Chapter Five

141 8 15
                                    

Chapter 5


Sabi nila, ang motto raw ng pusa at daga ay “Pinagtagpo pero di itinadhana.” Totoo nga naman. Pero alam niyo ba kung bakit sila pinagtagpo? Baka naman kasi pwedeng maging sila kahit ayaw ng pagkakataon? Baka naman kasi maaari rin nilang matagpuan ang kasiyahan sa isa’t isa? Baka sakali lang na sa isa’t isa nila mahanap yung kakaibang pagmamahal na hindi nila mahanap sa iba?
Baka nga lang naman diba?
-Author

Lara


PAGDATING naming ay siya na ang nagbaba ng mga pinamili at nagbuhat ng mga ito sa kusina. Buti naman at nakaramdam siya na hindi ko kakayanin ang pagbubuhat ng mga ito kaya medyo thankful na rin ako sa kanya.

Nag-aayos ako ng mga pinamili sa kusina nang lumapit siya sa ref at kumuha ng malamig na tubig. Nakasuot siya ng itim na maong shorts at nakasabit lang sa balikat niya ang tuwalya. Halatang katatapos niya maligo dahil basa pa ang buhok niya at tumutulo pa sa leeg niya ang mga butyl ng tubig.

Lumapit siya sa tabi ko dahil kukuha siya ng baso para magsalin ng tubig.

“Pakisabi kila mama hindi ako dito kakain mamaya. May lakad kasi ako,” bilin niya.

“Bakit ako pa ang magsasabi? Hindi ba pwedeng ikaw na lang?” mga tanong ko sa kanya. Ano ba niya ako para sabihin ko pa sa mga magulang niya ang lakad niya?

“Diba’t sabi ko naman sayo na lahat ng sasabihin ko ay susundin mo?” hawak niya ang baso ng tubig at nakatingin sa akin na nagka-cut ng mga sachet ng sabon.

“Hindi mo ako alipin ano. At bakit ako susunod sa lahat ng gusto mo? Hindi naman kita asawa. Wala ka naming pinanghahawakan sa akin,” umirap ako.

“Ah ganun ba? Kailangan pala asawahin pa kita para sumunod ka sa lahat ng gusto ko? Sige simulant na natin. Dito na mismo sa kusina,” tinanggal niya ang karton na nasa ibabaw ng kahoy na mesa at itinabi niya ang mga upuan.

“Hubad at Humiga ka diyan,” itinuro niya ang mesa.

Jusko, kung ganito kawild ang magiging jowa ko, kawawa naman ang Bahay Bata 163.
“Huwag ka ngang pilosopo. At huwag ka rin masyadong manyak,” itinapat ko sa kanya ang gunting na hawak ko.

“Gusto mo pa kasi ng dahilan para mapasunod kita sa gusto ko,” maya maya ay uminom siya ng tubig.

“Bakit ba kasi kailangan kong sumunod sa mga gusto mo?” patuloy pa rin ako sa ginagawa ko.

“Dahil nga kasi gusto kong sumusunod ka lang sa gusto ko,” parang inulit niya lang yung tanong ko.

“Yun lang ba ang rason?” tanong ko.

Ibinaba niya ang baso saka niya nilagyang muli ng malamig na tubig.

“Kasi nga masaya akong napagtitripan kita. Ayaw mo bang ibigay sa akin yung kasiyahan na iyon bubwit?” iniabot niya sa akin ang baso ng tubig.

Masaya siyang nababadtrip ako? Kasiyahan niya ang kainisan ko?

Wow. Ang weird.

“Ano yan?” takang tanong ko nang iniabot niya ang tubig.

“Bobo ka ba?” tanong niya.

“Alam kong tubig yan pero bakit mo ako binibigyan?” tinaasan ko siya ng boses.

“Syempre pinaiinom kita,” kinuha niya ang kamay ko saka niya pinahawak sa akin ang baso.

“Sa ibang baso na lang ako iinom,” pagiinarte ko.

“Malinis yan. Ni hindi nga dumampi ang labi ko diyan. Saka wag mo akong pandirihan. Yung iba nga, nagkakandarapa pa, matikman lang laway ko,” nakakunot ang noo niya pero may tunog pa-baby ang boses niya.

“Yuck. Pwede ba Leonardo Del Monte?” naiinis kong sabi.

“Inomin mo na. Ang dami pa kasing arte,” pinunasan niya ang buhok niyang basa kaya tumatalsik pa ito sa akin.

Amoy na amoy ko pa rin ang sabon niya.

Tinanaw ko rin ang tagiliran niya. Ang kinis lang at ang bangong tingnan.

Napapainom tuloy ako ng marami.

“Ano, masarap ba laway ko? Dinuraan ko iyan para mapasunod ka sa gusto ko,” maya maya ay natatawa niyang sabi saka ako pinalo ng twalya sa mukha.

“Yuucckkk,” bago ko pa man magupit ang maaaring magupit sa kanya ay tumakbo na siya patungong kwarto niya.

Laway niya? Yuck lang. Pero wala namang masamang lasa. In fairness ha?





PAGKTAPOS maghapunan ay maaga rin akong pumasok sa kwarto ko na nasa loob ng bakery. Nagsiuwian ang ilan sa mga stay – in kaya mag-isa ako ngayon sa bakery. Although magkakaiba kami ng kwarto pero nakakapanibago lang tuwing linggo ng gabi.

Habang nagliligpit ako sa kwarto ay naalala ko yung pagbabawal sa akin ni Boss Leo na huwag akong magboyfriend.

Yung rason niya na dapat akong magtapos sa pag-aaral bago ako magboyfriend ay katanggap tanggap naman kaso kung iyon ay galing sa kanya ay parang may duda ako. Hindi kaya may iba pa siyang rason kung bakit?

Iyon ang dapat kong alamin as soon as possible.

Assignment; Alamin ang tunay na rason ni Leo sa pagbabawal sa aking magjowa.
Deadline of answer: Next week

Pagkatapos kong mag-ayos ay inilabas ko ang mga notes ko mula sa aking bag at inilapag ito sa lamesang malapit sa kama ko.

Kailangan kong mag aral ngayon dahil baka biglang magpaquiz ang mga teachers naming bukas ay hindi ako handa. Kailangan ko ring mag-advance reading para kahit papaano ay naaral ko na ang mga lessons namin. Mahirap kasing pagsabayin ang pag-aaral sa trabaho. Pero challenging.

Mauupo n asana ako nang marinig kong bumukas ang kwarto sa kabila.

Hmmmmm. Akala ko umuwi ang mga tao rito?

Hinayaan ko na lang muna dahil nakafocus na ako sa pagbabasa at pagsulat ng mga importanteng detalye ng binabasa ko.

“Characterization is a way of describing a character in a story. There are ways in achieving this….,” napahinto ako sa pagbabasa nang may marinig na malakas na tugtog sa kabilang kwarto.

Parang NenengB ang kanyang katawan…. Ang sarap niyang titigan…

Nagulat ako sa tugtog dahil hindi naman ganun ang mga music ni Ate Rowena. At saka hindi siya nagpapatugtog ng ganyan kalakas.

Pinilit kong magconcentrate pero naiirita talaga ako sa tunog ng tugtog. Isama pa yung pangit at malaswang lyrics ng kanta.

(Hindi po ako basher ng kanta nay un ha? Sorry po kung ginamit ko)

Tumayo ako para alamin kung sino yung nagpapatugtog.

Humanda ka sa akin kung sino ka mang nambubulabog sa batang nagrereview.

Sa inis ko ay sobrang lakas ng pagkatok ko sa pintuan na halos ikasakit na rin ng kamay ko.

Tok tok tok

Nakailang katok na ako pero hindi pa rin lumalabas kung sino man ang nasa loob.

Tok tok tok

“Kung sino man ang nandiyan. Pwedeng lumabas ka at mag-usap tayo?” sigaw ko mula sa labas ng pintuan.

Kakatok pa sana ako nang bumukas ang pintuan.

Laking gulat ko nang nakaboxer briefs lang na suot ang nasa harapan ko. Medyo pawis ang kanyang dibdib na bumababa sa kanyang tiyan kaya napaiwas ako ng tingin dahil baka mas bumaba pa ang tingin ko sa parteng iyon na kung saan  ay tiyak kong nagtatago ang makamandag na ahas na nagkukubli sa masukal na kagubatan.

Nakakunot ang noo niya. Isinandal niya ang braso niya sa hamba ng pintuan na dahilan upang masilayan ko ang hairy armpits niyang sa palagay ko ay amoy Bioderm Pink dahil sa lakas ng amoy nito sa aking ilong.

Haaayyy. Naiimagine ko tuloy na nakaunan ako sa balikat niya.

Pero teka. Back to reality. Galit ako.

“Boss Leo, pwede bang magdamit ka naman bago ka lumabas,” umiwas ako ng tingin sa kanya.

“Paano ako magdadamit eh sa sobrang pag-aapura mo ay halos masira na ang pintuan?” naiinis na rin siya.

“Para naming ayaw mo ang nakikita mo ngayon,” dagdag pa niya.

Hindi ako nakapagsalita ng mga ilang Segundo dahil naiilang ako sa tingin niya, pati na rin sa mga bagay na maaari kong makita.

Jusko. My Virgin Eyes.

“Teka, bakit ba kasi nandiyan ka sa kwarto na iyan? At bakit ang lakas lakas ng tugtog mo? Nakakabulahaw ka sa mga natutulog at sa mga estudyanteng nagrereview. Gabing gabi na,” walang patid kong wika sa kanya.

Humalukipkip siya at isinandal ang tagiliran sa hamba ng pintuan.

“Bakit? Ipinagbabawal mo bang magstay ako sa kwarto na ito?” umusisa ang mga tingin niya sa mga mata ko.

“Hindi sa ipinagbabawal ko pero sana naman ay respetuhin mo na ang oras ng pag-aaral ko at ng pamamahinga ng ibang tao. May kwarto ka naman kasi, bakit hindi ka doon magstay,” nagawa ko na siyang pagalitan.

“Sige. Papatayin ko na ang tugtog. Sana lang ay maenjoy mo pa rin ang pagrereview mo,” unti unti niyang sinasara ang pintuan.

Inirapan ko lang siya. Saka ako naglakad ulit papasok sa kwarto ko.

Padabog kong isinara ang pinto at nagtungo na sa may silya sa tapat ng mesa ko.

Maya maya ay namatay na ang nakakainis na tugtog.

“Haaayyyy. Buti naman,” nakahinga ako ng maluwag saka ako nagfocus muli sa pagbabasa.

After ng mga fifteen minutes ay ang weird lang ng mga tunog na naririnig ko sa kabilang kwarto.

Ngik ngik ngik!

What?

Tunog iyon ng gumagalaw na kama. Bakal iyon at pamilyar iyon na tunog dahil gan un din ang tunog ng kama ko sa tuwing babangon ako sa higaan. Pero itong tunog na ito ay mas mabilis at mas malakas. Tumatama rin ito sa pader kaya dinig na dinig ko talaga.

“Jusko. Anong ginagawa ng damuhong iyon sa kwarto?” bulong ko sa sarili ko.

Hawak hawak ko ang dibdib ko dahil kinakabahan ako.

Anon a kaya ang nangyari sa kanya?

May kaaway ba siya?

Maya maya ay narinig ko ang mga daing niya. Matitigas itong daing na parang nasasaktan.

Aaaawwwwwwwwww shhheettttt,” sigaw niya.

Klarong klaro ang pandinig ko sa impit niyang boses na iyon kaya tumayo ako para katukin siya kung anong nangyayari.

Pagtayo ko pa lang ay ikinagulat ko ang sumunod kong narinig.

Siggeee paaaaaa, ganyaannn nngggaaaa,”

Kung nasasaktan siya, bakit gusto niya pang magpatuloy masaktan?

Ano bang nangyayari?

Patuloy pa rin sa paglangitngit ang kama kaya alam ko talagang may masamang nangyayari doon.

Lakad-takbo kong tinungo ang pintuan saka ko buong pwersang kinatok ang pintuan niya.

“Boossss. Anong nangyayari sa’yo,” sigaw ko sa labas sabay sa sunud-sunod kong katok mula sa pintuan.

“Boss Leo, may masama bang nangyari?” kinakabahan na ako dahil tumigil na ang langitngit at wala na siyang sinasabi.

Jusko. Napatay ba siya ng magnanakaw?

Sapo sapo ko ang dibdib ko habang paatras akong naglalakad dahil baka any moment ay sunggaban ako ng mamamatay tao.

Gusto ko nang sumigaw pero hindi ko magawa.

Jusko. So Papa Leo.

Maya maya ay bumukas ang pintuan.

Napahawak ako sa mga braso ko dahil sa biglang pagbukas nito.

“Ano bang problema mo?” maya maya ay galit na tanong niya.

Shocks.

Basang basa ang buhok niya. Alam kong sa pawi ito dahil tumutulo pa ang mga ito sa hibla ng buhok niyang nasa mukha niya na. Nangingintab din ang buong katawan niya at namumuo pa ang mga pawis sa parteng dibdib, balikat at tiyan nito.

Nakaboxers lang siya pero parang ang sikip sikip lang nito sa kanya at namamasa pa ang mga hita niya dahil sa pawis.

Tumatama ang kislap ng liwanag ng ilaw kaya nangingintab siya.

“Magsalita ka. Anong problema at nangiistorbo ka sa ginagawa ko?” galit nag alit siya.

“Bakit ka pawis na pawis boss? Nag-aalala ako dahil sumisigaw ka na parang pinipigilan mo. Baka lang kasi may nangyayari sayo kaya nag-alala akong lumabas at katukin ka,” paliwanag ko.

“Wala ka talagang alam sa nangyayari?” tanong niya sabay ngiti.

Yung ngiti niyang iyon ay ngiti ng naiinis.

Maya maya ay nagulat ako nang may babaeng lumapit sa kanyang likuran at yumakap sa kanya sa likod. Nakatapis ito ng puting kumot at kapwa pawisan ang mga brasong yumakap sa tiyan ni Boss Leo.

Gosh. Siya yung babae kanina sa Puregold? Anong ginagawa niya rito?

ANONG GINAGAWA NILA?

Namimilog ang mga mata ko.

“Baby, hindi pa tayo nakakadalawa. Go back inside,” naglakbay pa ang mga daliri nito sa dibdib ni Boss Leo.

SHOCKS. Sa harapan ko pa talaga? Nandidiri ako.

“Bumalik ka na doon. Susunod ako,” mahina niyang sabi.

Saka naman bumalik ang babae.

“Alam mo na ang makikita mo kapag sinubukan mo pang kumatok muli,” wika niya.

Hindi ko alam kung saan ako pupulot ng sasabihin ko pero isa lang ang nararamdaman ko.

NAIINIS AKO SA KANILANG DALAWA LALO NA SA BABAENG IYON.

Bakit siya pa?

Hindi ko naman sinasabing BAKIT HINDI AKO? Pero nagseselos ako.

Bakit ginagawa nila ito?

“Binababoy mo ang lugar na ito,” naiinis kong sabi.

“Kung ikaw ba siya, sasabihin mo pa rin bang binababoy ko ang lugar na ito?” lumapit siya ng bahagya.

Amoy na amoy ko ang natural scent niya. Ang init lang ng presensya niya.

Wala na akong masabi kaya bigla ay sinampal ko ang mukha niya ng sobrang lakas.

“AAwww,” mahina niyang daing.

Alam kong masakit iyon kaya bago pa man siya makaganti ay tumakbo na ako at pumasok saka naglock ng pinto.

Habol habol ko ang hininga ko habang nakasandal lang sa pintuan.


“Ang bababoy ninyo,” galit kong saad sa kawalan.

Hindi na rin ako makakapagfocus sa pag-aaral ng mga notes ko kaya itinabi ko na ito sa bag ko at inayos ang higaan.

Nakakapagtaka lang na wala na akong naririnig pa mula sa kabilang kwarto.

Bigla kong naalala yung huli niyang sinabi noong una akong kumatok kanina.

“Sige. Papatayin ko na ang tugtog. Sana lang ay maenjoy mo pa rin ang pagrereview mo,”

Iyon pala iyon. Iyon pala ang ibig sabihin niya? Nakakainis lang na wala akong kaalam alam sa mga pangyayaring ganito.

Pumadyak padyak ako sa higaan saka sinabunutan ang sarili ko.

Hindi ko agad nakuha ang tulog ko dahil sa mga pangyayaring nawitness ng mga mata ko at narinig ng mga pandinig ko.

Dahil sa pagod ay nakatulog na rin ako.


LUNES


MAAGA akong nagising dahil 07:00 A.M. ang klase ko. Sumasabay ako kay ma’am tuwing umaga dahil tinutulungan ko rin siyang magdala ng mga gamit niya sa faculty room. Nagbibilin rin siya sa akin ng mga ipagagawa niya sa mga kasambahay bago ako umuwi. Inihahatid kami ni Sir Ronald tuwing umaga bago siya pumasok. Nagcocommute na lang din ako pauwi pag tanghali.

Sakto lang na maaga kaming nakaalis dahil ayaw ko rin namang makita si Leo dahil na rin sa mga nangyari kagabi.

Pagdating naming sa eskwelahan ay dinala ko na ang mga gamit ni ma’am sa office. Saka siya nagbigay sa akin ng allowance ko sa buong linggo.

Bukod sa pagbabayad niya sa matrikula ko ay ang pagbibigay niya sa akin ng buwanang sahod sa minimal na halaga at ng allowance ko sa buong linggo. Wala naman akong masyadong pinagkakagastusan kaya iniipon koi to para hindi na ako mamroblema sa mga bayarin sa projects ko at iba pa.

Pagkatpos kong dalhin iyon sa office ay pumasok na ako sa unang klase ko.


___________


Leo


PUYAT ako.

Nang makaisa ako sa babaeng iyon kagabi ay nagpatuloy pa rin siya sa pag-ubaya sa akin kaya hinayaan ko lang. Pero si bubwit ay nang-istorbo nang pagkakatukin kami ng sunud-sunod.

Pagkatapos niyon ay hindi na ulit ako nakipag*** dahil nawala na ako sa mood nang makitang nagagalit si Lara sa akin.

Nakokonsensya ako pero wala naman akong dapat ikakonsensya dahil wala namang kami.

Pero yung galit niya lang kasi na halata sa expression ng mukha niya ang nakapagpapakonsensya sa akin.

Pagpasok ko sa kwarto ay inayos ko ang kama at inalis ang mga kumot at unan para walang maamoy na proweba.
Nagtaka naman ang kasama ko nang mawalan na ako ng gana. Balak niya kasing sairin ako nang gabing iyon. Pumayag naman ako dahil medyo matagal na rin akong nagtiis.

Inihatid ko na si Lourdes pasado alas dose ng madaling araw kahit na damang dama ko ang pagod sa balakang at puson ko.

Pagbalik ko ay sa kwarto ko ako natulog. Bago ako dalawin ng antok ay naalala ko pa kung gaano kagalit si Lara. Nasampal niya ako. Unang beses iyon mga tol. Yung galit niya, unang beses din iyon na magalit sa akin ang babae ng sa ganung level.

May nagagalit sa akin kapag hindi ako sumisipot. May nagagalit sa akin kapag hindi ako pumapansin. May nagagalit sa akin kung hindi ko tinutuloy ang nasimulan. May nagagalit sa akin kapag hindi ko maalala ang kanilang pangalan. Pero first time na may magalit sa akin dahil nahuli ako sa ganoong ginagawa ko. Ang masaklap, nasampal pa ako.

Ibang klaseng babae yun. Maliit pero mapanakit.


TANGHALING tapat at nakaupo lang ako sa tapat ng lamesa sa counter. Wala ako sa mood dahil inaantok ako pero walang tatao dito sa harapan kung hindi ako papasok.

May klase naman kasi yung bulilit na iyon kaya hindi ako pwedeng matulog lang ng kalahating araw.

Humikab ako sa antok nang dumating siya. Hindi ako makatingin ng maayos sa kanya kaya yumuko ako at kunwaring nakatingin sa cellphone ko.

Pumasok siya sa kwarto niya.

Pagkaraan ng ilang saglit ay lumabas siyang naka uniform pa rin pero nakatsinelas na lang. May dala rin siyang baso ng tubig saka naupo sa tapat ng bakery at naghihintay ng bibili.

Hindi siya nakatingin at kumikibo.

Sumusulyap sulyap lang ako sa kanya.

Paano ko ba siya kakausapin? Magsosorry ba ako?

Teka? Bakit ako magsosorry? Sino ba siya?


“Kumain ka na ba?” hindi ko na napigilang kausapin siya.

“Uhhmm –hmmm,” tugon niya habng umiinom ng tubig at nakatingin sa cellphone niya.

Napatango lang ako.

Ano kaya ang susunod kong tatanungin?

“M-may bilin ba si mama?” tanong kong muli.

“Wala namang bilin para sayo,” saka niya inilapag ang baso at tumingin sa akin.
Kunwari ay nag-inat ako ng leeg para hindi makatingin sa kanya.

Ano pa kaya ang tatanungin ko?

“A-anong oras ka natulog kagabi?” tanong ko pero kunwari ay tumayo ako at binuksan ang ref.

“Pwede ba? Kung inaakala mong hindi ako nakatulog dahil doon, nagkakamali ka,” masungit niyang wika.

Kumuha ako ng isang boteng coke at inilapag sa tapat niya.

“Tinanong ko lang naman kung anong oras ka natulog ah,” saka ko binuksan ang coke na para sa akin.

Umirap lang siya dahil sa inis kaya ngumiti lang ako.

“Wala akong pambayad diyan,” tiningnan niya lang yung coke na ibinigay ko.

“Babayaran ko na,” ako.

“Ayaw ko ng mga bagay na galing sayo,” siya.

“Pero baby na galing sa akin gusto mo?” tinusok ko ang tagiliran niya gamit ang hintuturo ko.

“Ano ba? Tumigil ka nga,” hinawi niya ang kamay ko.

“Sorry na,” patuloy ako sa pagkiliti sa kanya.

“Itigil mo na kasi iyan,” hindi niya na mapigilang tumawa.

Nang ihinto ko ang pagtusok sa tagiliran niya ay bumalik sa kasungitan ang mukha niya.

Tumalikod siya sa akin at umirap.

Bwisit itong babaeng ito. Amazona.

Akma kong susuntukin o kukutusan ang ulo niya mula sa likuran nang bigla siyang lumingon. Muntik mahuli ang kamay ko kaya ngumiti ako.

“May dumi sa buhok mo,” palusot ko.

“Isinumbong na kita sa mama mo,” agad niyang sabi.

“Tapos?” hindi ako natatakot sa pananakot niya.

“Hindi ka nila bibigyan ng sahod,” napapangiti pa niyang sabi.

“Pagkatapos non,” ako.

“Wala kang panggala at pambabae,” inikot niya ang hibla ng buhok niya sa kanyang hintuturo at nakatingin sa kawalan.

Inaasar ba niya ako?

“Tapos pag wala akong pambabae?” ako.

“E di hindi ka na masaya. Panalo pa rin ako,” pumalakpak pa siya.

“Kaso pag nangyari iyon, baka ikaw ang magdusa,” sumandal ako sa stante at hinarap siya.

“At bakit naman ako ang magdudusa?” nagtataka siya.

“Pag hindi ko mailabas ang nararamdaman ko. Tiyak, magagahasa kitang bubwit ka,” naningkit pa ang mata ko para matakot siya.

Mula sa pang-iinis sa akin ay nagbago ang expression niya dahil sobra siyang nagulat sa sinabi ko.

Sa huli, panalo pa rin ako.

I am the man.




Sorry guys late update. Sunday ngayon hehe. Walang patawad ang mga readers ni Leo kaya nagsacrifice akong magsulat.

Sana magustuhan ninyo.

Tambay Pogi: Leo (Leonardo Del Monte)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon