Chapter Eighteen
"May isang bagay ka bang ginawa na agad mong pinagsisihan?"
Lara
PARANG masisira na ang pintuan sa kakatadyak niya. Takut na takot ako sa kanya dahil para siyang nangangain ng tao. Panay ang mura niya dahil sa inis at pinaghalong sakit.
Hindi ko masisisi ang sarili ko at ang desisyon ko dahil paano nga kung anak niya iyon? Ganito ba ang magiging kwento ng first love? Ayaw kong ganito maging kasakit ang first love ko. May pangarap ako at hindi ganito. Kaya kahit pagsisihan ko ay dapat ko na itong putulin. Mas okay pa iyong dati. Sa malayo ko lang siya natatanaw at walang attachments.
Umiiyak ako habang naririnig kong nagwawaqla siya sa labas. Sorry dahil magiging ganito lang yung kalalabasan ng birthday niya. Nahihiya ako kay ma'am at sir. Pero hindi ko kasi mapigilang hindi maaktan sa narinig at nakita ko. Naaawa ako para sa bata dahil wala ring kaalam alam ito sa mga nangyayari.
Nakadama ako ng sakit para kay Leo pero wala akong magawa. Mas nananaig ang sinasabi ng isip ko na kailangan ko munang mag-aral at makatapos. Nandito ako sa poder nila para mag-aral at magtrabaho. Nakakalimutan ko ang realidad na iyon pala ang dahilan kung bakit ako nandito at malayo sa mga magulang ko.
Narinig kong may mga tao na sa labas at kumalma na si Leo. Ayaw ko siyang makita hindi dahil galit ako sa kanya kundi dahil babalik ang lahat sa akin kapag nakita ko ang mga mata niya, babalik yung pagmamahal ko sa kanya, babalik yung pananabik ko sa mga labi niya. Lahat.
Kanina pa lang nang yakapin niya ako ay gusto nang bumigay ng tuhod ko dahil sa kanyang sinseridad. Ramdam kong totoo siya, ramdam kong totoo yung sinasabi at nararamdaman niya pero napakabobo ko lang talaga sa unang pag-ibig ko. Ngayon pa at naibigay ko na sa kanya ang lahat? Ngayon pa talaga ako nag-inarte.
May time na gusto ko siyang pagbuksan at pabalikin sa akin, gusto ko siyang yakapin pero hindi ko magawa. Mahal ko siya pero hindi ko man lang magawang yakapin siya at ipaglaban siya sa tumatangging isipan ko.
Nagmukmok ako sa kwarto at hindi na lumabas pa hanggang maggabi. Nakakain naman na ako kanina at hindi ako makadama ng gutom. Binalak kong maligo dahil naiinitan ako. Kaya lumabas ako dala ang bihisan ko at ang aking towel. Dala ko rin ang lagayan ng sabon ko.
Pasado alas nwebe na ng gabi at tahimik na ang paligid.
Nagbukas ako ng ilaw sa may kusina at napaatras ako nang makit kung sino ang nandoon. Nakaupo siya sa may upuan sa harapan ng lamesa. Nakaharap sa kanya ang limang bote ng beer. Tatlo dito ang wala nang laman. Nakasampay sa balikat niya yung suot niyang damit kanina. Nakatsinelas na lang siya ngayon. At namulmula ang dibdib, leeg at mukha niya. Halatang tinamaan na siya ng iniinom niya.
Tiningnan niya ako mula taas at baba saka lumingon sa iniinom na beer. Ngumiti siya nang di kita ang ngipin.
"Di mo pa ako binabati ulit ah, hik," lasing na siya.
"Oyyy, bulilit, li-lika di-dito,' tinawag niya ako.
Hindi ako nagsasalita. Tinitignan ko lang siya. Gusto kong maawa.
"Ha-halika dito. Di-diba sabi k-ko s-sayo, lahat ng sasabihin ko, gagawin mo, hik," yumuko siya sa pagkakaupo.
"Mah-mahal mo naman ako diba?" lumingon siya.
Nakita ko ang mga sugat sa kamao niya. Sapat na iyon na dahilan para lapitan ko siya.
"Anong ginawa mo sa sarili mo?" agad kong hinawakan ang kanang kamay niya.
"Sshshhh. Hu-huwag kang maingay," para siyang bata.
Hinawak kong muli ang kamay niya na parang katatapos lang gamutin.
BINABASA MO ANG
Tambay Pogi: Leo (Leonardo Del Monte)
RomanceFull Time: Panadero Part Time: Chickboy sa kanto Si Leo, isang binatang gwapo, habulin ng chicks dahil sa killer looks at higit sa lahat ay responsableng anak ng may-ari ng panaderya sa kanto ng Calle Adonis. Sa likod ng kakisigan at pagiging mabuti...