Chapter Thirty Two

123 8 2
                                    

Chapter 32

"Kailan ka huling nagpakatanga sa pagpili? Kailan huling nagtalo ang puso at isip mo? Kailan ka huling nagsisi? Kailan?"

Lara

PAGBALIK ko sa kama ko ay natulog akong muli. Naramdaman ko naman siyang yumakap sa akin mula sa aking likuran.

Humahalik pa siya sa braso ko pero hinayaan ko na lang.

Hindi niya muna pwedeng malaman na nagdadalang tao ako kung sakaling kompirmado na. Hindi pa ako handa para dito dahil kasisimula ko pa lang sa trabaho ko.
Hindi pa rin ako handang sabihin kay nanay at sa mga kapatid ko at lalung lalo na kay Leo. Magiipon lang muna ako ng lakas ng loob para sabihin sa kanilang lahat at hindi pa iyon ngayon.

Kailangan ko munang makumpirma.

NAGISING ako mga bandang alas syete na ng umaga. Wala na siya sa tabi ko. Nagkusot ako ng mga mata at nagpusod na ng buhok. Inayos ko ang higaan saka ako lumabas ng kwarto.

Naabutan ko si nanay na nagkakape kasama si Leo. Nakapasok na siguro si Ate Chel at Kuya Jordan kaya wala na sila.

"Magkape ka muna kung wala ka pang ganang kumain," si nanay.

Parang sila ang mag-ina at ako ang hindi anak.

"Ipagtitimpla ba kita?" si Leo.

"Huwag na. Ako na," masungit kong wika.

"Sungit naman ang aga aga," komento ni nanay.

"Kaya ko naman po kasi," sabi ko saka ako tumayo.

"Ang sungit mo naman anak. Naglilihi ka ba?" alam kong pabiro ang tanong niya pero parang tinamaan ako.

Napatingin ako kay Leo na seryoso lang ang tingin sa akin.

Hindi ako sumagot.

"Leo anak, siguro mayaman kayo. Pasensya na sa tirahan namin ha? Mahirap lang kasi talaga kami," si nanay.

"Hindi naman po dapat bahay at estado ng buhay ang tinitingnan ng tao. Dapat kung sino yung nakatira," aniya.

Tssss. Paimpress kay nanay.
Padabog kong inilalapag ang mga lagayan ng kape at asukal matapos kong gamitin.

"Nak, wala pa tayong pambili ng mga bagong gamit. Huwag mo munang sirain," si nanay.

Halata niyang nagdadabog ako.

Pagkatimpla ko ng kape ay naupi ako sa tabi ni nanay para malayo sa kurimaw na ito.

"Nay, papayag po ba kayo kung sakaling mabuntis ko si Lara?" bigla niyang tanong n ikinalaki ng mga mata ko. Halos mailuwa ko ang kape sa bibig ko sa tanong niya.

"Basta ba pananagutan mo lang at aalagaan mo siya," hinawakan pa ni nanay ang mga kamay niya.

Helllooo. Andito po ako.

"Bakit, may ano na ba?" pinagdikit pa ni nanay ang dalawang daliri niya.

Tumango lang si Leo at parang nahihiya pa.

Nagtakip si nanay ng bibig.

Nagulat.

"Jusko. Kailan pa? Magkakaapo na ba ako ulit?" tanong ni nanay.

Kainis.

"Matagal na ho," nagkamot si Leo ng ulo.

"Anak, kailan ang huling dalaw mo?" bigla akong nilingon ni nanay.

Tambay Pogi: Leo (Leonardo Del Monte)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon