Chapter Twenty Nine

123 8 3
                                    

Chapter 29

"Kapag nadapa ka, natural lang sa na tatayo ka at papagpagin ang dumi na kumapit sa damit o balat mo. Kapag nasugatan ka, natural lang din na gamutin mo ito para gumaling. Ganun din naman sa buhay, walang ibang gagawa ng paraan para maitama ang lahat kundi ikaw. Maaaring may tumulong sayo, pero ikaw at ikaw lang ang makakagawa nito para mabigyang solusyon ang problema mo."

-Author

Leo

MAGHAPON akong nagtrabaho sa bakery. Itinuon ko ang isip ko sa pagpapakaabala sa mga gawain. Nagmasa ako, nagtimpla at nagbantay sa tindahan.

Sumasagi sa isip ko ang mga alaala ni Lara sa tuwing nakikit ko ang pasilyo papasok sa kaniyang kwarto. Nakikita ko rin ang mga alaala naming dalawa sa kusina, sa banyo kung saan niya ako pinaliguan at sa masahan na kung saan niya ako laging pinagmamasdan na siyang ikinaiilang ko noong una. Dito ron siya nakapagdulot ng iba't ibang kapalpakan sa tuwing inuutusan ko siya.

Alas kwatro pa lang ay nagsara na ako ng bakery. Usapan kasi namin ni pareng Macky kanina na mag-iinstall siya ng CCTV pasado alas kwatro para medyo maliwanag pa.

Pinili naming wala ang mga tauhan para hindi nila malaman na naglagay na kami ng cctv sa bakery.

Maliit lang ang mga ito kaya hindi ito agad mapapansin. Inilalagay ang ilan sa mga ito sa may bumbilya para hindi mahalata. At ikinoconnect sa cellphone para kahit saan ay makita ko kung ano ang nangyayari sa loob.

Isa ang inilagay namin sa may harapan ng bakery. Isa naman sa loob na nakatapat sa kahera, isa rin sa kusina, masahan at sa pasilyo papasok sa mg kwarto.

Mag-aalas syete na nang matapos kami sa pagkakabit. Eksperto si Pareng Macky sa mga ganitong gawain kaya siya lagi ang tinatawag ng lahat sa mga ganitong sitwasyon.

"Ayan, mahuhuli na ang nagnakaw sayo. Hindi pa man siguro ngayon pero tetyempo iyon kapag malamig na ang sitwasyon," aniya.

May tama si Pareng Macky. Kaaalis lang ni Lara at hindi ngayon sasalakay ang magnanakaw. Pero mabuti na ang maging handa.

"Meryenda ka muna tol," alok ko sa kanya.

"Naku hindi na. Maghahapunan na rin naman mamaya," tanggi niya.

"Oh heto oh," iniabot ko sa kanya ang isamg libo.

"Huwag na. Para namang hindi tayo magkaibigan," tanggi niyang muli.

"Iba ang serbisyo pag trabaho ang usapan," ako.

"Pag tinanggap ko iyan, huwag mo na akong tatawagin sa susunod," siya.

"Tsk. Bahala ka nga. Salamat," ako.

"Tubig na lang," aniya sabay nag-ayos na ng mga gamit niya.
Saka ako kumuha ng tubig sa ref at binigyan siya nito.

"Nasaan na ngayon si Lara?" tanong niya pagkaabot ng tubig.

Alam na rin pala niya na wala si Lara.

"Ang sabi niya sa sulat ay uuwi na raw siya sa kanila," sagot ko.

"Wala ka bang balak habulin?" tanong niya pagkainom ng tubig.

"Binibigyan ko muna siya ng panahon para mag-isip," wika ko.

"Sabagay mabuti na rin para mamiss ka rin niya. Ganyan yata talaga pag nagmahal tol. Langya, ampangit mo magmahal," sinuntok niya pa ako sa balikat.

"Pangit ba?" tanong ko.

"Ayaw ko na magmahal. Ang pangit pala," natatawa niyang sabi.

Katulad ko ay wala siyang kaseryosohan sa babae. Nagkaroon man siya ng mga karelasyon ay hindi ito katulad ng kay Baste na seryosohan lahat.

Tambay Pogi: Leo (Leonardo Del Monte)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon