Chapter 2
“Hindi lahat ng humahabol ay nananatiling naghahabol na lang. Hindi lahat ay nananatiling tanga pagkatapos mauntog sa katotohanan. Isang araw, pagtatawanan mo na lang yung realidad na nagkagusto ka pala sa frog prince. Hindi ang halik mo ang magbibigay sa kanya ng dahilan para maging prinsipe ng buhay mo. Humanap ka ng tao huwag palaka.”
–Author.
Lara
“ANG SAKIT NIYANG MAGSALITA,”
Nakayuko lang ako habang pinipigilan kong bumuhos ang mga luha ko. Pero sa sobrang sakit ng narinig ko ay hindi ko na talaga napigilan kaya tinakpan ko ang bibig ko upang hindi mapaiyak ng husto.
Ayaw kong makita niya ang mga mata ko kaya nanatili akong nakayuko.
“At pwede ba Lara? Hindi mga ganito yung tipo kong babae. Kaya sana itigil mo na iyan. Ayaw kitang saktan pero kung ipagpapatuloy mo lang iyang nararamdaman mo ay mas masasaktan ka,”
Nagpaulit ulit sa isip ko ang mga salitang nasabi niya.
Hindi ko naman sinasadyang gumawa ng bagay na hahantong sa kamaliang kilos sa tuwing nandiyan siya. Natataranta lang talaga ako. Hindi ko rin naman pwedeng turuan ang puso ko.
Hindi na siya nagsalita pa nang marinig ang mahinang hikbi ko. Imbes ay naglakad na siya palabas.
Nagtagal muna ako sa pwesto ko habang sa makarecover na ang puso ko. Pinunas ko ang mga luha ko at naglakad papuntang kwarto.
May dalawang kwarto sa lob ng panaderya at sa akin ipinagkatiwala ang isa sa mga ito bilang aking kwarto. Katabi lang ng panaderya ang malaking bahay ng mga Del Monte. Halos kadikit na nito ang kanilang kusina.
Dumeretso ako sa banyo ng kwarto at naghilamos. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at namumula nga talaga ang mga mata ko dahil sa pag-iyak.
“Makakamove-on din ako,” sabi ko saka naghilamos muli.
“Sira na ba ang buhay ko? NO,”
“Maiilang pa ba ako? NO,”
“Nawalan na ba ako ng dignidad?” NO,”
“Naubusan na ba ako ng kompyansa sa sarili? NO,”
Sunod-sunod kong wika.
Hindi lang siya ang lalaki sa mundo kaya bakit ko pa siya pag-aaksayahan ng panahon.
Lumabas ako at hinarap ang buong araw na parang wala lang nangyari.
“Oh Lara, saan ka galing? Hinahanap ka kanina ng kaklase mo,” biglang sabi ni Lorena na ngayon ay naglalagay ng mga bagong lutong tinapay sa stante.
Si Lorena ay mas nauna sa akin dito pero uwian siya. Mas matanda ako ng ilang buwan sa kanya kaya kung magturingan kami ay parang magkaedad na talaga. Siya lang ang tanging kaclose ko dito. Halos lahat na kasi ng nagtatrabaho dito ay matatandang babae na gamay na ang halos lahat ng gawain sa masahan. May mga lalaki rin naman pero ang ilan ay may pamilya na. Kaya madalas ay nandito ako sa may harapan at nagtitinda.
“Sino raw?” tanong ko habang nilalagay muli ang aking hairnet.
“Lalaki na maputi at may dimples. Gwapo, matangkad,” depinisyon niya.
“Sis, hindi ko tinatanong kung anong hitsura niya,” paglilinaw ko habang isa isang sinalansan ang mga toasted mammon.
Pero alam kong si Adrian ang tinutukoy niya dahil sinabi niyang dadaan siya dito para i-abot ang hiniram niyang mga libro ko sa Mathematics.
“Adrian daw. Sabi ko naman baka nagbibihis. Kaya kinuha ko na lang yung binigay niya,” sabi niya at isinara ang stante.
“Saan mo inilagay?” tanong ko naman.
“Sa may ibabaw ng cabinet sa malapit sa masahan,” siya.
Nagpatuloy na ako sa paggawa ng trabaho ko. Nakaupo lang si Leo sa may counter habang nagcocompute ng kung anu-ano.
Hindi ko siya tinitingnan dahil ayaw kong isipin niyang sobra akong naging affected sa mga nasabi niya.
Hindi mga ganito yung tipo kong babae…
Para akong nabibingi sa paulit-ulit na mga salita niyang pumapasok sa utak ko.
Napapailing na lang ako.
“Lara, paabot naman ako ng calculator diyan. Hindi na gumagana ito eh,” maya maya ay wika niya.
Walang kibo akong naglakad at ibinigay sa kanya ang calculator.
Tumalikod naman ako agad.
“Sis, may kakilala akong magaling maggupit at mag-ayos ng buhok. Gusto mo bang magpaayos tayo? Naku mas maraming bibili pag nakita nilang magaganda ang tinder,” maya maya ay wika ni Lorena.
Maganda si Lorena. Mahaba rin ang buhok niya pero hindi pa ito nakararanas ng rebond dahil halatang virgin pa ang hair strands niya. Ako rin naman ay natural pa ang buhok ko. Sobrang haba na nga eh.
Maya maya ay biglang nagsalita ang damuho na nakaupo sa counter.
“Tinapay ang bibilhin nila. Hindi kayo,” hindi siya nakatingin pero alam kong naiinis siya sa mga naririnig niya.
“Naku naman serr, siyempre pag maayos ang tinder mas maraming titingin at bibili,” wika pa ni Lorena.
“Yung tinapay natin ang kakainin nila, hindi kayo,” mababa pa rin ang boses niya.
“Sige sis, subukan natin iyan. Try natin sa Friday ng mga bandang hapon pagkagaling natin dito,” sinadya kong lakasan ang boses ko para mas mairita siya.
Well, For Your Information Mr. Damuho, hindi ako sumusuko ng ganun ganun na lang. Hintayin mo ang bagsik ng dalagang virgin. Ako lang naman yung binasted mong hindi pa nanliligaw sayo. Humanda ka talaga sa akin.
Nagbabanta ang mga tingin ko. Sa isang saglit ay mawawasak na lang bigla ang puso niya kapag nahulog siya sa akin.
Tinitigan ko pa siya sabay evil smile.
“Ano?” bigla niyang tanong.
“Wala po,” bumalk ako sa tama kong pag-iisip at normal na galaw.
Ilang araw akong playing foreign sa kanya. Gusto kong bigyan ng distansya ang pagtingin ko sa kanya. Ayaw kong magmukhang nagmamakaawa para lang mabigyan niya ng atensyon. Ayaw kong magmukhang isa sa mga chicks niyang naghahabol. Tulad nga ng sabi niya, hindi tulad ng ganung klaseng babae ang gusto niya.
But take note, ginagawa ko ito hindi para magustuhan niya ako pero para sa akin. I want to change. I want a real transformation. Hindi naman masamang magbago ng hitsura, basta panatilihin ang magandang kalooban.
So, pagkatapos ng trabaho namin ni Lorena noong Friday ay dumeretso kami sa kilala niyang parlorista. Bukas pa ito hanggang alas otso kaya natsempuhan naming wala na gaanong customers.
Ako ang unang inayusan ng bakla niyang kaibigan.
“Naku mare. Ang virgin ng buhok mo. For sure, virgin ka rin na gaya ko,” maeksenang sabi ng bakla.
“Hoy Ashley, pagandahin mo iyang friend ko ha. Para naman magkajowa na,” sabi ni Lorena habang naupo sa tapat ng salamin at tiningnan ang sarili.
“Ano k aba. Maganda na siya. Mas pagagandahin lang natin. Wait and see,” hinawi ng bakla ang mahaba niyang buhok at sinumulan akong itransform.
One, two, three…
“Perfect. Beautiful,” komento ni Ashley pagkatapos niya akong ayusan.
Kinulayan niya ng dark brown ang buhok ko, ginupitan ng bahagya at kinulot kaya ang buhok kong hanggang baywang noon, ngayon ay hanggang dibdib na lang.
“Woooow. Sis, ikaw ba iyan?” tanong ni Lorena.
“Hindi rin ako makapaniwala,” namamngha ako sa sarili ko.
Maganda pala ako? Actually alam ko, pero hindi ko lang talaga pinapansin.
Ngumiti ako at pumalakpak pa ang dalawa.
“Naku mare, kinulang ka lang talaga sa height. Isasali sana kita sa Ms. San Lorenzo kung nagkataon,” wika ng bakla.
“Bakit may height requirement ba?” tanong ni Lorena.
“Arue. 5’4” ang minimum. Eh si ate girl mukhang 5 flat lang. Pang little miss Philippines ka ‘te. Pero pretty ka ha,” sabi pa niya.
Natatawa naman ako.
“Hanapan mo na lang siya ng jowa,” wika ni Lorena.
“Isa na nga lang jowa ko, ibibigay ko pa sa kanya,” umirap ang bakla.
“Sino ba? Si Amir?” chumika talaga si Lorena.
“Huwag kang maingay. Pero oo. Gusto mo ipareto ko kayo sa mga barkada niya? Equally gifted lahat sila mga mare. Lalo na yung Arc at Leo. Mga ganung klase ang bet ng lola niyo. Bad boy looks,” dagdag pa nito.
Ttttsss. Leo?
“Si Sir Leo ba? Anak ng amo namin?” paglilinaw ni Lorena.
“Siya nga,” sabad ko.
“Sa wakas nagsalita ka,” tinapik pa ako ng bakla.
“Hhhmmm. Pangkaraniwan lang ang looks niya ano. Saka masyado siyang masungit para sa tulad nating magaganda,” komento ko.
“Abah, Ashley, may inilagay ka bang gamot sa ulo ng babaeng ito?” tanong ni Lorena.
“Wiiit. Sadyang mas gumanda lang ang ate mo kaya naging confident. Look oh, pak,” tiningnan pa nila akong dalawa.
NANG matapos maayusan ni Ashley si Lorena ay naggroufie pa kaming tatlo.
Gumanda rin talaga si Lorena. Mas matangkad siya sa akin ng kaunti. Mas maputi siya at mas sexy. Pero magkaiba lang kami ng charactersitics. Medyo morena ako, papunta sa chubby ang pangangatawan ko na hindi naman din gaanong kapayatan at medyo maliit. Inaamin kong hindi ako gifted sa height pero at least malaki naman ang puso ko.
Pagkauwi ko ay nakasara na ang bakery at pumasok ako mula sa pintuan sa likod at nagsimula nang tumulong sa paghahain ng hapunan ng pamilya Del Monte.
Hindi ako sumabay sa hapunan dahil nahihiya pa ako sa hitsura ko. Baka makita ako ni Leo. Pero nakita na ako ni ma’am. Actually hindi niya talaga ako nakilala.
“Anong sumapi sayo at sobrang gumanda ka nak?” gulat niyang tanong nang makita niya ako sa kusina.
“Ma’am sinubukan ko lang po,” nahihiya ako.
Anaka ng tawag niya sa akin. Sa katunayan ay napakabait ni ma’am. Strikta lang talaga siya sa loob ng klase pero talagang mabait siya.
“Bumagay sa’yo. May boyfriend ka na ba?” tanong niya.
“Naku ma’am, wala po,” ako.
“Naku anak, pagkaraan ng ilang araw ay dadagsain ka na niyan at ang bakery pag nakita ka nilang ganyan kaganda,” hinawakan pa niya ang balikat ko.
Napangiti na lang ako.
Pagkatapos kong kumain kasama sila Aling Lusing, kasambahay nila ay pumasok na ako sa kwarto ko sa bakery. Pagkatapos kong magshower ay tiningnan kong muli ang sarili ko sa salamin.
Oo nga. May pinagbago ako.
Kaya’t naghalungkat ako ng mga damit kong maaari kong gamitin. Yun bang babagay sa buhok ko. Hindi naman mga bago ang mga damit ko pero at least ay maayos pa naman.
Sabado bukas kaya whole day akong tatao sa bakery.
Pagkaraan ng ilang minute ay nakatulog na rin ako sa kama.
-----------------------------
Leo
SABADO
Mag-aalas siyete na ako nagising dahil napuyat ako sa inuman naming kagabi ng mga barkada ko. Ang pangit kasing umiyak ni pareng Baste dahil ilang araw nang di bumabalik si Ruby. Kaya dinamayan namin siya sa pag-inom.
Bumangon ako at naligo. Pagkatapos ay nagbihis na ako at pumunta sa kusina para mag-almusal. May nakatakip naming ulam sa lamesa kaya kumain na ako.
Pagkatapos ay nagsipilyo na ako at naglakad papuntang bakery.
Sa harapan ako dumaan. May mga kasamahan na kaming nagsisimlang magmasa at magtrabaho. May tumao na rin sa counter, si Lorena kaya okay lang kahit nahuli ako.
“Hello serr. Andyan ka na pala. Ako muna ang tumao sa counter kanina,” wika ni Lorena at tumayo na mula sa kinauupuan niya para ibigay sa akin ito.
“Salamat naman,” ngumiti ako ng bahagya.
Teka, may bago. Nag-ayos siya o nagpaayos siya. Nagbihis din siya. Ayos ah. Umaasenso ang mga tao dito sa panaderya.
Pagkaupo ko ay bumalik na si Lorena sa pag-aayos ng mga bagong bake na tinapay sa stante.
Nag-aayos ako ng mga resibo sa lamesa nang lumabas mula sa masahan si Lara. Naka apron pa ito at nakahairnet.
Pero pansin kong may bago sa kanya. Hindi ko pinahalatang nakatingin ako.
“Sino muna ang tatao dito kasama ko?” simpleng tanong ko.
“Si Lara po. Papalitan ko naman siya sa loob,” sagot ni Lorena.
Nagtanggal ng hairnet si Lara at apron saka isinabit sa sabitan.
Simple lang akong tumitingin pero kitang kita ko na nagbago nga talaga ang hitsura niya.
Nanibago ako kasi mas gumanda siya.
Para hindi niya mahalatang masyado akong nabigla ay kinausap ko siya, pero hindi ako nakatingin sa kanya. Kunwari ay nagsusulat ako ng kung ano sa isang papel.
“Ano ang kasalukuyan nilang minamasa?” ako.
“Para p iyon sa hopia,” simpleng sagot niya.
Tumalikod siya bigla. Hindi tulad ng dati na nag-aantay pa siya ng susunod kong sasabihin bago siya tumalikod.
“Hi Miss. Gumnda ka lalo ah. Mas maraming bibili niyan kung ikaw ang magtitinda,” sabi nung customer sa tapat.
Huh. Huh. Naubo ako ng mahina.
Gumanda? Saang parte? Pinaayos lang ang buhok eh.
Natatawa na lang ako.
“Salamat po,” wika niya.
Tsk. Nagpasalamat pa. Akala niya totoo.
“Pabili naman ako ng 50 pesos na cheese bread,” yung customer.
Nang maibigay na niya ang binili nito ay iniabot niya sa akin ang isang daan.
“50 pesos po ang sukli,” sabi niya.
“Alam ko,” hindi ako nakatingin sa kanya.
Saka ko inabhot ang 100 at pinalitan ng 50.
Habang nagreresibo ako ng mga delivery orders ay may bumili pang parang kakilala niya.
“Uyyyy, Lars, ikaw ba iyan?” wika ng lalaking may kaputian.
“Haha. Oo Adrian. Sinubukan ko lang magpaayos. Akala ko nga magsisisi ako,” magiliw na sabi niya.
“Naibalik ko na yung libro mo nung isang araw. Thank you pala,” titig na titig sa kanya yung lalaki.
Tsk. Ang aga aga, dito pa naglalandian. Nakakabadtrip.
“Bibili ako ng pandesal. 40 pesos,” sabi nung lalaki.
“Gawin mo nang 50 para di na ako magsukli,” natatawa pang sabi niya.
“Ikaw talaga. Kung hindi ka lang gumanda hindi ako papaya,” yung lalaki.
Sabagay, kikita ang bakery sa strategy nitong bulilit na ito.
Saka umalis yung customer. Lumapit siya sa akin at iniabot ang 50 pesos.
Bago siya makatalikod ay nagsalita ako.
“Bawal ang pakikipaglandian sa customer pag nandito ako,” sabi ko pero di pa rin nakatingin sa kanya.
“Hindi ako malandi at hindi ako nakikipaglandian. Kaklase ko iyon at walang malisya ang lahat sa amin,” abah at sumasagot na ang bubwit.
Tiningala ko siya at nahuli ako ng mga mata niya.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nataranta ako.
Gumanda nga siya. Inaamin ko.
“Ga-ganun ba? Mabuti na yung sigurado,” yun lang at nagpatuloy ako sa pagreresibo.
Tumalikod na siya at naupo sa tapat ng stante.
Maya-maya ay dumating si pareng Arc. Bibili rin.
“Wow. Bago ka dito? O bagong mukha lang talaga?” gulat din siya sa bagong mukha ng kasama ko.
“Ikaw talaga kuya. Ano bibili ka ba o mambobola?” abah at close din sila ng barkada ko?
“Pareho. Bale bibili ako ng kwarentang monay,” sabi pa niya.
“Marcus. Buti naman at nagising ka pa sa kalasingan kagabi,” batik o sa kanya mula sa kinauupuan ko.
“Gago. Ako uurong? Alak lang iyon. Si Baste ang tanungin mo,” natatawa niyang sabi.
Natawa na lang ako at nagpatuloy sa ginagawa.
Pagkaraan nito ay may bumili naman na halos ayaw siyang tantanan.
“Miss, pabili ako ng isang daang piraso ng hopia. Tapos singkwenta sa pandesal. Lima na rin sa cassava cake at bente sa monay,” customer.
Hindi niya alam kung alin ang uunahin niya kaya tumayo na lang ako.
“Ako na sa iba. Kumuha ka na lang ng bagong pandesal sa loob,” utos ko na agad naman niyang sinunod.
Pagkabigay ko sa lahat ng order ay naupo akong muli. Iniabot niya sa akin ang eksaktong bayad.
“Ahm miss. Baka naman pwedeng kunin number mo? Para matext kita kung sakaling magpapadeliver ako,” sabi pa nung lalaki.
Hindi ko muna sila pinansin.
“Ah boss, may number po yung bakery namin jan sa tapat. Isave niyo na lang po,” sagot niya.
Good. Sabin g utak ko.
“Mas okay kung yung number mo para mabasa agad,” pangungulit ng lalaki.
“Naku. Hindi po ako nagseselfon gaano pag andito ako sa bakery. Hindi ko po mababasa,” sagot niya.
Huh. Hindi nagseselfon ha? Kaya pala nahuli kitang kinukunan ako ng litrato.
“Sige na miss,” yung lalaki.
Nag-init ang ulo ko kaya tumayo ako.
“Boss, bawal kasing kunin ang numero ng mga tauhan namin dito. Kunin niyo na lang yung numero diyan sa tapat. Mahigpit pong pinagbabawal sa bakering ito ang paglalandi sa mga tauhan namin. Kaya kung pwede sana ay huwag na ninyo siyang kulitin,” mahinahon kong sabi.
Nagulat naman silang pareho at yung lalaki ay walang kibong naglakad paalis.
“Matuto ka ngang lumaban. Walang magagawa iyang kahinahunan ng pananalita at mga salita mo sa mga oportunistang tao,” nakakunot ang noo ko na nakaharap sa kanya.
Hindi na tulad ng dati na nakayuko siya habang kinakausap ko. Hindi na tulad ng dati na magkahawak ang mga kamay niya at pinipisil ang mga ito dahil sa nerbyos. Hindi na tulad ng dati na ayaw niyang magtama ang mga mata naming dalawa.
Ngayon, nakatingala siya. Nakatitig sa mga mata ko. Lumalaban sa mga mata ko.
“Maliwanag ba?” dagdag ko.
“Okay,” saka siya tumango tango.
Bago siya tumalikod ay nagsalita pa ako.
“Lara,”
“Po,” lumingon siya.
“Okay yan,” wika ko.
Nagtaka siya sa sinabi ko.
“Ang alin po?” siya.
“Iyan,” itinuro ko siya mula ulo hanggang paa.
Natawa siya.
Unang beses ko siyang nakitang tumawa sa harap ko.
“Ibig kong sabihin, ayos iyan para makahikayat ka ng customer,” pag-iiba ko ng konteksto.
Leonardo. Huwag kang pahahalatang nagustuhan mo ang pagbabago niya. Kundi patay kang bat aka.
“Okay po. Salamat,” ngumiti siya sa kin saka hinawi ng bahagya ang buhok niya.
Paktay kang Leonardo ka. Masama ito.
Tumalikod na ako.
Pero tinawag niya ako.
“Boss Leo,” unang beses niya akong tinawag na boss at sa pangalan ko.
Lumingon ako.
“Ops,” medyo umiwasa ko ng tingin.
“Salamat po ulit,” nakangiti siya ng maluwag.
“Wala iyon,” tatalikod n asana ako pero…
“Saka po ang pogi niyo po sa suot niyo ngayon,” dagdag niya pa at tumalikod na sa akin.
Tiningnan ko ang sarili ko. Nakasuot ako ng pulang t-shirt at maong na shorts.
Normal naman akong tingnan. Napangiti ako pero--- binawi ko kaagad.
Masama ito.
Magsisimula na po ang Love-Hate moments. Stay updated.
Salamat po sa pagbabasa.
BINABASA MO ANG
Tambay Pogi: Leo (Leonardo Del Monte)
Roman d'amourFull Time: Panadero Part Time: Chickboy sa kanto Si Leo, isang binatang gwapo, habulin ng chicks dahil sa killer looks at higit sa lahat ay responsableng anak ng may-ari ng panaderya sa kanto ng Calle Adonis. Sa likod ng kakisigan at pagiging mabuti...