Chapter Twenty
"Kailan ka huling naging excited? Paano ba maging excited? Anu-ano ba ang signs excited ka? Para sa akin, ang unang sign na excited ka ay lagi mo itong naiisip kahit sabihin mong wala lang ito sayo."
Lara
KUMUHA na ako ng pagkain ko at saka ako pumasok ng kwarto ko. Kaunti lang ang kinuha ko dahil busog talaga ako.
Tumabi ako sa kanya. Naupo ako sa may gilid ng kama at siya silya. Malapit na siyang matapos kumain pero pasimula pa lang ako.
Nagsimula na akong kumain nang mag-inat siya at dumighay.
“Sinong nagluto?” tanong niya.
“Si Aling Lusing,” sagot ko.
“The best talaga si Aling Lusing,”komento niya pa.
Nagpatuloy lang ako sa pagkain hanggang sa maubos ko na rin ang nasa plato ko. Sobrang nabusog ako dahil sa dami ng kinain ko. Ako na rin mismo ang naglabas ng mga pinagkainan naming dalawa dahil nahiga na siyang muli sa kama ko.
“Matutulog ulit ako. Mapupuyat ako mamayang gabi,” saka siya dumapa ulit sa kama.
Seryoso ba siya sa sinasabi niya? Huh? Ewan ko na lang talaga. Lunes bukas at bawal akong mapuyat. Mag-aaral ako mamayan gabi dahil baka may biglaan kaming quiz.
“Huwag kang mamuyat mamaya. May pasok ako bukas,” ako.
“Basta humanda ka. Huwag mo sabihing hindi kita sinabihan,” saka siya tumagilid muli.
“Kamutin mo nga likod ko hanggang sa makatulog ako,” utos niya.
Huh. Ano siya, sineswerte.
“Dali na,” demanding.
Inilapag ko ang tray sa mesa at naupo sa gilid ng kama.
“Dito ka magsimula,” itinuro niya ang balikat niya.
Nagsimula akong magkamot sa balikat niya. Pinagmamasdan ko ang bawat sulok ng likod niya at napakaperpekto lang nito sa paningin ko.
“Ibaba mo ng kaunti,” utos niya.
Wala akong kibo na sumusunod lang sa utos niya.
“Huwag ka na kayang bumalik sa labas. Gawa na tayo ngayon para hindi ka na mapuyat mamaya,” maya maya ay umikot siya para humarap sa akin.“Sira. Huwag ka ngang ano diyan. Tanghaling tapat,” kinurot ko siya sa tabi ng nipple niya.
“Arrraayyy,’ daing niya.
“Sabi mo huwag kitang pupuyatin diba? Kaya pwede na ngayon na mismo,” saka niya hinawakan ang braso ko at hinimas ito.
Noong nagsaboy ang kapaligiran ng kamanyakan, siya yung nakarami kaya siguro ganito siya ngayon.
“Leo hindi pa ako ready magka-anak,” ako.
“At hindi pa tayo mag-asawa,” dagdag ko pa.
“E di asawa mo na ako ngayon para pwede na mamaya,” saka niya inunan ang mga kamay niya. Inaakit niya ba ako?
“Tumigil ka nga,” tatayo sana ako pero hinila niya ang kamay ko.
“Magpractice na lang tayo,” sabi niya pa.
“Practice?” nagtataka ako.
“Basta, ihahanda kita sa tunay na laban. Mamayang gabi,” saka nagtaas baba ang kilay niya.
“Mamayang gabi, sa kwarto ko ikaw matutulog. Kahoy yung kama ko kaya hindi masyadong matunog. Baka kasi masira itong kama mo pag nagkataon,” umuga uga pa siya at tama ngang sa simpleng galaw ay lumalangitngit ito.
BINABASA MO ANG
Tambay Pogi: Leo (Leonardo Del Monte)
RomanceFull Time: Panadero Part Time: Chickboy sa kanto Si Leo, isang binatang gwapo, habulin ng chicks dahil sa killer looks at higit sa lahat ay responsableng anak ng may-ari ng panaderya sa kanto ng Calle Adonis. Sa likod ng kakisigan at pagiging mabuti...