Chapter 8
“Walang matigas na tinapay sa mainit na kape,”
Fernando Poe Jr.
Paano kung hindi na mainit yung kape pero mainit pa yung tinapay? May mag-iinit bang kape? Sa palagay ko, kailangan mong gumawa ng apoy para mag-init yung kape. Sa love ganun din. Hindi sa lahat ng oras, mainit yung isa. Kaya dapat gumawa ng paraan para mag-alab ang nadarama.
Tatanungin kita. Anong apoy na ang nagawa mo para sa kanya?
Wala lang po. May masabi lang. LOL.
Leo
TATLONG beses ko siyang hinalikan dahil ginagalit niya ako.
Langya. Parang gustong gusto pa niya yung paraan ng pagpaparusa ko sa kanya. Ako yata ang lugi doon ah. Tsk.
Nakasunod lang siya sa akin habang naglalakad kami papuntang masahan. Pinakialaman niya ang paghahalo ng mga ingredients na ako lang ang nakakaalam. Sige, dahil pakialamera siya, ituturo ko na lang din sa kanya para sa susunod na makialam siya ay may magandang maidulot.
Nagsuot ako ng apron at hair net. Naglagay din ako ng gloves sa kamay. Ganun din naman siya.
Tahimik lang siya habang ginagawa ang mga ito. Hindi siya makatingin ng deretso sa akin. Ako naman, wala akong masabi tungkol sa mga naganap kanina dahil pati ako ay nahihiya sa sarili ko dahil sa mga ginawa ko.
Bakit ko hinalikan ang virgin na ito?
Bakit ko hinayaang magalit ako at ang ending ay mahalikan ko siya?
Bakit ang tigas ng ulo niya?
Bakit ako naiinis tapos maaawa sa kanya?
Ginayuma na yata ako ng bubwit na ito.
“Dalian mo,” masungit kong wika na agad niya namang ikinataranta.
“Excited?” pamimilosopo niya.
“Sayang ang oras. Mag- aalas tres na naman,” naka tayo lang ako sa gilid ng masahan habang inaantay siya.
Nagpusod siya ng buhok at kitang kita ko kung paano niya ito gawin. Ang puti ng batok niya at may mga hibla pa ng buhok na naiwan at hindi nailasama sa kanyang pagpupusod. Napapalunok lang ako.
Paano kaya kung hawak hawak ko ang mga buhok na iyon habang…. Tsk. Mali na naman ang laman ng utak ko.
Nang mailagay niya ang hair net ay saka siya lumapit sa akin. Nakatingin lang siya sa akin.
“May dumi ba ako sa mukha Boss?” nakangiting tanong niya.
Huwag kang ngumiti ng ganyan at baka ikaw ang mamasa ko.
“Ang pangit mo,” umiwas ako ng tingin sa kanya.
Lalapit siya sa akin ng husto pero lumayo ako.
“Huwag kang lalapit sa akin ng sobra,” nagbigay ako ng distansya sa pagitan naming dalawa.
“Bakit?” tanong niya.
Pag lumalapit ka, may nararamdaman akong pagbabakal sa ibaba.
“Basta, huwag kang masyadong lumalapit sa akin para makaiwas tayo sa aksidente,” hindi direkta ang pagkakasabi ko sa nararamdaman ko.
“Aksidente?” nagtataka na naman siya.
Masyado ba siyang curious? Matanungin ba talaga siya? O Nagbobobo-bobohan lang siya?
Haayyyy Ewan.
“Hindi ba’t lagi kang nakagagawa ng mali kapag magkatabi tayo? Naaalala mo pa siguro ang lahat,” pilit kong iwinawala ang nararamdaman ko sa pamamagitan ng pagpapaalala sa kanya ng mga kapalpakan niya dati.
Bigla namang parang naalala niya ang mga iyon.
“Ikaw kasi Boss, masyado kang nananaranta dati kaya ganun,” tumingin siya sa masahan.
“Mahilig ka talagang mambaliktad ng sitwasyon ano? Kasalanan ko na naman tuloy,” ako.
“Oh siya, paano ba ang timplang sinasabi mo?” tanong niya na parang excited pa dahil tuturuan ko siyang magtimpla.
Pumwesto na ako para masimulan na.
Ang isa sa bestselling sa bakery namin ay ang Hopiang Munggo na may ubeng halaya. At ang timpla nito ay gawa ko.
Ang ingredients ng filling nito ay:
1. 1 cup red mung bean
2. ¼ cup ng condensed milk
3. ¾ cup ng asukal (pwede ring refined)
4. ¼ cup flour
5. 1 llanera ng Ube Halaya
“I-abot mo yung binabad na munggo,” utos ko sa kanya na ngayon ay naglakad naman para kunin ang bowl ng munggo na ibinabad sa tubig ng magdamag.
Nang makuha ko ang ibinabad na munggo ay isinalang ko ang kawali sa lutuang nasa likod ko lang din.
Pumwesto siya sa tabi ko at pinagmamasdan lang ang ginagawa ko.
Inilagay ko ang munggo sa kawali saka ito tinubigan.
Makalipas ang ilang minute ay kumulo na ang tubig at saka ko hininaan ang apoy hanggang sa madrain ang tubig nito. Ihinalo ko ang asukal hanggang sa lumapot ang munggo. Tapos saka ko pinatay ang apoy.
Pinalamig ko muna ito saka koi to inilipat sa blender. Hinaluan ko ng gatas at ube halaya. Saka ko nilagyan din ng kaunting harina para pampadagdag.
Pagkatpos nito ay saka naman ito naging refined at pwede nang gawing palaman ng dough ng hopia.
“Oh, alam mo na ang gagawin mo sa susunod?” tanong ko sa kanya habang tinitikman niya ang gawa kong palaman ng hopia.
“Mas masarap yung ginawa ko,” komento niya.
Agad naman akong lumingon sa kanya dahil parang minaliit niya pa yung timpla ko.
“Huwag kang pakakasiguro bubwit. Kapag hindi bumenta yung ipinasalang mo, malalagot ka sa akin. Uubuisin mo ang lahat ng hindi mabibili,” pagbabanta ko sa kanya.
“Let’s see,” aba at sinusubukan pa ako nito.
Pagkatapos nito ay pumasok si Lorena at tinawag si Lara dahil may naghahanap daw dito.
“Sis, nandito si Adrian, hinahanap ka,”
“Sige, lalabas na ako,” tinanggal niya ang gwantes niya.
“Lalabas ka naman agad?” tanong ko.
“Syempre, baka mahalaga yun,” siya.
“Mas mahalaga pa sa pagliligpit ng kalat natin dito?” ako.
“Saglit lang iyon. Babalik ako agad,” siya.
“Huwag ka ng bumalik,” saka ko siya tinalikuran.
“eh di huwag,” nagtanggal na siya ng apron nang lingunin ko siya.
“Isa,” bibilangan ko lang siya ng hanggang tatlo.
“Saglit nga lang ako,” siya.
“Dalawa,” ako.
“Bahala ka diyan,” tumalikod na siya.
“Tatlo, huwag ka ng papasok dito bukas at huwag kang magpapakita sa akin,” diretso kong sabi.
Agad naman siyang umikot pabalik at iniligpit ang mga kalat na nasa masahan.
“Good. Ganyan nga. Sumunod ka sa gusto ng boss mo,” natatawa kong sabi habang hinuhugasan ang ilan sa mga nagamit na materyales.
“Hindi kasi makapag-antay,” pabulong – bulong siyang nagsasalita.
“May sinasabi ka?” tanong ko.
“Ang sabi ko po, narealize ko nga na mas mahalaga ang pag-aasikaso dito, kaysa makipagtagpo sa mga CUSTOMERS,” diniinan niya yung pagkakasabi sa salitang CUSTOMERS.
“May pinupunto ka ba sa sinasabi mo?” namaywang ako sa harap niya.
“Bakit? Tinamaan ka?” tanong niya.
“Mukha namang ako ang pinupuntirya mo diba?” tinaasan ko siya ng boses para masindak naman itong maliit na taong ito kahit kaunti lang.
“Bakit ka naguiguilty? Ikaw pa itong magagalit ngayon?” siya.
Lumalaban na sa Leon ang Daga.
“Aba at sumasagot pa ang bubwit na ito,” binitbit ko ang damit niya sa likod saka ko siya ipinwesto sa may lababo.
“Kung makabitbit ka naman. Nasakal ako dun ah?” reklamo niya.
“Ang gaan gaan mo. Kumakain ka ba ng maayos? Para namang mataba ka tingnan,” chineck ko pa siya mula taas hanggang baba.
Inirapan niya lang ako.
“Hugasan mo lahat iyan. Babantayan kita para ayusin mo ang trabaho mo. Saka ka na lumabas pagkatapos,” humalukipkip ako at sumandal sa masahan.
“Kakabuwisit,” bulong niya habang nagdadabog sa paghuhugas.
“Nagdadbog ka?” ako.
“Hindi. Napapalakas lang ang pagbagsak ko sa mga gamit. Kaaway ko kasi itong mga ito. Natatalo sila sa tuwing ibinabalibag ko,” hindi siya nakatingin sa akin pero alam kong galit nag alit siya ngayon dahil hindi siya makabanat sa akin.
Natatawa naman ako dahil sa liit niya ay napakagling niyang makipag-away. Basagulera siguro ito noong bata. Hamunin ko nga ng suntukan minsan.
“Ayan tapos na po, BOSSabos,” nagngingitngit ang mukha niyang lumingon sa akin.
Nakangiti lang ako.
“Kamutin mo nga yung likod ko. Hindi ko kasi maabot,” saka ako tumalikod sa kanya para magpakamot.
“Boss, may naghihintay sa akin sa labas. Pati ba naman iyan ipagagawa mo sa akin?” reklamo niya.
“Gawin mo na lang kasi para makalabas ka na,” utos ko pa.
Saka siya nagsimulang magkamot sa baba ng batok.
“Ibaba mo pa sa banda diyan,” utos ko.
Nagkakamot naman siya. Natatawa ako dahil wala man lang siyang magawa sa mg autos ko.
“Ayan diyan nga. Ohhhh sarrraappp,” sinasadya ko para maasar siya.
“Okay na?” saka siya huminto.
“Mga sampung kamot na lang,” ako.
Nagpatuloy pa siya.
“Ayyyyaann.. Ganyang ngaaa Hhmmmmm,” ungol ko.
“Pwede ba Boss Leo, tigilan mo yan,” saway niya.
“Bakit? Nag-aalarm ba iyang Perlas ng Silanganan mo kapag umuungol ako?” natatawa kong sabi.
Bigla naman niya akong kinurot sa tagiliran.
“ARRRRaaayyyyyy tama naaaa,” daing ko habang hawak ko ang tagiliran ko.
Aaawww. Ang sakit. Sadista ang bubwit na ito.
“Anong pinagsasasabi mong nag-aalarm ang Perlas ng Silanganan ko ha?” naiinis siyang nakatingin sa akin.
‘Yan oh,” itinuro pa ng labi ko yung parteng iyon ng katawan niya.
Napaawang naman ang bibig niya nang malaman niyang IYON ang sinasabi kong PERLAS ng Silanganan.
“Ang bastos mo,” akma niya akong hahampasin pero pumasok muli si Lorena.
“Sis, babalik na lang daw siya. Baka raw kasi busy ka,” wika ni Lorena habang nakatingin sa amin.
Sinenyasan ko siyang lumabas saka niya isinarang muli ang pinto.
“Oh ano? Masaya ka na?” tanong niya.
Nagkamot lang ako ng ulo.
Yun Oh. Successful ang delaying tactics ko.
“Habulin mo na. Baka nandyan pa sa labas,” utos ko.
“Huwag na. Nakaalis na. Bwisit ka,” saka siya nag-walk out.
Awwww. Ang sakit ng tagiliran ko sa kurot niya. Pero at least, nakaganti ako. Buti nga sa kanya.
-----------------------
Lara
Napakalakas niya lang talagang mambwisit.
Biglang nabawi yung saya ko sa paghalik niya sa akin sa pang-iinis niya sa masahan.
“Sis, babalik na lang daw siya,” pag-uulit ni Lorena.
“Ano daw ang ipinunta niya sis?” ako.
“May tatanungin lang daw sana,” siya.
Hindi na ako sumagot saka ako pumwesto sa upuan ko.
“Luto na ba yung nabke nating hopia?” tanong ko.
“Malapit na iyon,” siya.
“Ayo slang ba ang timpla ko dun sis?” tanong ko.
“actually masarap siya,” sagot niya.
“Ay oo nga pala, bago ko makalimutan magrereserve pala ako ng cassava cake para kay Baste,” naalala kong bigla yung bilin niya kaya naglagay ako sa box ng isang buo nito at saka inilagay sa sando bag.
Lumabas mula sa loob si Leo na hawak ang kanyang tagiliran.
Buti lang sa kanya iyon.
Tumabi siya sa akin saka bumulong.
“Gaganti ako sayo pagkatapos ng dalaw mo,” nakatingin lang siya sa labas at seryoso ang mukha.
“Huwag ka ngang manyak,” inirapan ko siya.
“Muntik nadurog ang kidney ko sa kurot mo. Sisiguraduhin ko ring madudurog ang Perlas ng Silanganan mong bubwit ka,” nanigas pa ang panga niya nung sinabi niya iyon.
Seryoso ba siya? Madudurog ang? Oh My.
Jusko. Nakakaawa naman ang Perlas ng Silanganan ko. Madidikdik nan g Hukbalahap. Masama ito. Kailangan kong mag-ingat.
Sa nerbyos ko ay napaatras ako saka kumuha ng malamig na tubig para uminom.
Maisusuko na nga kaya ang Perlas? Gaano ba kabagsik ang Hukbalahap? Nakakatakot naman. Hindi pa ako handa sa paglusob. Kailangan kong proteksyunan ang Perlas ng Silanganan sa mapagparusang Hukbalahap na iyon. Natitiyak kong mawawalan ng kinang ang Perlas ng Silanganan kapag nagkataon.
Ito ang mga pumapasok sa isip ko habang umiinom ng tubig.
Tinitigan ko lang ang likod na bahagi ng katawa niya.
Maganda rin naman ang balikat niya. Broad. Strong arms. Malapd din ang likod niya. And ang ganda ng bewang niya. Fit na fit. And the butt. Well, ang ganda ng porma ng pang-upo niya. And his thighs and legs? Pang athletic lang na parang hindi susuko sa takbuhan.
I wonder, gaano kaya siya kalakas sa…. tooott. RED Alert. Masama ang naiisip ko.
MABILIS lumipas ang oras.
Naghahapunan kami ngayon at kasama nila ako sa hapag-kainan na request na rin ni ma’am dahil hindi ako nakasabay sa kanila kagabi.
Mula sa kanan ko ay si ma’am at si sir. Sa kaliwa ko ay si Leo at ang sumunod sa kanyang si Rafael. Wala ang dalawa sa kanilang mga kapatid dahil sa trabaho.
“Lara, kumusta ang pag-aaral mo?” maya maya ay tanong ni sir.
“Ayos naman po,” sagot ko.
“May nanliligaw na ba sayo hija?’ bigla niyang tanong.
Biglang naubo ang katabi ko at saka uminom ng tubig.
Nilingon ko lang siya at tiningnan ng masama.
Anong problema nito?
“Wala naman po. Saka mag-aaral pa po muna ako bago magpaligaw,” sagot ko naman.
“Naku hija, hayaan mo muna iyang mga manliligaw na iyan,” sabad naman ni ma’am.
“Opo ma’am,” sagot ko.
Naubong muli ang katabi ko saka ko siya tiningnan ng masama.
Tumingin din siya sa akin at nagtanong.
“Bakit?” siya.
Sinenyasan ko siyang huwag magsasalita.
“Pa, may dumadalaw nga diyan eh kapag nasa bakery kami. Minsan itinataboy ko,” siya.
At die-diretso pa talaga ang pagsabi niya nun. Hindi man lang nagdalawang isip.
“Sino naman ang maswerteng lalaki?” tanong ni ma’am.
Hindi ko maaaring sabihin dahil estudyante niya si Adrian sa isang subject na kung saan ay magkaklase kami.
Tiningnan ko siya para senyasang muli na ihinto na niya ito.
“Adrian po ang pangalan,”
Wala na. Sobra na talaga itong playboy na ito.
“Adrian? Siya ba yung kaklase mo sa isang subject ko hija?” tanong ni ma’am.
Tumango na lang ako dahil wala akong masabi. Nahihiya ako.
“Wala naman akong masasabi sa batang iyon. Mahusay din naman siya,” komento ni ma’am.
“Pumili ka na lang kaya sa mga anak ko hija. Sa sipag, bait at ganda mong iyan ay gugustuhin pa kitang maging manugang,” natatawa namang wika ni sir.
Namula akong bigla.
LEO, HUWAG MONG SABIHING YUNG MGA NAKARAANG ARAW NATIN AY SASABIHIN MO RIN NGAYON. SISIGAW NA TALAGA AKO NG MALAKAS.
Naubo si Leo nang tapakan ko ang paa niya.
“May ubo ka ba anak?” tanong ni ma’am.
“Nabulunan lang po ako,” siya.
“Pero pa, kung liligawan koi tong babaeng ito, papaya ka?” bigla niyang tanong sa papa niya.
“Ayusin mo muna iyang buhay mo. Tingnan mo nga, kakaunti ang kinikita sa bakery dahil hindi mo ginagawan ng paraan. Kung sa business ka magaling, dun ka magfocus. Ang dami kong nababalitaan na marami ka raw babae. Itigil mo na iyan. Mas gusto ko pa si Paeng na para kay Lara,” si Rafael ang tinutukoy ng papa niya.
Hindi ako makapagsalita.
“Pa naman. Ginagawan ko naman ng paraan yung bakery. Wala kaya akong babae. Single nga ako ngayon eh,” sabi pa niya habang ngumingitio ngiti sa akin.
TTttssss. Eh sino yung ihinatid mo kahapon? Ex mo na nagbabalik?
Biruin mo na ang sanggol Leo. Huwag ako.
In fairness, supportive rin naman ang papa niya and mas gusto niya akong maging manugang. Well, gusto ko rin naman dahil sa totoo lang mababait sila at magaganda ang lahi. Pwera lang sa katabi ko na sobrang playboy.
Habang kumakain ay bigla niyang idinidikit yung balahibo ng binti niya sa paa ko na ikinaiirta ko.
Ngumingiti siya ng nakakaloko. Halatang sinasadya niya ito kaya dahan dahan kong ibinaba ang kamay ko saka siya kinurot sa hita.
Naibagsak niya ang kubyertos sa gulat. Hindi siya makasigaw dahil malalaman ito ng mga nasa hapag kainan. Pinanlisikan niya lang ako ng mata at nagmakaawang bitawan ko na.
Tinapik tapik niya pa ang daliri ko sa baba para tanggalin iyon.
Nang tigilan ko ay saka siya nakahinga ng maluwag. Namumuo ang pawis sa balikat niya na kita ko naman dahil nakasando lang siya ng pula.
PAGKATAPOS kumain ay nagpresenta akong maghugas ng pinagkainan.
Habang naghuhugas ako ay nakatayo lang sa gilid ng lababo ang demonyo habang hawak ang isang baso ng tubig.
Focus na focus ako sa paghuhugas nang maramdaman kong may tumulo na malamig na tubig sa tuktok ng ulo ko.
Nagulat naman ako nang makita kong binubuhusan niya pala ako ng tagkaunting patak ng tubig mula sa basong hawak niya.
“Anong ginagawa mo? Hindi na ako maliligo. Mababasa ko Leo,” reklamo ko.
“Lumingon ka naman kasi sa akin. Kanina pa ako nandito,” masungit niyang sabi.
“Bakit ba kasi? Ano bang gusto mo? Nakita mong naghuhugas ako, nangiistorbo ka,” ako.
“Kakausapin lang kita ayaw mo pa,” saka siya uminom.
“Ano ba kasi?” iritadong tanong ko.
“Pag nakipagkita ka pa sa Adrian na iyon isusumbong kita kay papa,” pagbabanta niya.
“Talagang magkikita kami dahil iisa lang kami ng paaralan,” sabad ko.
“Narinig mo naman siguro na magiging manugang ka sa bahay na ito. Kaya huwag kang umastang paligaw sa iba,” itinuro niya pa ako ng kamay niyang may hawak na baso.
“Klaro namang ayaw sayo ng papa mo para sa akin kaya huwag kang umasta ng ganyan,” saad ko.
“Gusto ako nun. Ayaw niya lang ipahalata,” mahina niyang wika.
“Ayaw ko naman sayo,” ako.
Alam kong gusto ko siya pero yung pigging bi-polar niya ang hindi ko maintindihan.
“Anakan na kaya kita ngayon para sure na akong sa akin ka,” naupo pa siya sa silyang nasa tapat ng mesa.
“Tigilan mo iyang mga ganyang biro mo Leo. Hindi maganda,” ako.
“Seryoso ako. Inaantay lang kitang matapos diyan. Dalian mo, naiinip na ako oh,” reklamo niya.
“baka gusto mong sumigaw ako ngayon ng rape,” binantaan ko siya.
“Sinong maniniwala na nirerape kita?” nagsusubok ang tono ng boses niya.
“Pwede ba kung wala kang magawa huwag mo akong bwisitin,” ako.
“Gusto ko kasi may gawin ako kasama ka,” nang-iinis talaga siya.
“Kapag hindi ka pa tumigil isasaksak ko na ito sayo,” saka ko itinapat ang kutsilyo sa kanya.
“Oooww. Relax. Binibiro lang kita,” saka siya tumayo at nagtaas ng dalawang kamay.
“Umalis ka na dito,” utos ko.
“Bakit ako aalis? Bahay namin ito,” siya.
“E di ako ang aalis,” saka ko binitawan ang kutsilyo at hinugasan ang kamay ko.
“Mmaaa, hindi tinapos ni Lara yung hugasan oh,” sumigaw siya.
Sa inis ko ay bumalik ako at tinapos ko na yung paghuhugas.
Natatawa lang siya habang nakaupong muli mula sa likuran ko.
Habang tinatapos ko ang hugasin ko ay binabasa-basa niya yung paa ko ng tubig.
Tiis na tiis lang talaga ako sa kalokohan niya.
“Leo, isang isa na lang,” ako.
“Oh bakit? Anong gagawin mo kapag isa pa?” nangalumbaba siya sa esa.
Anong trip nito? Kanina pa ako pinagtitripan.
Hindi ko siya pinansin.
Naramdamn ko namang yumakap siya mula sa likuran ko.
“Ano ba Leo? Anong ginagawa mo?” pilit kong tinatanggal ang mga kamay niyang nakayakap sa akin.
Maya maya ay bumulong siya sa tenga ko.
“Gusto koi to. Itong mga ganito gusto ko. Maghintay ka lang. Nagugustuhan ko ang pagpapaantay sayo. Kaya huwag kang magsawa,” mahina ang mga sinabi niyang iyon pero napakaklaro ng lahat.
Naghatid ng kakaibang kuryenta ang hangin sa kanyang bibig na pumapasok sa tenga ko.
“Leo, baka makita ka nila sa ginagawa mo,” pilit kong tinatanggal ang mga kamay niya pero mas humigpit pa ito.
“Hayaan mong makita nila. Magiging manugang ka naman dito diba? Kaya simulant mo na ang first day of duty mo,” saka niya ako dinampian ng halik sa pisngi.
Bago ko pa man siya mahagip ng sampal ko ay nakalayo na siya at tumakbo papasok sa kwarto niya.
Hawak ko pa ang pisngi ko habang pinagmamasdang palayo ang playboy na humalik sa akin.
Nakakarami na siya ngayong araw ah.
Nagugustuhan ko na yata ng sobra.
Sana lang tama pa itong nararamdaman ko.
Sana nga. Sana.
Maraming salamat po sa pagbabasa.
BINABASA MO ANG
Tambay Pogi: Leo (Leonardo Del Monte)
RomanceFull Time: Panadero Part Time: Chickboy sa kanto Si Leo, isang binatang gwapo, habulin ng chicks dahil sa killer looks at higit sa lahat ay responsableng anak ng may-ari ng panaderya sa kanto ng Calle Adonis. Sa likod ng kakisigan at pagiging mabuti...