinisilamg sa panibagong buhay. Kaya isa itong dahilan para magpasalamat tayo sa Kanya. Wala ng dapat hingiin pa. Iyon lang ay sapat na."
I am accepting gifts na LOL.
-Author
Lara
UMAMIN siya. Ito yung bagay na hindi ko inaasahang gawin ng isang chickboy. Yung umamin na gusto niya ang isang babae. Pero ewan ko kung isa lang din ito sa mga paraan niya para makapambabae.
“Huwag muna nating pwersahin si Lara sa mga proposals natin sa kanya. Baka nabibigla ang bata,” tugon ni ma’am habang patuloy kami sa pagkain.
Actually subo-lunok na lang ang ginagawa ko kasi wala akong lakas para ngumuya dahil sa mga rebelasyon ngayon.
“Anong masasabi mo hija?” tanong sa akin ni sir na agad kong ikinagulat.
“P-po?” nauutal kong pag-uulit.
“Nagugulat ka ba sa mga sinasabi namin?” tanong ni sir.
“Sa katunayan po ay naguguolat talaga ako sir,” yumuko ako.
“Tttsss. Pa, alam niya na dating may gusto ako sa kanya. Pero siya itong unang nagkagusto sa akin. Hindi ko lang siya pinapansin nung una,” sumabat si Leo dahilan para magpawis ang kamay ko sa kaba.
Napakadaldal ng bibig ng lalaking ito. Nakakainis.“Iyon naman pala eh,” natatawa si sir.
Lumalabas tuloy na ako ang unang nafall.
“Okay lang iyan hija. Mabait din naman itong si Leonardo. Yun nga lang, playboy. Hindi natin alam kung may babae pa iyan ngayon,” parang kinonkonsinte niya pa si Leo sa tono ng boses niya.
“Naku pa, wala nga akong nobya ngayon eh. First time ito,” iiling iling pa siya.
“Eh yung katext mo nung isang araw?” tanong ni Paeng.
“Wala nga akong katext noon. Nagfefacebook lang ako nung nakita mo akong natatawa habang hawak ang cellphone ko,” depensa niya.
Tahimik na ang lahat noong hindi ako sumasagot.
“Hooyy. Ano na? Tayo na ba?” tanong niya na ikinabigla ko na naman.
Tumikhim ako at uminom ng tubig.
“Ayaw mo ba? Birthday ko bukas, babastedin mo ako? Wag ganon,” saka siya sumubong muli.
Gusto ko sana siyang isumbong dahil lagi niya akong minamanyak pero nahiya ako para sa sarili ko.
“P-pag-iisipan ko ho,” yun lang ang naisagot ko.
Gusto ko na talagang matapos ang hapunan dahil sobrang nahahot-seat na ako kanina. Hindi ako makawala o makagawa ng dahilan para makatakas sa sitwasyon na iyon.
Ako ngayon ang naghuhugas at as usual, nasa likod ko si Leo na nangtitrip na naman sa akin.
“Pssst,” sitsit niya sa akin.
“Ano,” mahinang tanong ko dahil nakakasampung sitsit na siya sa akin.
“Walang tao oh. Tuloy na natin,” nakangiti pa siya habang sinasabi iyon.
BINABASA MO ANG
Tambay Pogi: Leo (Leonardo Del Monte)
RomanceFull Time: Panadero Part Time: Chickboy sa kanto Si Leo, isang binatang gwapo, habulin ng chicks dahil sa killer looks at higit sa lahat ay responsableng anak ng may-ari ng panaderya sa kanto ng Calle Adonis. Sa likod ng kakisigan at pagiging mabuti...