Chapter Seventeen
“Aling unang beses na ang nanakit sayo? Sa damdamin mo? May regret k aba sa pagsubok mo sa unang beses na iyon? Pinagsisihan mo ba? Para sa akin, the best lahat ng first times dahil nga una at makabuluhan ito sa buhay. Lahat ng una ay naaalala. Tulad ng unang halik, unang pag-iyak mo sa mundo noong pinanganak ka, noong una kang magkacrush, noong una kang kumain ng pagkain na ayaw mo. Lahat ay maaalala mo na lang pagkatapos. Kaya ako, hindi ako nagsisisi sa lahat ng unang beses ng buhay ko.”
-Author
Leo
PAGBABA ko pa lang ng kotse ay excited nang nakatingin sa akin ang mga tauhan namin. May dalang cellphone si Paeng na nakavideo pa sa akin. Si Lara, heto nakangiting nakakapit sa akin. Lumapit sa akin si Lorena na may dalang blindfold. Isinuot niya sa akin ang blindfold at saka ako kumapit kay Lara.
“Oh, baka totorturin niyo ako ah,” natatawa ako.
Inakay ako ni Lara papunta sa loob ng bahay. Wala talaga akong makita. Hanggang makarating kami sa loob ng bahay.
Nagbilang sila ng tatlo saka tinanggal ang blindfold na kasabay naman ng pagsabog ng party pop.
“Happy Birthday,” sabay sabay nilang sigaw at palakpak.
Nagulat ako sa mga nakasabit at mga handa nila. Wala akong ideya.
Niyakap ko si Lara sa tuwa.
“May kinalaman ka dito ano?” tanong ko.
Tumango lang siya.
“UUyyyyyy,” kantyawan ang mga tao sa paligid kaya bumitaw na ako.
Nagsimula na ang kainan. Masayang nagkwekwentuhan ang lahat. May kanya kanyang pwesto sa loob ng bahay. Nagulat lang din ako at agad na silang nakaluto in half day na wala kami. Nagsara pala sila ng bakery at lahat ay may kanya kanyang putaheng niluto kaya napadali ang lahat.
Katabi ko si Lara na kumakain sa hapag kainan kasama ang ilan sa aming mga bisita. Nandito sila Pareng Baste at misis niyang si Ruby. Sila pareng Arc, Macky, Amir, Kiel at Nathan na nagluto rin ng isang putahe para sa birthday ko.
“Ilang buwan na iyang unang inaanak namin sayo tol?” tanong k okay Baste na nakaakbay pa kay Ruby.
“Maglilima na sa susunod na linggo,” sagot niya.
“Sundan mo na agad para marami na,” sabi ko pa na itinawa ni Ruby.
“Tarantado ka talaga. Ikaw sana itong nakarami na kung nagseryoso ka lang. Ginagamit mo pa rin ba yung binigay ko?” tanong niya.
“Nakalahati ko na nga eh,” natatawa ko pang sagot at tumingin kay Lara.
Tiningnan niya lang ako ng masama.
Syempre joke lang. Dalawa pa lang nagagamit ko. Isa sa kanya. Pero hindi na ako gagamit nun sa susunod.
“Ang tindi mo tol. Ako, hindi ako gumamit. Masyado kasing excited itong si kangkarot kaya wala nang oras magsuot,” saka niya pinisil ang ilong ng asawa niya.
Sa mga ganitong bagay ako naiinggit. Nagbibiruan silang mag-asawa at natutuwa sa isa’t isa. Nakikita ko ang pagmamahal nila sa isa’t isa.
Tiningnan ko si lara at nakatingin lang din siya sa dalawa.
“Bro, kain lang,” sabi ko kay Kiel na nakakadalawang balik na.
Siya ang pinakamalakas kumain sa amin dahil siya rin naman itong may pinakamalaking katawan.
“Nakakarami na nga ako eh. Di na ako maghahapunan,” natatawa siya.
“Tol,” maya maya ay sumingit si Amir sa pagitan naming dalawa ni Baste.
“Oh,” ako.
“Bagong tauhan niyo ba iyon?” tanong niya sabay turo sa isang baklang nasa tabi ni Aling Lorena.
“Pamangkin ng tauhan namin. Bakit?” tanong ko.
“Kinukuha number ko eh,” napapakamot pa siya.
Langhiya. Habulin talaga ng mga binabae itong barkada kong ito.
“Ibigay mo na. Mukha namang mapera,” natatawa si Baste.
“Hooyy. Bad iyon,” saway ni Ruby na nakahawak sa tiyan ni Baste.
Si Baste ba ang buntis?
Nagtatawanan kami nang may bagong bisitang dumating.
“Hi. Late na po ba kami?”
Si Myra.
May akay siyang bata at sa kabilang kamay niya ay may hawak siyang box ng cake.
Pinagtinginan siya ng lahat. Tumingin ako kay Lara na nagulat din.
Si mama ang sumalubong sa kanya.
“Ms. Myra, buti naman at napadaan ka,” si mama. Halatang nagulat din siya.
“Katatapos lang din po kasi ng seminar namin,” sagot niya.
“Sige kain ka muna,” alam kong ayaw lang ni mama na gumawa ng eksena.
“Happy birthday,” saka siya bumeso sa akin.
Wala akong reaksyon. Wala rin akong masabi.
“Parang ang sad mo. Birthday mo pa man din,” nakangiti pa siya.
Napilitan akong ngumiti.
“Sino yang batang kasama mo?” tanong ni mama.
“Ayy oo nga pala. Baby, say hello to grandmother,” sabi niya sa bata.
Napatigil ako sa pagkain. Napalingon si Baste at Ruby pati na ang ilan sa mga nakarinig.
Si mama ay napahinto sa paghahain ng pagkain para sa kanya.
Tumingin ako kay Lara na nakayuko at hindi ko makita ang expression niya.
Nag-iinit ang dugo ko.
“A-ano iyon Myra?” tanong ni mama.
“Apo niyo po,” tumindig siya at hinarap si mama.
“Ano ito Leo?” tanong ni mama sa akin.
Wala akong kaalam alam sa mga nangyayari kaya naguguluhan ako.
Hinila ko si Myra palabas ng bahay.
“Nasasaktan ako,” daing niya.
“Anong kalokohan itong sinasabi mo?” naiinis ako.
“Hindi ito kalokohan Leo,” tumingin siya sa mga mata ko.
“Alam mong minsan lang tayo nagtalik na hindi protektado. Ang ilan ay may ginamit na ako,” kabisado koi yon.
“Oo nga. Minsan lang at siya iyon. Hindi ka man lang ba natuwa?” siya.
“Paano ako matutuwa? Alam kong hindi ako ang una sayo. At alam kong walang mabubuo sa atin dahil alam ko ring hindi ka..,” hindi ko naituloy.
“Wala kang alam sa aming mga babae kaya huwag kang pakasisiguro,” siya.
“Itigil mo na ito Myra. Tapos na tayo diba?” ako.
“Hindi pa ako tapos sayo Leo,” naiiyak siya.
“May iba na akong mahal at hindi ko ito pwedeng sirain,” sabi ko pa.
“Leo please, para sa bata,” umiyak na siya.
“Myra, hindi ko pa sigurado kung sa akin nga yang bata. Kung sa akin iyan bakit mo itinago?” tanong ko.
“Dahil alam kong hindi mo paninindigan,” siya.
“Hindi iyon ganon. Dahil hindi ka rin sigurado kung sino ang ama. Pakiusap, huwag mong ipaako sa akin ang hindi ko responsibilidad. Maawa ka sa buhay mo, sa bata at sa buhay na mayroon na ako ngayon,” saad ko.
“Leo, sigurado ako,” umiiyak siya.
“Myra pakiusap, itigil mo na ito,” hinawakan ko siya sa balikat.
“Leo please,” umiiyak siyang hinaplos ang mukha ko.
“Pakiusap Myra,” kalmado na ako.
“Anak mo siya at hindi ko ipagkakait sa kanya na makita ka araw araw kaya asahan mo iyan,” binuhat niya ang bata saka umalis.
Sinundan ko lang siya ng tingin. Nakapamaywang lang ako.
Nang mawala na siya sa paningin ko ay nag-isip ako. Posible nga kaya? Pero hindi eh. Alam kong hindi. Pumasok na ako at tahimik lang ang lahat nang pumasok ako.
Naupo akong muli.
“Sundan mo si Lara,” bumulong si mama sa likod ko saka ako hinimas nito sa likod.
Yun bang pinakakalma niya lang ako.
“Nasaan po siya?” tanong ko.
“Pumunta sa kwarto niya,” si mmama.
Wala na akong sagot dahil agad na akong tumakbo papunta sa kanya.
Unang beses kong gagawin ito. Ang magpaliwanag sa babae. Hindi ko alam kung paano pero alam ko at sigurado na ako sa nararamdaman ko para sa kanya kaya bahala na.
Nasa may tapat na ako ng kwarto niya. Binuksan ko ito pero nakalock ang pinto.
“Lara, buksan mo ito, pakiusap,” kinatok ko ang pinto.
Wala namang kahirap hirap ay binuksan niya ito ng maluwag.
Nagulat lang ako sa expression niya.
Ang luwag ng pagkakangiti niya. Parang may mali.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
“Lara,” nakakunot ang noo ko dahil hindi ko maipaliwanag ang reaksyon ng mukha niya.
“B-bakit?” tanong niyang nakangiti.
Namumula ang mga mata niya. Hindi ako nagkakamali. Katatapos lang niyang umuwi.
“Lara, huwag namang ganyan oh. Huwag kang magpanggap,” niyakap ko na siya at ikinulong sa mga bisig ko.
Mahal ko itong babaeng ito. Tang*na.
Sa pagkakayakap ko ay humagulgol na siya.
Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.
“Huwag ka ng umiyak, pakiusap,” hinimas ko ang buhok niya.
Kumalas akong muli saka tiningnan ang mukha niya.
Pinunas ko ang mga luha niyang tumutulo na sa kanyang mga pisngi.
“Yung narinig mo, walang kasiguraduhan iyon. At sigurado akong hindi sa akin iyon. Maniwala ka Lara,” sabi ko.
“Leo kasi ano, ahmm,” umiwas siya sa akin dahil patuloy pa rin siya sa pag-iyak.
“Ano?” ako.
“Bakit kaya naging ganito yung unang pag-ibig ko? Hindi ko alam na ang sakit sakit pala. Bakit Leo?” sinuntok suntok niya nga marahan ang dibdib ko.
“Hindi ko sinasadyang maging ganito,” pinilit ko siyang yakapin.
“Akala ko hindi darating sa ganito eh. Pinarurusahan mo ba talaga ako? Paano kung dumating yung panahon na mangyari sa akin yung nangyari kay Myra? Paano kong isa lang din pala ako sa kanila?” ngayon ay parang kinekwestyon na niya yung tiwala niya sa akin.
“Inaamin kong playboy ako. Inaamin kong may mga nagawa ako dati, pero pakiusap naman huwag mong isiping pinaglalaruan lang din kita Lara,” nakukuha ko nang mainis.
“Leo, paano nga kung mangyari iyon?” tanong niya.
“Bakit mangyayari e hindi ko naman gagawin?” nasigawan ko na siya.
“Huwag na muna nating ituloy ito Leo,” maya maya ay yumuko siya.
“Ang alin Lara?” nanginginig na ang mga palad ko sa inis at sag alit.
“Ito,” siya.
“Ang alin nga? Sabihin mo,” sigaw ko.
“Huwag mo na muna akong mahalin at hindi na rin muna kita mamahalin,” siya.
Tumalikod ako saka sumabunot sa ulo ko at nilamukos ang mukha ko.
Tahimik ako saka humarap sa kanya.
Tang*na mga brad. Ang sakit ng ganito.
“Ano Lara? Ulitin mo nga?” baka lang mali ako ng dinig.
“Huwag mo na muna akong mahalin at hindi na rin muna kita mamahalin,” sumigaw siya.
“Tangina Lara, kasisimula ko pa lang sayo. Kasisimula pa lang natin tapos ganito na agad?” namura ko na siya dahil shet lang mahal ko siya eh.
Wala akong tigil sa paglamukos ng mukha ko dahil sa sobrang galit at sakit.
“Leo, sasaktan lang natin ang isa’t isa,” bumuhos na naman ang luha niya.
“Bakit kasi iyon ang mahalaga? Bakit takot kang masaktan? Lara ? Ano?” ako.
“Hindi ko alam. Siguro dahil hindi ako sanay at hindi ko alam ang mga nakaraan mo,” sagot niya.
“Tanginang buhay ito oh,” saka ako tumalikod sa kanya.
Humarap ulit ako.
“Ni minsan ba hindi mo naramdaman na mahalag ako sayo? Kahit konti lang. Bukod sa naiinis kita at sinusupladuhan kita? Wala bang kahit kaunti lang?” tanong ko.
“Mahal kita Leo,” naiyak siyang muli.
Niyakap ko siya ng mahigpit saka ko hinalikan ang noo niya.
“Mahal mo ako. Bakit kailangan mong itigil? Bakit kailangan mo akong pigilang mahalin ka?” mahina kong sabi.
“Leo, sorry. Pero hindi ko alam kung kanino pa ako magtitiwala,” maya maya ay sabi niya.
Nabitawan ko siya.
“Lara naman oh. Kahit ngayon lang maniwala ka naman sa akin, pakiusap,” bumigay na ang boses ko at naluha na ako sa sobrang sakit.
“Leo sorry,” siya.
“Lara naririnig mob a iyang sinasabi mo? Kung unang beses mo ito, unang beses ko rin naman ito. Maging fair ka naman. Iyong si Myra? Hindi ako ang nauna sa kanya. Kaya hindi ako sigurado sa sinasabi niya,” paliwanag ko pero wala siyang kibo at humihikbi lang.
Napahawak ako sa sentido ko. Tangina ang sakit dre.
“Lara, alam kong chickboy ako. Alam kong nagdaan sa kamay ko ang halos lahat ng babaeng naisin kong magdaan sa akin. Perot angina pag sinabi kong mahal kita, tangina totoo iyon,” pumiyok ang boses ko sa dulo. Nagbabadya ang luha ko.
Unang beses akong umiyak dahil sa babae. Unang beses akong magmakaawa ng pagmamahal. Unang beses akong nasaktan ng ganito. Pero tangina, masakit pala talaga pag unang beses.
“Lara naman. Maniwala ka naman oh. Wala akong mapapatunayan sayo na magandang nakaraan ko. Pero totoo lang ako sayo. Hindi ka magiging tulad nila kasi iba ka. Nandito ka oh,” tinuro ko yung dibdib ko. Saka ko sinutok suntok ito.
“Leo tama na muna,” mahinang sabi niya.
Napaatras ako at tiningnan lang siya. Nilamukos ko ang parteng bibig ko saka huminga ng malalim.
“Hindi ka magsisisi?” tanong ko.
Umiling siya.
“Tangina naman oh,” napailing na rin ako tumingin sa kawalan.
“ Ganun lang kadali sayo iyon?” tanong ko.
“Sagot,” saka ko nilapag ng malakas yung kamay ko sa hamba ng pintuan dahilan para magulat siya.
“Please Leo, tama na muna ito,” nakayuko siya.
“Huwag na huwag mo akong kakausapin pagkatapos nito. Sana sigurado ka na sa desisyon mo kasi ako handa akong mahalin ka habng buhay. Kaso hindi mo ako pinili. Mas nanaig sayo yung problema mo sa pagtitiwala sa akin. Tangina, ang sakit lang na ganito tayo,” umiiyak na rin ako.
“Magsalita ka naman,” nagmamakaawa na ako sa kanya. Mas lumapit na ako sa kanya.
“Pakiusap oh,” saka ako akmang yayakapin siya. Baka sakaling magbago ang isip niya.
“Leo, buo na ang desisyon ko,” nabigla ako.
Tumango tango ako saka umatras.
“Ganun ba? Ganun ba Lara?” saka ako lumapit ulit at siniil siya ng halik. Halik na nagpaparusa. Halik na nagsasabing balikan mo ako dahil kapag hindi ay babalik ako sa dati. Please, bawiin mo, bawiin mo yung sinabi mo.
Pero itinulak at sinampal niya ako.
“Lara naman,” napaluhod na ako sa sobrang sakit.
“Bumalik ka na doon,” sabi niya saka nagsara ng pinto.
Hinabol ko siya pero naisara niya yung pinto.
Pinagtatadyakan ko yung pintuan.
“Buksan mo ito Lara. Tangina, buksan mo ito. Hindi tayo magtatapos ng ganun ganun na lang,” napagod na ang paa ko sa kakatadyak.
Idinikit ko ang ulo ko sa pintuan at saka ko sinuntok suntok ito.
“Piliin mo naman ako. Kahit ngayon lang,” mahina kong sabi sa labas.
“Lara,” nanghihina na ako.
Pero wala na siyang sinabi pa.
Lumayo ako sa pintuan. Nakita ko ang mga gamit sa bakery at pinagdiskitahan ko ang mga ito. Ipinaghahagis ko ang mga ito at ang ilan ay nabasag na.
Pinagsusuntok ko ang pader hanggang magdugo ang kamao ko.
Maya maya ay nagsilapitan na ang mga tauhan at si mama.
“Anak huwag kang ganyan. Huwag mong saktan ang sarili mo,” niyakap niya ako.
“Ma, ang sakit sakit pala,” umiiyak ako.
Niyakap lang ako ng aking ina at damang dama ko na ang sakit ng buong katawan ko sa sandaling iyon.
Inakay na niya ako papuntang kwarto ko at itinulog na lang ang lahat.
Salamat po. At dahil nasasaktan ako sa araw na ito, sasaktan ko rin kayo. Hehehe.
BINABASA MO ANG
Tambay Pogi: Leo (Leonardo Del Monte)
RomansaFull Time: Panadero Part Time: Chickboy sa kanto Si Leo, isang binatang gwapo, habulin ng chicks dahil sa killer looks at higit sa lahat ay responsableng anak ng may-ari ng panaderya sa kanto ng Calle Adonis. Sa likod ng kakisigan at pagiging mabuti...