Chapter Sixteen
“Nasubukan mo na bang masorpresa? Eh ang manorpresa? Paano kung sa kagustuhan mong sorpresahin siya ay ikaw pala ang masosorpresa? Kakayanin mo kaya?”
-Author
Lara
SUMUKO na ang Bantay Bata 163.
NALOOBAN na ng kalbong kawatan ang Perlas ng Silanganan.
NAPASOK na ng tuluyan ang Bataan.
An gaga aga pero pawis na pawis siyang humilata sa tabi ko. Tumutulo ang pawis niya sa mukha kanina mula sa basing buhok niya.
Dinahan dahan niya kasi kaya nagtagal. Dahil na rin sa matunog talaga yung kama ko. Naiinis siyang sumesenyas sa akin at natatawa naman ako.
Sa first time kong ito ay nakadalawa agad ako. May pananakit sa parteng iyon ng katawan ko pero pakiramdam ko ay inlalayan niya naman kaya hindi ko siya pwedeng sisihin.
Niyakap ko ang pawisan niyang tagiliran saka siya lumingon sa akin. Humihingal pa siya ng bahagya at taas baba rin ang dibdib niya.
Hinarap niya ako at yumakap siya sa akin saka ako hinalikan sa noo.
“Salamat,” bulong niya.
May gusto pa akong marinig pero hindi koi to idedemand mula sa kanya.
“Ikaw ang una ko Leo,” nakapikit akong nagsalita mula sa pawisan niyang dibdib.
“Alam ko at ramdam ko,” tugon niya.
“Ano na ang susunod?” tanong ko.
“Mamayang gabi na ulit. Baka may magising na sa kabila,” siya.
“I mean ano na ang meron tayo?” nag-aalalang tanong ko.
“Huwag mong apurahin ang lahat Lara. Darating tayo diyan. Gusto ko munang ma-enjoy natin ito. Unang beses sa akin ito kaya sana huwag mong ipagkait,” niyakap niya pa ako ng mahigpit.
“HHmmm, ang asim mo na agad,” reklamo ko nang tumapat sa akin ang kili kili niya.
Hindi naman talaga maasim. Actually namamawis lang pero natural lang yung amoy niya.
“Ang arte mo,” saka niya pa ako mas niyakap at sinubsob sa pawisan niyang katawan.
“Bangon na tayo. May mga gising na. Baka magtaka na sila,” sabi ko pa.
“Wala akong pakialam kung ano ang isipin nila,” saka siya bumangon at nagsuot ng pang itaas.
Nakita ko kung paano niya tanggalin yung nakabalot sa hukbalahap niya at umiwas ako ng tingin nang lumingon siya sa akin.
“May basurahan ka ba dito?” tanong niya.
“Itapon mo iyan sa malayo. Huwag dito,” sabi ko saka nagsimulang magsuot ng damit.
“Hindi na. Ibibigay ko na lang sayo. Itabi mo na lang. Remembrance,” tatawa tawa niyang sabi.
“Sira,” saka ako tumayo at nag-ayos ng higaan.
Nakita ko ang bakas ng nasira kong dignidad. Nasa bedsheet ito.
“Leo,” tawag ko sa kanya.
“Ohh,” tugon niya.
“Paano ito?” tanong ko.
“Ikaw na mismo maglaba niyan. Huwag mo sabihing ipapalaba mo iyan kay Aling Lusing? Makikita niya iyan,” sabi pa niya.
“Siguro mamaya na lang,” tiniklop koi to ng maayos saka inilagay sa basket.
“Magpunas ka nga muna ng pawis mo,” saka ko siya pinunasan ng pawis gamit ang tuwalya.
“Wow. Misis?” tanong niya.
“BAka anong isipin nila pag nakita ka nilang pawisang lumabas dito,” sabi ko pa.
“Bakit? E di sabihin kong nag exercise tayo. Nagpush-up ako ng 500 times pero nasa baba kita,” nakangiti pa siya.
Agad ko naman siyang tinampal ng tuwalya.
Tumawa lang siya sa akin saka ako biglang hinalikan sa labi.
“Nakakarami ka na ah,” nakakapit pa rin ako sa balikat niya.
“Birthday ko naman,” wika niya.
“Ano iyon? Pribilehiyo?” tanong ko.
“Hindi. Lab mo lang ako kaya dapat pagbibigyan mo ako sa lahat ng gusto ko. Kahit saan. Kahit kalian. Maliwanag ba iyon bubwit?” sabi pa niya.
Oo nga. Mahal ko na siya. Pero mahal ba niya ako?
“Labas na,” tinulak ko siya palabas.
“Dito ako ulit mamaya matutulog,” saka siya kumindat at tuluyan nang lumabas.
Kainis. Dinadaan mo ako sa pa-cute mo kaya ako bumibigay sayo ng ganyan.
Ene be yen. Nakekeenes ke!
Ayyy wait. Parang masyadong maharot iyon!
Inayos ko na ang mga nagulong parte ng higaan at saka ako kumuha ng damit pamalit dahil amoy pawis na ako. Magkahalong pawis at laway. Opo. Laway.
Kainis yun, ako ang inalmusal. Ang harsh niya lang.
Lumabas na ako para maligo. Pagkaligo ay dumeretso ako sa kusina at naabutan si Aling Lusing na naghahain na.
Tinulungan ko siyang maghain.
“Tinanghali yata kayo ng gising ah,” siya.
Kayo?
“Gising na po ba sila ma’am?” tanong ko.
“Hindi pa. Pero maya maya siguro,” si Aling Lusing.
Maya maya ay lumabas si Leo na nakabihis na ng pulang T-shirt at itim na shorts. Mukhang ang bango bango niyang tingnan.
Ang gwapo ng birthday boy.
“Hatiran mo na lang ako ng almusal sa bakery. Magbubukas na ako, labyu,” ngumuso pa siya dahil hindi niya ako magawang halikan sa harapan ni Aling Lusing.
Pero sure akong narinig iyon at nakita ni Aling Lusing. Nahiya naman ako.
Hmmm. Hahatiran ko pa talaga siya?
Saka siya naglakad paalis. Pinagmasdan ko lang siyang naglakad palayo.
“Alam mo hija, matagal na ako sa bahay na ito. Pero ngayong mga nakaraang buwan ay napakalaki ng pinagbago ng batang iyan,” komento ni Aling Lusing habang naglalagay ng mga pinggan sa lamesa.
Actually medyo matagal na rin ako sa bahay na ito pero hindi ako gaanong oriented sa mga lifestyle nila.
“Bad boy ba talaga iyon Aling Lusing?” tanong ko.
“Naku hija, sakit talaga ng ulo ng mag-asawa iyan dati. Akala nila ay nag-aaral, iyon pala ay hindi pumapasok,” sabi pa niya.
Tumango tango lang ako.
“sige na hija, ikuhanan mo na siya ng pagkain,” sabi ng matanda at binigyan ako ng plato.
Nilagyan ko siya ng kanin. Rice eater nag lalaking iyon kaya medyo puno ang pinggan niya. Tapos naglagay ako ng dalawang garlic longganisa at isang itlog. Nilagyan ko rin ng ketsup ang gilid nito. Saka ko siya ipinagtimpla ng kape niya. Nang magawa ko na ito ay nagsimula na akong maglakad.
Sakto namang kalalabas ni ma’am sa kwarto nila.
“Ohh, saan ka kakain hija?” tanong niya.
“Dadalhin ko po sa bakery. Dalhan ko raw po kasi si Leo doon ng pagkain,” sagot ko.
“Naku, nagpapababy ang anak ko. Hayaan mo na. Birthday niya naman,” nakangiti si ma’am.
“Hija, magluto tayo mamaya ng kaunting handa?” tanong niya.
“Sige po ma’am,” sabi ko.
Dinala ko na ang pagkain niya sa bakery.
Dumaan ako sa likod at may iilan nang nagsisimulang magmasa. Nasa harapan na rin si Lorena at nag-aayos ng mga bagong bake na tinapay.
Si Leo naman, ayun prenteng nakaupo sa pwesto niya.
“Ito nap o iyong pagkain niyo,” inilapag koi to sa harapan niya.
“Po?” tanong niya.
“Po,” sabi ko.
“Huwag mo na akong pinopo. Ngayon pa at nobya na kita,” malakas ang boses niya dahilan para marinig ni Lorena.
“sis, inom lang ako ng tubig,” sabi ni Lorena sabay nagmamadaling umalis.
Tawang-ngiti si Leo sa akin bago humigop ng kape niya.
Balak ba niyang isigaw sa buong Calle Adonis na kami na?
Tumalikod na ako at iiwan na siya nang tawagin niya ako.
“Hooy,”
“Ano?”
“Wala bang kiss?’ itinuro niya pa yung pisngi niya.
“Wala.” Saka ako tumalikod at naglakad palayo.
Kiss kiss ka diyan. Nakarami ka na. Mamaya na lang. Ayyyy. Sorry Self. I betrayed you.
Nang makarating na ako sa kusina ay kompleto na sila.
Naupo ako sa dati kong pwesto at nagdasal na si sir bago kumain.
“Birthday ngayon ng anak mo. Anong balak natin?” tanong ni sir kay ma’am.
“Maghanda na lang tayo ng simple. Sorpresahin natin siya. Huwag niyo muna siyang babatiin,” sabi pa ni ma’am.
Nabati ko na siya at nabigyan na rin ng gift. Paano ba iyan?
“Lara, huwag ka na palang tumulong sa pagluluto. Dalhin mo na lang si Leo sa bayan. Uutusan ko kayong mamili ng mga groceries para magtagal kayo doon. Ikaw na ang bahala sa kanya. Itetext kita kapag okay na,” sabi pa ni ma’am.
Abah. Millenial mag-isip si ma’am ha? Nagugustuhan ko na siya bilang manugang. Charot lang.
Nagplano na sila ng mga lulutuin. Kanya kanya na ng putahe para mabilis matapos. Pagkatapos kumain ay si Aling Lusing naghugas ng pinagkainan. Naghanda na rin ako para tumulong sa bakery.
Pagkasipilyo ko ay tumulong na ako sa pagtitinda. Maraming kakilala ang bumabati kay Leo habang bumibili.
Abah. Sikat din itong chickboy na ito.
MABILIS lumipas ang oras at nagtungo si ma’am sa bakery makapananghalian.
“Nak, bili naman kayo ng stock natin sa bahay. Gamitin mo yung kotse. Isama mo na si Lara,” saka niya iniabot ang susi kay Leo.
“Ma, birthday ko. Tsaka may lakad kami ni Lara. Ililibre niya ako. Ayaw kong maglagi sa grocery,” reklamo niya.
“Eh di magliwaliw muna kayo bago kayo mag-grocery. Hindi ko naman kayo inaapurang umuwi,” sabi pa ni ma’am.
Napakanatural ng pagpapanggap niya. At in fairness, hindi halatang nakalimutan niyang batiin ang anak niya sa kaarawan nito. Ang galing lang din niyang gumawa ng alibi.
“Lara, ito yung listahan anak. Dagdagan mo na lang kung may makita ka pang mahalaga na wala diyan sa listahan. Mag-iingat kayo ha?” sabi niya pa.
“Sige po ma’am,” sabi ko at inabot ang perang binigay niya.
Kinuha ko ang maliit na bag ko at ang kaunting ipon ko na gagamitin kong panlibre sa kanya. Bago ko ilagay sa bag ko ay binasa ko muna iyong nasa listahan. Sa pinaka baba nito ay nakasulat ang
Yung Dalawang Libo diyan sa extra, ibili mo siya ng regalo na magugustuhan niya. Huwag mong sasabihin na galing sa akin yung pera. Galing sa iyo iyan.
Natawa naman ako sa note ni ma’am. Pinunit ko ito para hindi makita ni Leo.
Ibinalik ko sa wallet ang ipon ko at naglakad na palabas. Wala na rin si Leo sa harapan kaya lumabas na ako.
Nasa labas na siya at naghihintay. Nakashades pa ang pogi habang nakatayo at hinihintay akong lumabas.
“Hi pogi,” bati ko sa kanya.
“Huwag mo akong utuin. Mamaya kang gabi sa akin bubwit,” saka niya ako pinagbuksan ng pintuan ng kotse sa harapan.
Hhhmm. Mamayang gabi na naman? Hindi pa nga ako nakakarecover.
Pagsakay ko ay naalala ko yung unang beses na ayaw niya akong pasakayin sa harapan. Naiinis talaga ako sa kanya noon. Nilait ba naman ang height ko?
Kapagkuway sumakay na rin siya at pinaandar ang sasakyan.
“Mag grocery na lang muna tayo bago mo ako idate,” sabi niya.
Well, ready naman ako sa sate portion na iyan.
Nagpark kami sa labas ng Puregold at lumabas na ako ng kotse.
Maglalakad na sana ako nang habulin niya ako.
“Saglit lang naman. Hintayin mo naman ang boyfriend mo. Ang liit mong tao ang bilis mong maglakad,” sabi niya sabay akbay sa akin.
Mas nagmukha akong maliit nang inakbayan niya ako.
Pumasok na kamisa Puregold at siya itong tagatulak ng cart at ako ang namimili ng mga ilalagay. Yung mga bagay na hindi ko maabot ay siya na rin ang umaabot. Abah abah, gentleman na rin siya ngayon ha?
Nang mabili na naming dalawa ang lahat ng nasa listahan ay nagbayad na kami.
Dinala na niya ang mga kahon sa likod ng sasakyan at saka kami sumakay sa kotse.
“So, ano na ang susunod?” tanong niya.
“Punta tayo sa mall,” sabi ko.
“Abah. May regalo ba ako?” tanong niya.
“Naibigay ko na yung regalo ko kanina pero sige, bibilhan pa kita,” sabi ko pa.
“Wow. Pero mas gusto ko yung un among regalo. Pagkatapos sa mall, sa hotel na ba?” natatawa niyang tanong.
“Sira,”
Mag-aalas kwatro na at wala pang text si ma’am sa akin.
Nasa mall na kami at pagkatapos bumili ng gift ay magmemeryenda lang kami bago umuwi. Sana lang ay handa na sila doon.
“SERYOSO ka?” tanong niya nang ipasukat ko sa kanya ang sapatos na napili ko.
Nasa World Balance kami ngayon ay gusto ko siyang ibili ng walking shoes.
“Oo nga,” sabi ko.
“May pera ka ba?” tanong niya.
“Ako pa? O ano, gusto mo ba? Kasi kung ayaw mo, magbabago na ang isip ko,” sabi ko.
“Syempre gusto ko. Galing sa iyo eh,” saka niya isinukat.
Bagay na bagay sa kanyang paa ang napili ko dahil bukod sa mabalahibo ito ay maputi at makinis pa.
“Wow, bagay na bagay,” sabi ko pa.
Tiningnan niya sa salamin.
“Oo nga ano. Isusuot ko na ito agad,” sabi niya pa.
Pagkabayad naming dalawa ay ipinabox niya ang suot niyang sandals at hindi na niya hinubad ang sapatos na binili ko.
Proud na proud pa siyang maglakad sab ago niyang shoes.
Nagtungo kami sa isang snack store at nagmeryenda na.
Habang nagmemeryenda kami ay nakatingin lang siya sa akin at nakangiti.
“Mamayang gabi na yung bayad nito,” sabi niya pa at taas baba ang kilay niya saka siya ngumiti.
Jusko. Mapapalaban ang Bantay Bata 163.
Nagtext na si ma’am kaya nag-aya na akong umuwi.
“Uwi na tayo. Baka naghihintay na sila,” sabi ko pa.
“Salamat dito ah,” sabi niya saka tumayo at inakbayan pa ako.
Naglakad kami na proud na proud pa siyang nakaakbay sa akin.
Ang gwapo lang ng jowa ko na nakashades pa kahit nasa loob kami ng mall.
MALAPIT na kami sa bahay at kinakabahan na ako.
Pagbaba niya ng kotse ay nasa labas si Lorena at may hawak na blind fold.
“Ano ito? Itotorture niyo ba ako?” natatawa niyang sabi habang tinatakpan ang mata niya.
“Hoy bubwit, akayin mo ako,” sabi niya kaya tumabi ako sa kanya.
Nakavideo naman si Paeng.
Dahan dahan ko siyang inakay at naglakad papasok sa loob ng bahay.
Handan a ang mga handa sa mesa at nagulat ako sa mga dekorasyong nakasabit. May mga balloons, may mga nakasabit na litrato niyang wacky at marami pang iba.
Handa na rin ang party pop na hawak ni sir at ni kuya Romeo.
Sa bilang ng tatlo ay tatanggalin ang blind fold. Ako ang magtatanggal.
“One, two, three,” sigaw ng lahat
“Happy Birthday,” sigaw namin.
Boooomm. Sabay pumutok ang party pop.
Niyakap niya ako ng mahigpit.
“Kasabwat ka dito ano?” sabi pa niya.
Tumango lang ako dahil nagsisigawan na sila ng
“uuuyyyyy,”
MASAYANG KUMAKAIN ang lahat ng btauhan at pamilya nang may pumasok sa pintuan na pamilyar na mukha.
May dala siyang cake na nakalagay sa malaking kahon at isang bote ng red wine.
“Hi. Late na po ba kami?” tanong niya.
Nakapula pa ng damit na may sulat na
Happy Birthday with Love ang babae at katabi nito ang isang batang lalaki.
Si Myra.
This is my second update tonight.
Thank you sa mga nagbabasa at sa walang sawang paghihintay.
God bless you.
BINABASA MO ANG
Tambay Pogi: Leo (Leonardo Del Monte)
RomanceFull Time: Panadero Part Time: Chickboy sa kanto Si Leo, isang binatang gwapo, habulin ng chicks dahil sa killer looks at higit sa lahat ay responsableng anak ng may-ari ng panaderya sa kanto ng Calle Adonis. Sa likod ng kakisigan at pagiging mabuti...