Chapter 34
"Pag nadapa ka, bumangon ka. Kapag nadapa ka ulit, syempre bumangon ka ulit. Kapag nadapa ka na naman, wala kang choice kundi bumangon. Kasi pag hindi ka bumangon, mananatili kang nakahandusay sa lupa. Paano ka maglalakad? Paano ka lalaban? Paano ka aahon? Kaya't tumayo ka. Bangon lang,"
Mema.
Leo
PAGKAKITA ko pa lang sa kanya mula sa salamin ay gusto ko nang pumasok at gisingin siya dahil parang napakaimposible lang na nakikita ko siya ngayong walang malay at tanging mg tubo lang ang sumusuporta sa kanya.
Ginawan na ng solusyon ng mga doctor ang nangyari sa kanya. Mula sa likod ng sasakyan ay nabunggo sila ng kotse na pagmamay-ari ng baguhang driver. Ayon sa report ay nagaaral pa lang itong magmaneho kaya naging peligro ang dulot ng kanyang katigasan ng ulo.
Inako naman ng may-ari ng kotse ang lahat ng gastusin sa dalawang pasyente.
Pero hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring hindi maganda sa mag-ina ko. Sana pala naghintay pa ako at hindi sumuko. Kung sana lang nalaman ko kaagad.
Agad kong tinawagan si nanay Gracia sa nangyari kay Lara at sa sobrang pag-aalala niya ay hindi niya na alam ang gagawin. Sinabi ko sa kanyang ako na ang bahala sa lahat ng gagastusin niya sa pagpunta dito.
Agad ding sumugod sa ospital si mama nang tawagan ko siya tungkol sa nangyari kay Lara.
Labis ang pasasalamat ko sa panginoon nang dalhin na siya sa recovery room. Pero hindi pa rin ako dapat maging kampante dahil hindi pa rin nagigising si Lara. Nagbigay ng palugit ang doctor na kapag hindi pa siya nagising ng at least dalawang linggo ay maaaring hindi na maganda ang kalalabasan nito. Maaari ring mawala sa amin ang bata.
Buong hapon akong nasa ospital. Pinauna ko na si Pareng Baste dahil kailangan niyang asikasuhin ang asawa niya. Si Mama ay umuwi muna saglit para kuhanan ako ng damit pamalit at pagkain.
Maya maya ay darating na rin si Nanay Gracia.
Nakaupo lang ako sa tabi niya habang hawak ko ang kamay niya.
"Mahal, kumapit ka... andito lang ako, mahal," bumubulong ako sa kanya.
Naaawa ako sa kanya sapagkat tanging tubo lang ang paraan para mapakain siya ngayon. Lupaypay ang mga kamay niya at wala man lang akong magawa para matulungan siya sa kalagayan niya.
ISA-ISA nang dumating ang mga dalaw. Si mama ang nauna na may dalang mga pagkain at susuotin ko. Dumalaw na rin sila Mareng Ruby kasama si Baste. Si pareng Macky na lang at si Amir ang hindi pa nakapunta dahil may trabaho at pasok pa.
Pero isa isa na rin silang umalis. Naiwan si mama at susunduin siya ni papa mamayang Alas otso ng gabi.
Mula sa pintuan ay iniluwa nito si Nanay Gracia na hinihingal pa.
"Anong nangyari anak?" agad siyang lumapit sa tabi ni Lara at hinawakan ang mg kamay nito.
"Sinabi mong mag-iingat ka anak at magiging maayos ang lahat pagdating mo dito," umiiyak na si nanay Gracia kaya't nilapitan ko siya.
"Patawad po," umiiyak na rin ako sa tabi niya.
"Hijo, hindi mo kasalanan ang lahat," hinimas niya ang balikat ko.
MATAPOS matitigan ni Nanay si Lara ay kumalma na rin siya at tumabi sa amin.
"Kayo ho siguro yung nakukwento ng anak ko sa akin. Maraming salamat po sa kabaitan ninyo sa anak ko. Ayaw po sana naming palayuin ang anak naming iyan pero gusto po talagang makatapos agad para makatulong sa amin ng tatay niya. Kaso hindi po namin kakayanin. Kaso lang po umuwi siya noong nakaraang buwan at nalaman niyang wala na ang tatay niya," umiiyak na naman siya kaya hinimas ko ang likod niya.
BINABASA MO ANG
Tambay Pogi: Leo (Leonardo Del Monte)
RomanceFull Time: Panadero Part Time: Chickboy sa kanto Si Leo, isang binatang gwapo, habulin ng chicks dahil sa killer looks at higit sa lahat ay responsableng anak ng may-ari ng panaderya sa kanto ng Calle Adonis. Sa likod ng kakisigan at pagiging mabuti...