Chapter Twenty Three

142 8 1
                                    


Chapter 23

"Sa mga may asawa at anak na, kailan niyo nalaman na handa na pala kayong magkaanak? Nalalaman ba ito o nararamdaman? Nasusukat ba ito sa edad o estado ng buhay?"

Lara


NAGISING ako nang biglang gumalaw si Leo sa tabi ko. Nangangawit na raw ang kamay niya dahil inunan ko ito nang makatulog ako kanina.

Tumagilid siya at niyakap niya ako. Hinimas himas niya pa ang likod ko saka niya hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

"Kumusta na?" tanong niya.

Nanlalata pa rin ang boses niya dahil sa antok.


"Medyo maayos na ako. Masakit lang ng konti yung," di ko maituloy.

Masakit ang singit ko. Sa totoo lang. Halos nahihirapan ako maglakad dahil dito. Pero mas okay na ngayon kaysa kanina.


"Anong masakit?" tanong niya saka niya ako tiningnan.

Nahihiya ako.


"Masakit ang hita ko," saka ako nagsumiksik sa dibdib niya.


"Ngayon lang iyan. Masasanay ka rin," saka niya ako muling niyakap.


"Anong oras na?" tanong ko.


"Pasado alas dos na," tumingin siya sa relo niya.


"Di ka pa kumakain," tiningala ko siya.


"Nagugutom na nga ako eh," saka niya hinawakan ang tiyan niya.


"Tara, kain ulit tayo," yaya ko sa kanya.


"Anong kakainin natin?" tanong niya.

"Pagkain," sagot ko.

"Mas gusto kitang kainin," niyakap niya pa ako ng mahigpit.


"Adik ka. Hindi ka ba nanghihina?" tanong ko.


"Naghanda ako para sa gabing iyon kaya malakas resistensya ko," sagot niya.


"Sineryoso mo talaga. Alam ko na sa susunod," sabi ko.


"Alam mo na sa susunod? Bakit gusto mo ba ulit magbasketball tayo? O baka mas gusto mo na ngayon ang volleyball para may kahalo naman nang spike at 5 sets pa," natatawa siyang nagsabi nito.


"Sira ka talaga," kinurot ko siya sa tagiliran.


"Inaantok na ako ulit," saka niya isiniksik ang ulo ko sa leeg niya.

"Nalipasan ka na ng gutom," ako.


"Hindi ako nagugutom pag kasama kita," siya.


"Anong nararamdaman mo pag kasama mo ako?" tanong ko.


"Naninigas ako kapag kasama kita," nagulat ako sa sagot niya.


hhhaannngggmmmmaaannnyyyaaaakkk.


"Anong naninigas ka diyan," tiningala ko siya.


"Tapat lang ako sayo bubwit. Nararamdaman ko talaga iyon. Pero pinipigilan ko lang talaga," sumimangot siya.


"So naninigas ka ngayon?" tanong ko.


Gusto kong pagsisihan ang tanong ko.


Jusko. Me and My (LBM) Lovely Big Mouth.


"Tumama ka. Naninigas ako ngayon. Gusto mong makita?" bigla niyang hinawakan yung belt niya.


"Huwag. Ayaw ko. Ayaw kong makita. Natatakot ako," umiling ako.


"Natatakot ka?" natatawa siya.


"Oo," sagot ko.


"Hindi naman ito nangangain eh. Ito nga ang nakakain," mas lumakas ang tawa niya.


Nakakain?


Jusko. Ang Manyak ng Jowa ko. Sagad na sa Buto.


"Leo ayaw ko," saka ako nagtakip ng mata.


"Kapain mo na lang," alam kong nakangiti siya habang sinasabi niya ito.


"Natatakot ako," sabi ko.


"Hindi naman to namamalo," pilit niya.


"Ah basta ayaw ko," pagtanggi ko.


"Ididikit ko na lang sayo para maramdaman mo," feeling ko pinagtitripan niya talaga ako.


"Ayaw ko. Nag-iinit ako," what?

Anong sinabi ko?


"Ulitin mo nga?" pilit niyang tinatanggal ang mga daliri ko sa mata.


"Nahihiya ako sayo. Huwag mo akong tingnan," pilit kong tinatanggal yung kamay niya.


"Bahala ka. Eto natanggal ko na shorts ko oh," narinig ko pang tumunog ang buckle ng sinturon niya.



Oh My God. Makikita ko sa liwanag ang Hukbalahap?


"Leo kasi," reklamo ko.


"Titingnan mo lang naman eh," nakangisi siya alam ko.


"Nakita ko na iyan," sagot ko.


"Eh di tingnan mo ulit," siya.


"Ayaw kong makita ngayon," wika ko.


"Kailan? Mamayang gabi?" tanong niya.


"Saka na," ako.


"Walang diperensya. Makikita mo rin lang ulit," siya.


"Leo kasi tigilan mo na iyan," naiinis na ako.


"Bahala ka. Hindi ako magsusuot ng shorts," saka ko naramdamang tumihaya siya.


Wala na akong kibo. Wala na rin siyang kibo.


Dahan dahan ko nang tinanggal ang mga kamay ko at mula taas ng katawan niya ay unti unti kong ibinaba ang paningin ko sa ibabang bahagi niya.


Nang mapadako ako doon ay may suot naman pala siyang shorts.


Bigla ko siyang pinalo sa dibdib na ikinagulat niya.


Pak.


"AWWWW," daing niya.



"May suot ka naman palang shorts," nanggigil ako.


"Akala ko kasi ayaw mong makita. Oh eto na," saka niya tinanggal ang buckle ng belt at nakita ko pang tinanggal niya ang hook ng shorts niya at binaba ang zipper.


Agad akong tumalikod dahil seryoso na siya.


"Itago mo na. Hindi ko gustong makita," nagtakip akong muli ng mga mata.


Saka ko naramdaman ang yakap niya mula sa aking likuran.


"L-lara," shocks yung boses niya.


"Ano?" tanong ko.



"Hindi lang naman ako naninigas kapag kasama kita. Sa totoo lang, kaya naninigas ay sumasaludo siya sa amo niya. Sayo," sumiksik siya sa leeg ko.


"Manyak ng tunog," reklamo ko.


"Sayo lang naman ako manyak," tugon niya.


Hindi na ako nagsalita.


"At isa pa, kapag kasama kita, masaya ako. Kompleto ang araw ko," sumeryoso siya.



"Alam ko kinain mo kanina. Bola bola," wika ko.


"Baka gusto mong kumain ngayon ng bola bola?" maya maya ay kiniliti niya ako.


Sa sobrang kiliti ko ay nahulog ako sa sahig dahilan para masaktan ang pang upo ko.


Imbes na tulungan niya ako ay humagalpak pa siya ng tawa at binato ako ng unan sa mukha.


Abah. Matindi. Abah. Magaling. Abah. Mainam.


Umirap ako sa kanya saka siya tumigil sa katatawa.


"Masakit na nga katawan ng tao ihinulog pa," reklamo ko tapos ay pinilit kong tumayo.


Pero nahirapan ako.


"Tulungan na po kita ma'am," saka siya tumayo at iniabot ang kamay sa akin.


Hindi ko iyon inaccept.

Imbes ay pinilit kong tumayo mag-isa.
Ayaw ko na sana munang kausapin siya dahil nangtitrip siya pero masyado lang talaga siyang magaling gumawa ng paraan para kausapin ko siya.


"Lara," tawag niya sa akin saka nahigang muli sa kama.


Tiningnan ko lang siya.


"Nagugutom na ako. Kuhanan mo ako ng pagkain ko," saka siya dumapa.


Nakakainis. Ako na nga itong nahihirapang maglakad, ako pa ang inutusanv kumuha ng pagkain niya. Ang galing lang talaga ng manyak na ito.


"Hihintayin ko na lang dito. Ilabas mo na rin iyang mga pinagkainan mo," utos niya.


So, ang kabayaran ng pagdadala niya ng pagkain sa akin ay ang pagdadala ko rin ng pagkain para sa kanya. Abah matindi.


Siyempre, hindi ko rin naman siya matitiis. Mahal ko eh. Kaya susunod ako. Pero may kasama lang na inis. Hindi na matatanggal iyon sa akin.


Binuhat ko ang tray saka lumabas ng kwarto. Inilagay ko ito sa kusina at tiningnan kung may pagkain pa. Binuksan ko ang kaldero pero wala ng kanin. Pati ulam ay ubos na.

Kasalukuyan ang pagmamasa ng mga tauhan ng mga tinapay para bukas. Ang ilan naman ay nagsasalansan na ng mga maaari nang ibake.

Lumabas ako at nakita si Lorena na nag-iisa sa counter.

"Sis, wala na bang ulam?" tanong ko.


"Naku, wala na. Hindi ka pa ba kumain?" tanong niya.


"Si Boss hindi pa," sagot ko.


"Try mo sa loob baka may ulam pa sila," sabi niya.


"Sige. Ganun na nga. Pasensya na, hindi maganda ang pakiramdam ko," wika ko.


"Magpahinga ka na lang muna. Ako na ang bahala dito," sagot niya.


Ang bait naman.


Ngumiti na lang ako at saka dumeretso na sa loob ng bahay.

Naabutan kong nagluluto ng meryenda si Aling Lusing. Naaamoy ko ang banana cue mula pa lang sa sala. Ang bango lang ng asukal para sa akin.

"Aling Lusing, may ulam pa po ba?" tanong ko.


"Hindi ka pa ba kumakain hija?" tanong niya naman.


"Si, Leo ho. Hindi pa. Ahm nagpapakuha po siya ng makakain," sagot ko.


"Sige saglit lang at iinitin ko ang adobong baboy sa ref. Maupo ka na muna dine," sabi niya saka siya nagmadaling kunin ang bowl ng ulam sa ref.


Naglagay na rin ako ng apat na saging sa isang pinggan. Baka lang din gusto nung Boss ko. Bossabos haha.


Tumayo ako para initin ang kanin sa rice cooker. Pagkatapos ay naglagay ako ng kanin sa plato. Samantalang si Aling Lusing ay naglagay naman ng ulam sa tasa.


Kumuha ako ng tubig at inilagay lahat ng ito sa tray ng pagkain.


"Salamat po," sabi ko.

"Nasa bakery ba siya?" tanong niya.


"Opo," nahihiya akong sabihin na nasa kwarto ko siya.


"Sabihin mo huwag nagpapalipas ng gutom," bilin ng matanda.


Tumango lang ako at pumunta na sa bakery.


Itinulak ng isang paa ko ang pintuan pagkabukas ko ng saradura.

Nakatiya na siya at nakatitig lang sa kisame.

"Ang tagal mo," reklamo niya.


Abah. Reklamador.


"Nag-init pa kasi kami ng ulam mo boss," saka ko inilapag sa mesa yung tray.


"Wow, adobo," sabi niya.

Habang naglalapag ako ng pagkain niya mula tray at mesa ay wala siyang tigil amuyin at halikan ang pisngi ko.


"Hindi ka mabubusog sa akin ungas," sita ko sa kanya saka tulak ng balikat niya.


Ang lagkit na naman niya. Sa pawis siguro dahil medyo mainit ngayon sa kwarto.


"Upo na. At sasabayan na lang kita. May dala akong banana cue. Nagluto si Aling Lusing," saka ako naupo sa gilid ng kama.


Naupo siya at tiningnan lang ako.


"Parang nahihilig ka na ngayon kumain ng banana cue ah. Mukhang nakakahalata ako," saka siya tumikhim ng ulam.

Ano na namang nasa isip ng lalaking ito?


"Alangan naman isnobin ko yung luto ni Aling Lusing? Kahit ano namang meryenda ang lutuin niya ay kinakain ko," saka ako kumagat.


Kumain na rin siya. Subo kung subo.


"Huli kang kumain ng ganyan, napagod ka kinagabihan. Tapos kinaumagahan nahirapan kang lumakad," puno ang bibig niya at nakangiti siya habang sinasabi niya iyon.



Kainis. Kahapon nga lang talaga ay banana cue ang meryenda namin.

Naalala ko pa ang bawat sandaling inangkin niya ako. Ganun ba talaga siya kagaling sa bagay na iyon?


Hayyy. Inalog ko ang ulo ko. Kung anu ano na naman ang naiisip ko.


Tiningnan ko ang kinakain niya at halos mauubos na niya. Ayy. Gutom ang ungas.


"Wala kang kaagaw. Dahan dahan," komento ko.


"Alam mo namang hindi ako mahilig sa dahan dahan," saka siya uminom ng kaunti.


Laging may halong kamanyakan ang sagot niya sa akin kapag masaya siya. Sabagay kapag masungit siya ay talagang natatakot ako sa mata niya. Pero kapag masaya siya ay naiinis naman ako sa mga sinasabi niya.

Saan ba siya lulugar? Diba? Pero kahit ganito ito, mahal ko ito. Kahit anong ugali ng taong mahal mo dapat ay tanggap mo. Yun ang lagi kong naririnig kay tatay dati kapag nagbubunganga ang nanay ko. Mapasensya si papa dahil kahit maingay ang nanay ay kailanman hindi siya nagbuhat ng kamay dito.
Kay tatay nga yata ako nagmana ng kasipagan. Kay mama ko naman namana ang kaliitan ko. Dahil sa aming mga magkakapatid ay ako lang ang maliit.

Ilang saglit lang ay natapos na siyang kumain. Ako ay nakakadalawa pa lang ako ng banana cue.
Tinusok niya ng tinidor yung isang saging saka kumain. Inaagawan pa ako sa kinakain ko nito. Tiningnan ko siya ng masama saka inilayo ang nagiisang saging sa pinggan ko.

"Isa lang ang kukunin ko. Ang damot mo ah," saka niya pinitik ang noo ko.

"Aray ah," daing ko.

Sabagay sa liit ko ay napakadali lng niya akong kutusan ngayon dito sa gilid.

Naubos niya na rin ang sa kanya. Saka siya uminom ng tubig.
Naubos niya na rin ang sa kanya. Saka siya uminom ng tubig.


"Hayy. Sarap matulog ulit pagkatpos kumain," nag-inat siya.


"May itutulog ka pa ba niyan mamaya?" tanong ko.


"Magpapagod ako mamaya para makatulog ako agad," aniya.


Magpapagod? Ano na naman ang sinasabi niya?


"Magpapagod?" tanong ko.


"Oo. Magbabasketball ako mamaya," sagot niya saka nahiga sa kama.


Parang kwarto niya lang ito. Feel na feel niya.


"Magbabasketball?" ako.


"Oo, sasama ka ba?" tanong niya.


Ayyy. Iba ang nasa isip ko.


"Ah eh hindi. Tutulungan ko si Aling Lusing," saka ako tumayo.


"Huwag kang mag-alala. Mag-iiwan naman ako ng kaunting lakas para maasikaso naman kita mamayang gabi," saka nagtaas baba ang kilay niya sa akin.


Ito na naman siya. Hindi pa nga magaling ang Perlas ng Silanganan ay ito na naman ang nagbabadyang labanan. Isang laban lng ulit ay maaari na akong mabigyan ng ayuda sa bagyo at kalamidad. Totally Damaged ang peg.


"Leo, hindi ako pwede," ako.


Naalala ko bigla ang pagtatalik naming hindi protektado. Hindi imposibleng may mabuo sa amin. Bakit hindi ako nag-isip? Bakit nagpadalus-dalos ako? Naupo ako saglit at inisip ang mga maaaring mangyari.

Lumapit siya at hinimas ang balikat ko. Inaamoy amoy niya pa ako.


"Leo. May iniisip ako," pinipigilan ko siya.


"Namiss lang kitang yakapin ulit," saka siya yumakap mula sa likod ko.


"Leo," mahinang saad ko.


"hmmmm," siya.


"Paano kung ano," panimula ko.


"Paano kung?" pag-uulit niya.


Nilingon ko siya at tinitigan sa kanyang mga mata.


"Paano kung mabuntis mo ako?" tanong ko.


Saka niya ako biglang yumakap sa akin. Yung isang kamay niya ay sa likod ko at ang isa ay sa likod ng ulo ko. Ang ulo ko naman ay nasa hubad niyang balikat.


"Akala mo ba hindi ako handa?" mahinang tanong niya.



"Dati hindi ako handa. Kaya nga may stock ako sa kwarto kong kahon ng ano diba? Pero ngayon sigurado na ako," saka niya ako tiningnan sa mga mata.

Sapu-sapo niya ang mukha ko.


"Anong ibig mong sabihin?" nagtataka ko.


"Ikaw ang gusto kong makasama sa habang buhay. Hindi ko man maibigay yung first love na inaasahan mo ay kaya ko namang patunayan sayo na nagbago na ako at hindi na  ako yung dating playboy na kaliwa't kanan ang babae," saka niya ako hinalikan sa noo na dahilan para mapapikit ako.


Damang dama ko ang bawat salita niya.


"Paano ang pag-aaral ko? Ang pamilya ko?" pag-aalala ko.

"Sshhh. Tayo na ang bahala doon. Tutulungan naman kita. Mas matutuwa sila kung mabibigyan mo na sila agad ng mga apo," saka niya ako muling niyakap.


Mabibigyan ng mga apo?


"Kaya magpahinga ka na muna. Dahil iisa tayo ulit mamaya at nang makarami," saka niya ako muling hinalikan sa mga labi ko.



Jusko naman. Walang patawad ang Hukbalahap.


Pero isa lang ang alam ko. Totoo at galing sa puso niya ang mga nasambit niya. Kaya bakit hindi ako magtitiwala?




Salamat po sa pagbabasa.
Susubukan kong sundan ito mamaya ng isang chapter. Masakit kasi ang ulo ko ngayon. Hindi ko maipapangako pero susubukan ko. Kapag wala pa ng 11P.M. matulog na kayo haha.

Wala akong update bukas because its my 24th Birthday. Pahinga muna ako.

God bless everyone.

Tambay Pogi: Leo (Leonardo Del Monte)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon