Chapter Nineteen

112 8 0
                                    

Chapter Nineteen

"Ano ang kaya mong baguhin para sa pag-ibig? Sapat bang maging dahilan ito para talikuran ang iyong masamang nakaraan? Lahat ay sasagot ng, oo, syempre at dapat lang. Pero paano kung pati ang nakaraan mo ay tanggapin niya? Paano kung minahal ka niya ng buong ikaw? Sa tingin mo, siya na nga kaya?"


Lara

MAHIMBING akong nakatulog sa mga yakap niya sa akin. Walang ibang nangyari dahil tulog na tulog siya. Halos hindi siya gumagalaw pero napakahigpit pa rin ng mga yakap niya sa akin.

Maaga akong nagising dahil linggo ngayon. Magsasamba sila ma’am. Kaya maaga rin silang bumabangon pag linggo. Tulog pa si Leo kaya iniwan ko na muna siya sa kwarto. Pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin na sa kwarto ko siya natulog dahil nahihiya ako kay ma’am.

Naabutan ko si ma’am at si Aling Lusing na nagkakape sa kusina.

“Oh hija. Halika na at sabayan mo kami sa pagkakape,” si ma’am.

“Magtimpla ka na lang diyan hija, may mainit na tubig sa termos,” si Aling Lusing.

Saka ako nagtimpla ng sarili kong kape.

Naupo ako sa gitna nilang dalawa.

“Kumusta ka?” tanong ni ma’am.

Alam kong bukod sa pakiramdam ko ay may gusto pa siyang malaman.

“Ayos lang po ako,” mahinang sabi ko.


“Pasensya ka na ha?” malungkot ang mga tingin ni ma’am.

“Ma’am ako po dapat ang humingi ng pasensya,” saad ko.

“Hindi ko rin talaga lubos maisip na ganun ang mangyayari kahapon. Nakita ko yung dating anak ko na basagulero at sakit sa ulo. Pero unang beses ko siyang nakitang umiyak. Kahit masugatan ang batang iyon ay hindi iyon umiiyak,” kwento niya pa.

Tumango lang ako at humigop ng kape ko.

“Kumusta na kaya siya?” akmang tatayo si ma’am para puntahan si Leo sa kwarto niya kaya bigla akong nagsalita.

“Ma’am,” ako.

Lumingon siya.

“Ma’am, hindi po natulog si Leo sa kwarto niya,” mahina kong sabi.

“Naku, san siya natulog? Lumabas ba siya?” nag-aalalang tanong nito.

“Ang nangyari po kasi ay,” pauna ko saka siya naupo sa tabi ko.

“Naglasing po siya kagabi. Eksakto pong palabas ako ng klwarto para maligo tapos nakita ko po siya sa may kusina ng bakery na umiinom. Lasing na lasing po siya. Sa sobrang amoy alak po siya ay napaliguan ko po,” nahiya ako sa huling sinabi ko.

Humagalpak ng tawa si ma’am.

“Jusko, ang baby ko, nagpaligo pa sayo?” manghang mangha siya.

“O-Opo,” nakayuko ako.

“Tapos hija?” tanong niya.

“Kinuhanan ko po siya ng damit sa kwarto niya dahil ayaw na po niyang umalis doon. Nahiya naman po akong manggising pa kaya hinayaan ko na lang siya doon,” dagdag ko naman.

“Naku hija salamat. Buti at lumabas ka pa kagabi. Lahat kami ay pagod na pagod na kaya masarap ang tul;og naming lahat. Akala ko naman kasi ay matutulog na siya pagkagamot ko ng suagt niya. Lumabas pa pala para bumili ng alak? Ang batang iyon oo,” salaysay ni ma’am.

“Nasa kwarto pa po siya, natutulog. Ginigising ko pero inaaway ako sa tuwing ganun,” nadulas ako.

“Sa tuwing?” nagulat si ma’am.

“Ibig sabihin ay hindi lang minsan?” tanong ni Aling Lusing.

“Nahihiya po akong magsumbong sa inyo,” hot seat alert na naman ang nangyayari habang nagkakape.

Humagalpak silang pareho ni aling Lusing.

“Oh tapos ano pa hija?” tanong ni ma’am na mas lumapit pa sa akin. Ganun din si Aling Lusing na mas inilapit pa ang upuan sa tabi ko.

Parang may gusto pa silang malaman na dapat ay marinig na nila dahil napakaexcited na nila.

“Ano po ahmm,” napakagat ako sa ibabang labi ko saka tumingin sa kanilang dalawa.

“Huwag mo sabihing,” napatakip si ma’am ng bibig niya.

“Naku hija, nadiligan na ba ang petchay?” naku ang bibig naman ni Aling Lusing ang sagwa.

Tiningnan ko silang pareho at nahiya ako dahil wala na akong maitago sa kanila. Sana hindi na lang ako bumangon ng maaga. Hindi ko inaasahang masasabi ko ang mga iyon sa kanilang dalawa.

“Hija, magkakaapo na ba ako?” si ma’am.

Magkakaapo? Jusko hindi pa ako handa.

Umiling ako.

“Bakit hindi? Eh diba nag- ano na kayo? Kailan pa iyan? Delayed ka ba?” hindi maikakailang excioted si ma’am na magkaapo.

“Gumamit po siya ng,” hindi ko naituloy dahil napasandal na si ma’am sa silya.

“Matinik talag itong anak kong ito. Hija, maayos ka lang ba? Hindi ko alam kung saan kita dinala,” nakokonsensya si ma’am dahil anak niya pa mismo ang nanlob sa akin.

“Ma’am, wala ho kayong kasalanan. Ginusto ko rin naman po,”napayuko ako.

Maya maya ay niyakap niya ako.

“Tama nga ang sabi sa akin ni sir mo. Maswerte kami sayo dahil bukod sa pmasipag ka, masipag ka rin mag-aral at totoo ang pagmamalasakit mo sa amin sa mga anak ko,” sabi niya.

“Hi-hindi po kayo nagagalit?” tanong ko.

Napakmoderno ng pag-iisip ni ma’am.

“Magagalit lang ako kung may hindi kayo magandang gagawin para sa isa’t isa. Alam mo bang napakalaki ng pagbabago ng batang iyon? Nakikita kong nagiging responsible na siyang tao. Siya lang iyong hindi nakatapos sa lahat ng mga anak ko dahil nagbulakbol. Jusko, saksi si Aling Lusing sa mga problemang idinulot ng batang iyon. Kaya pinahinto namin. Akala ko nga tatanda na siyang ganyan. Kaya naisip naming siya na ang pagbantayin sa bakery at sasahuran na lang namin. Noong una , ayaw niyang mamalagi doon dahil wala siyang kaalam-alam. Pero natutunan niyang mahalin iyon pagtagal-tagal,” kwento ni ma’am.

Nakikinig lang ako.

Maya maya ay pupungas pungas si Leo na lumalapit sa amin. Gulu-gulo pa ang buhok niyang lumapit sa amin.

Kinukusot-kusot niya ang mata niya nang makaupo sa tabi ni ma’am.

“Nagugutom na ho ako,” tinatamad pa ang boses niya.

“Nakaluto na si Aling Lusing. Gusto mo na bang kumain?” tanong ng mama niya habang hinihimas nito ang likod ng anak.

“Hindi pa po ba kayo sasabay?” tanong nito na nag-inat pa.

“Sasabayan ka na naming tatlo,” para siyang baby sa mama niya.

“Gusto mo ba ng kape?” tanong ni ma’am.

Tumango lang siya.

Tatayo sana si ma’am pero nagpresenta na lang ako.

“Ako na po ma’am,” tumayo ako.

“salamat hija,” siya.

“Saan ka galing at doon ka nagmula pagkagising mo?” kunwari ay walang alam ito at tiningnan pa ako na nakangiti.

“Akin na lang yun ma,” nagkamot pa ito ng ulo.

“Ito naman, nagtatanong lang ako. Pero, bakit ka nga galing doon?” pangungulit ni ma’am.

“Ma, nagugutom na ako,” pag-iwas niya.

“Bakit iba na ang suot mong damit?” tanong ni ma’am.

“Naligo ho ako bago matulog,” sagot niya.

Nakangiti lang ako habang nakikinig sa kanila at habang nagtitimpla ng kape.

“Saan ka naligo?” si ma’am.

“Sa banyo ho,”

“Sino kasama mo?” si ma’am.

Halos ayaw ko na humarap dahil nahihiya ako. Palagay ko ay namumula na ako. Kagat kagat ko ang ibabang labi ko dahil sa pinipilit kong huwag ngumiti.

Saka ko dinala ang kape sa lamesa sa harap niya.

Tiningnan lang niya ako.

“Hoyy, anong sinasabi mo sa mama ko?” nagsungit siya sa akin.

“Wala siyang sinabi nak. Nagtatanong lang ako,” sabad ni ma’am.

Hindi ako kumibo at naiinis siyang tumingin sa akin.

Naghain na kami ni Aling Lusing at isa isa na ring lumabas mula sa kwarto ang ilan pang tao sa bahay.

Habang nagaalmusal ay walang nag-uungkat ng mga nangyari kahapon dahil ayaw nilang mabadtrip ang kapatid nila. Masaya lang silang nagtatawanan at nagkwekwentuhan sa topic na tungkol sa kanilang tatay.

Kapag ganitong mga eksena ay naaalala ko ang mga kapatid kong kasabay kong kumakain sa hapag kainan kasama ang mga magulang ko. Simple lang ang buhay namin pero masaya. Napilitan lang kaming magkahiwalay dahil sa kagustuhan kong makapagtapos ng pag-aaral.

Nang matapos na kaming kumain ay ako na ang naghugas ng pinagkainan. Si Leo ay naligo na para mauna na siyang magbantay sa bakery. Sila ma’am ay sama samang nagsamba. Minsan ay sumasama ako kapag hindi sila nagbubukas ng bakery.

Pagkahugas ko ay naligo na rin ako. May mga iilang nagmamasa na sa loob. Nakita ko ring nagmamasa si Leo ng para sa hopia. Nakasuot siya ngayon ng apron at hairnet pero nakapanloob siya ng itim na t-shirt at maong shorts. Seryoso lang siya at focus sa ginagawa.

Lumabas na ako at tinulungan si Lorena na magsalansan ng mga bagong luto. May mga iilan na ring bumibili ng pandesal na pang agahan ng nakararami.

“Sis, kumusta na?” siya.

Alam ko ang tinutukoy niya.

“Maayos na,” simpleng sagot ko.

“Ayaw mo na ba talaga siya? Actually, kahapon lang nalaman ng mga kasamahan tapos kahapon lang din nila nalaman na ayaw mo na sa kanya,” nakasimangot ang kaibigan ko.

“Maayos na kami,” ngumiti ako.

“Paanong maayos?” tanong niya.

“Basta maayos na kami,” saka ko pinagbentahan ang isang batang bumibili ng tinapay.

Maya maya ay lumabas si Leo mula sa masahan. Isinabit niya ang apron sa may sabitan kasama ang hairnet.

Lumapit siya sa amin.

“Pakireserve mo nga si Pareng Kiel ng dalawang box ng Cassava cake. Tumawag siya kanina,” utos niya kay Lorena.

Medyo tumalikod naman ako dahil nahihiya ako sa kanya.

Inaasahan kong maniningil siya pero hindi siya kumibo. Imbes ay tinulungan niya akong mag-ayos ng mga toasted bread. Nang mapadako ang tingin ko sa paa niya ay suot niya ang regaling sapatos na binili kahapon.

Napangiti naman ako. Pero bakit di siya pumapansin? Bakit ayaw niya akong kausapin kung  kumusta na ako?

“Kumusta na yung – yung sugat mo,” gusto ko sanang hawakan ang kamay niya pero nahihiya ako.

“Malayo ito sa bituka,” saka siya tumalikod at kumuha ng tubig na maiinom.

Hmp. Sungit. Anong problema niya? Bakit bigla siyang beast mode?

“Ahm gusto mo ng kape?” lumapit pa ako sa kanya pero umiwas siya ng direksyon.

“Hindi naman ako inaantok. Masakit lang ang ulo ko,” saka siya naupo sa pwesto niya.

Aling ulo ang masakit sa kanya? Hindi kasi clear eh.

“Ikukuha ba kita ng gamot?” tanong ko.

Feeling clingy ako ngayon dahil alam kong may tampo siya sa akin.

“Mas nahihilo ako kapag lakad ka ng lakad,” tiningnan niya lang ako ng walang expression sa mukha.

Ayyy sorry naman. Hmp. Bakit biglang ganito siya?

“M-may problema ba?” tanong ko.

“Wala,” sagot niya saka sumandal sa may silya niya.

Parang ayaw niya ako kausapin dahil halatang gusto niyang matulog sa harapan ko.

Hmp. Hindi ka lang nakaisa kagabi ganyan ka na.

Kumuha ako ng gamot sa may lagayan sa loob ng bahay. Kumuha rin ako ng baso ng tubig at bumalik ako sa bakery. Nakasandal pa rin siya. Nakapikit ang mga mata niya at nakakunot ang noo niya.

Masakit nga siguro talaga ang ulo nito.

Ako na lang ang nag-abalang magtinda dahil tulog naman siya. Hindi ko na siya inistorbo dahil alam kong tulog siya.

Habang nagtitinda ako ay nililingon ko kung nagalaw na niya ang gamot na nailagay ko sa harap niya pero hindi pa.

Pagkaraan ng ilang minute ay wala na ring bumibili. Naupo ako at ihinilig ang ulo ko sa may stante.

Hindi ko namalayang nakatulog din pala ako.

Nagising ako sa tawag ng isang bata na bibili ng tinapay.

Pero bago ko siya mapagbentahan ay napansin ko ang isang papel sa tabi ko na may note. Sa tabi nito ay isang malamig na C2.

Nakasulat dito ang:

Salamat sa gamot. Inantok ako sa binigay mong reseta doc. Meryenda ka na. Kuha ka na lang ng tinapay basta huwag mong uubusin ang paninda. Nasa kwarto mo ako. Natutulog. Huwag mo akong papasukin.

Leo your lab.


Napangiti naman ako sa mga linyahan niya.

Saka ko binentahan ang bata ng tinapay.

Actually para sa akin ay effective pantanggal sakit ng ulo ang Symdex. Although pinatutulog ka niya pero paggising mo ay mawawala na ito. Kaya siguro siya inantok.

Medyo kaunti ang namimili ngayon kaya hindi naman ako masyadong naging abala sa pagbabantay.

Naglaro lang ako sa cellphone ko at sumasagot sa mga chats ng mga kapatid ko.

Magpapadala nga pala ako sa kanila mamayang hapon ng kaunting ipon ko. Siya pang pandagdag nilang panggastos sa bahay.

Magtatanghalian na at hindi pa lumalabas si Leo. Hmp. Inom inom kasi tapos ngayon sasakit ang ulo.

Imbes na pabangunin ko siya ay dinalhan ko na lang siya ng pagkain. May dala akong tray ng kanin, sabaw at ulam na niluto ni Aling Lusing.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nakita ko siyang nakadapa sa kama. Tinanggal niya ang pang-itaas niyang damit na ngayon ay nakasabit sa may bangko sa tabi ng kama ko.

Inilapag ko ang aking dalang pagkain sa maliit na lamesa. Umupo ako sa gilid ng kama at saka ko tinapik ang likod niya.

“Leo, magtanghalian ka na,” mahina kong sabi.

Hindi siya nagrerespond kaya inuga ko ang likod niya ng dahan dahan.

“Leo,” ako.

“Uhhhmmm,” itinaas niya ang ulo niya at lumingon sa akin.

Pipikit pikit pa siya.

“Sabi ko huwag mo akong papasukin,” saka niya ibinagsak muli ang ulo niya sa unan. Nasa ilalim naman ng unan ang dalawa niyang kamay.

“Tanghali na. Malilipasan ka ng gutom. Mas sasakit ang ulo mo niyan,” tinapik kong muli ang likod niya.

“Inaantok pa ako,” reklamo niya.

“Mamaya ka na matulog ulit pagkakain mo,” sabi ko.

Umikot siya para humarap sa akin.

Nasisilaw siya sa araw mula sa bintana kaya tinakpan niya ang mata niya gamit ang kamay niya.

“Bangon na,” tinapik kong muli ang tagiliran niya.

“Pakainin mo ako,” mahinang sabi niya.

“Sige na, bangon na,” ako.

“Gusto ko nakahiga ako habang kumakain,” saka niya tinanggal ang kamay niya sa mga mata niya.

“Paano ka makakain nang nakahiga? Timang,” ako.

“Bangon na. Lalamig yung sabaw,” dagdag ko pa.

Dahan dahan  siyang bumangon at naupo sa tabi ko. Nakatulala lang siya. Tiningnan ko siya. Hinahanap niya pa ang mood niya dahil kagigising niya lang.

“Masakit pa ang ulo mo?” tanong ko.

Umiling siya. Very good.

“Kain na,” ako.

“Kumain ka na ba?” tanong niya.

“Tapos na ako,” sagot ko.

“Dapat sabay tayo. Kumuha ka ng pagkain mo,” sabi niya.

“Busog na ako,” sagot ko naman.

“Kahit konti lang. Kailangan mong lumakas,” siya.

“Malakas ako,” tugon ko.

“Kailangan mo ng extrang lakas ngayon,” siya.

“Bakit?” tanong ko.

“Gagawa na tayo ng baby mamayang gabi,” saka siya tumayo at naupo sa silyang katapat ang mesa.

Nagulat ako.

“Kumilos ka na diyan at kumuha ng pagkain mo bubwit. Sige na alis,” lumingon siya at tinaboy ako habang ngumunguya pa ng pagkain.

Tumayo na lang ako at sumunod sa gusto niya.

Hmp. Napakademanding.


Abangan po ang medyo DETAILED SPG  sa next chapters.

Di ko po sinabing sa 20 ha?

Tambay Pogi: Leo (Leonardo Del Monte)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon