Chapter 25
"Kailan ka huling naguluhan sa pagpili mo? Mananaig ba ang tibok ng puso o ang sinisigaw ng isip mo?"
Leo
TINAWAG ko ang lahat ng mga tauhan sa bakery at sinabi sa kanila ang nangyari. Nabawasan ang nakasobreng pera na itinago ko sa may drawer. Nagtitiwala ako sa lahat ng tauhan ko pero hindi ko lang talaga inaasahan na ngayon pa ito nangyari.
Pero hindi ko rin inaasahan na iisa amg sagot nila sa tanong ko kung sino ang naiwang mag-isa kahapon at nagsara ng bakery.
Si Lara.
Imposible ito. Hindi ko ito lubos maisip na magagawa niya sa akin at sa amin.
Hawak hawak ko ang sentido ko habang nag-iisip kung paano ko ito sasabihin kay Lara o kung paano ko siya kakausapin. Hindi sa siya ang pinagbibintangan ko pero gusto ko lang din siyang tanongin kung ano ang side niya dito.
Pinabalik ko na ang mga tauhan ko sa trabaho nila at naiwan akong mag-isa sa harapan.
Gulung-gulo ang isipan ko sa mga nangyayari. Hindi ko na rin alam kung ano ang iisipin ko sa mga oras na ito.
Napakaimposible kasing si Lara ito. Inisip ko ang bawat saglit na kasama ko siya kahapon. Pagkasundo ko sa kanya ay nagtungo na kami sa kwarto niya at bandang hapon ko na lang siya iniwan sa bakery.
Ano kayang oras nangyari iyon?
Hhaayyysssttt. Naiinis ako sa sarili ko.
Buong umaga akong wala sa mood dahil sa pangyayaring iyon.
"Ser, ayos lang ba kayo?" tanong ni Lorena
"Oo ayos lang ako. Ikaw na muna ang bahala sa pagtitinda. May iniisip lang ako," sagot ko.
Nag-aalala ang halos lahat ng aking tauhan sa nangyari. Natatakot din silang mapagbintangan.
Kung sana hindi ko na lang talaga iyon iniwan sa may drawer hindi ito mangyayari. Ang tanga tanga ko lang talaga.
Nakakainis!
Lara
From: Mama
Nak, kailangan namin ng pera para sa kapatid mo. Hindi pa siya bayad sa huling semestre niya. Hindi na siya makakaenrol sa susunod kapag hindi pa bayad iyon.
NANG mabasa ko ito kaninang paglabas ko sa classroom ay hindi ko alam kung paano ako makakapagpadala sa kanila.
Halos magsasampung libo lang ang ipon ko at kailangan kong mag-iwan ng kaunti para sa mga projects ko. Hindi ito magkakasya dahil linggo linggo rin naman ako nagpapadala sa kanila.
Bigla akong napaisip.
Mayroon nga pala kaming students'loan na maaaring umabot hanggang 10,000 pesos. Maaari ko na itong pandagdag sa ipapadala ko sa kanila. Unti unti ko na lang itong banayaran.
Dumaan ako sa administration building at nag-apply na ako.
At dahil natyempohan ko ang paglabas ng pondo ng eskwelahan ay naaprubahan agad ang request ko. Kilala ko rin kasi ang tao sa accounting kaya napabilis na ito.
"Kay Dr. Del Monte na lang natin i-co-maker. Ako na lang ang magpapapirma sa kaniya nito. Pwede mo nang iclaim ang 10,000 pesos sa cashier's office sis," wika ni Jenifer.
Kabatch ko siya noong High School at mas nauna pa siyang nakapagtapos sa akin at nakahanap ng trabaho.
"Naku, salamat talaga," sagot ko.
BINABASA MO ANG
Tambay Pogi: Leo (Leonardo Del Monte)
RomantikFull Time: Panadero Part Time: Chickboy sa kanto Si Leo, isang binatang gwapo, habulin ng chicks dahil sa killer looks at higit sa lahat ay responsableng anak ng may-ari ng panaderya sa kanto ng Calle Adonis. Sa likod ng kakisigan at pagiging mabuti...