Chapter Fourteen

132 8 5
                                    

Chapter Fourteen

“Kailan ka mas naging sure sa pagmamahal mo sa kanya? Anong palatandaan para masabi mong siya na yung pangarap mo?”

Leo

SA LAHAT ng pinakabadtrip na nangyari sa akin ay yung makukuha ko na yung gusto ko, may umistorbo pa. Bwisit.

Pinagalitan ko ang kapatid ko dahil kaya naman niyang buhatin ay sa akin pa niya iniasa. Nakakabwisit. Ang sakit na naman ng puson ko. Kailangan ko nang ilabas ito sa lalong madaling panahon.

Nakasimangot ako nang binuhat ko ang mga maleta ni papa. Bumati siya pero hindi ako pumansin. Sobrang badtrip ko lang. nakatutok na eh. Nandoon na eh. Bwisit lang mga dre.

Pagkalapag ko ng mga iyon sa kwarto nila papa ay naglakad na ako ulit pabalik sa kwarto ko. Binuksan ko ang pintuan at nakita kong patapos na si Lara sa pag-aayos ng mga damit ko. Naglock ako ng pinto at naglakad papalapit sa kanya.

Tiningnan niya lang ako. Nagtanggal na ako ng pang-itaas at nagulat siya.

“Bakit?” tanong niya.

“Anong bakit? Hindi ba’t sabi ko babalikan kita?” ako.

“Tama na muna Leo. Marami pa tayong aayusin oh,” reklamo niya.

“Mabilis lang ito. Dali na kasi. Hubad na Lara,” napipikon na ako sa sobrang pagpipigil.

“Wag na muna kasi,” pumadyak pa siya.

“Dali na kasi,” saka ko siya ihiniga sa kama.

“Wala na ako sa mood,” pumiglas siya.

“Hindi mo kailangan ng mood,” hinabol ko pa siya sa kabilang bahagi ng kama.

“Ayaw ko na. Natatakot ako baka may pumasok,” siya.

“Nakalock na,” ako.

“Baka may tumawag ulit,” siya.

“Hindi na natin sasagutin,” ako.

“Bukas na lang,” siya.

“Hindi ko na kayang ipagpabukas, kainis,” nilamukos ko ang mukha ko.

“Pigilan mo,” sabi niya.

“Hindin ko na nga mapigilan Lara. Hubad na kasi,” nagmamakaawa na ako.

Para na akong batang inagawan ng candy dahil sa halu-halo na ang nararamdaman ko. Naiinis, napipikon, nabibitin, nag-iinit… lahat na.

“Ayaw ko na kasi. Hindi na tulad ng kanina,” nasa kabilang parte siya ng kama at akma ko siyang lulundagin mula sa kabila nang makatakbo siya.

“Ang daming arte. Gusto mo rin naman. Natatakot ka lang,” hinabol ko siya.

“Ayaw ko na kasi,” reklamo niya nang makorner ko siya sa pader.

Para siyang nakakaawang daga na nakorner ng pusa. Bigla naman akong nakonsenysa kaya hinayaan ko siya.

“Safe naman na kasi. Bakit ayaw mo na agad?” napipikon talaga ako.

Naupo ako sa gilid ng kama saka tumingin sa kanya.

“Hindi na nga kasi ako handa. Tsaka nadala lang ako kanina,” nakasimangot siya.

“Bahala ka, maghahanap ako diyan ng ibang paglalabasan ng init ng katawan,” tumingin pa ako sa bintana.

“Eh di go. Maghanap ka na,” saka siya nagsimulang maglakad sa harapan ko at ipagpapatuloy ang paglilinis.

Tiningnan ko lang siya.

“Lara naman kasi. Sige na oh,” wala na. Natuluyan na ako.

“Hindi ko na nga kasi gusto,” sinigawan niya ako.

“Bahala ka nga. Pag ikaw nagrequest hindi kita pagbibigyan,”m tumayo ako saka ginulo ulit yung inayos niyang mga damit ko.

“Hindi naman ako nagrequest ah. Bakit mo ginugulo iyan? Tapos ko nang ayusin ang mga iyan eh. Kainis,” pinuntahan niya ako sa tabi ng aparador.

“Yung bayad ng libro akin na,” kunwari ay sabi ko.

“Akala ko ba bukal sa loob mo iyon? Hayaan mo ibabalik ko mamaya,” sabi pa niya saka inayos ulit ang mga ginulo ko.

“Pumayag ka na kasi,” hinawakan ko pa ang siko niya pero tinanggal niya ang kamay ko.

Kainis itong bubwit na ito. Gahasain ko kaya.

“Leo, please tama na,” siya.

Nakaisip ako ng magandang idea para makaganti.

Agad ko siyang binuhat saka ko siya ikinulong sa loob ng cabinet.

“Leo ano ba?” sigaw niya.

“Hindi kita palalabasin diyan kapag hindi ka pumayag bubwit ka,” tinulak ko pa ang pinto ng cabinet saka inilock ito.

“Ang dilim dito oh. Para kang bata. Leo,” kumakatok siya pero hindi ako umiimik.

“Leo,” sigaw niya.

“Huwag mo sabihing iniwan mo ako?” siya.

Hindi ako nagsasalita.

Tttsss. Kainis ka kasi. Iyan napala mo.

“Leo. Natatakot na ako dito oh,” nakikiusap siya.

Kunwari wala akong naririnig.

“Mamaaaaa,” sigaw niya.

Tttsssss. Para siyang bata.

“Uyyyy. May tao ba diyan?” siya.

Hindi pa rin ako kumikibo.

Hanggang sa ilang minuto na ay wala na siyang kibo. Wala na ring kumakatok sa loob.

Hmmmm. Umaarte lang iyan.

Tinadyakan ko yung cabinet.

“Hoy,” sigaw ko.
Pero wala siyang kibo.

“Hoy bubwit,” tinadyakan kong muli ito.

Tsk. Ano na kaya nangyari sa kanya?
Dahan dahan  kong binuksan ang cabinet at nakita kong nakatalungko siya at umiiyak.

Bigla namang parang nanlambot ang puso ko.

Lumuhod ako at niyakap ko siya pero tinulak niya ako.

Lumapit pa rin ako at pinilit ko siyang yakapin.

“Sorry na. ikaw naman kasi,” pinunasan ko ng mga daliri ko ang luha niya sa pisngi.

“Ta-takot ako sa dilim Leo,”sumisinok  pa siya.

“Sorry na. Hindi na mauulit,” niyakap ko siyang muli.

“Tahan na kasi. Mas nakokonsensya ako nito,” pinagalitan ko siya.

Inirapan niya lang ako.

“Pag umirap ka pa, gagahasain kita dito sa loob ng cabinet ko,” itinuro ko pa siya.

“Hindi ako takot,” tumayo siya at bigla siyang naumpog sa may sampayan ng damit.

“Arraayy,” daing niya at napaupo ulit at hawak ang ulo niya.

Sobrang tawa ko dahilan para masapo ko ang tiyan ko at nahiga sa sahig.

“Arraayy kooo,” daing niya pa.

Naawa naman ako kaya lumapit ako sa kanya at hinipan ang ulo niya. Hinalikan ko pa ito.

“Masakit pa ba?” tanong ko.

“Wala kang pakialam,” saka siya dahan dahang tumayo at nagpatuloy sa pag-aayos.

Isinuot ko na ang pang-itaas ko at lumabas ng kwarto para bigyan siya ng space.

Nagtungo ako sa kusina at nagtimpla ng juice ko. Para naman malamigan ako.

Naisip ko siya. Pumunta ako sa bakery at kumuha ng limang tinapay. Inilagay koi to sa pinggan at kumuha ng chocolate drink.

Pumasok ako at medyo marami na siyang naayos.

“Hoy buwit, dito ka muna,” sabi ko nang mailagay ko ang dinala kong meryenda niya sa maliit na lamesa sa tabi ng kama.

Hindi siya sumasagot habang nagsasallansan ng mga video tape sa ibaba ng TV.

Lumapit ako sa kanya.

“Sorry na,” mahina kong sabi.

“Uy,” sinipa ko pa siya pero di naman malakas.

“Aray ah,” tiningnan niya ako ng masama.

“Bati na kasi tayo,” lumapit ako pero lumayo siya.

“Ang arte naman,” ako.

“Ikaw kaya ikulong ko doon,” siya.

“Ikulong mo na ako,” saka ako naglakad malapit sa cabinet.

“Naayos ko na ang mga damit diyan. Huwag mo nang guluhin,” siya.

“Bati na tayo,” ako.

“Oo na,” saka siya umirap.

“Bakit ka pa umiirap?” lumapit ako.

“Naiinisa kasi ako,” siya.

“Kanino?” tanong ko.

“Kanino pa ba?” siya.

“Nagsorry na ako diba?”

“Ang sakit ng ulo ko,” hinawakan niya ang naumpog niyang ulo.

“Mas masakit YUNG ULO ko,” ngumiti pa ako.

“Tigilan mo na iyan,” siya.

“Nagpromise ka. Bukas kamo,” saka ako lumapit pa ng husto.

“Sabi ko lang iyon,” sabi niya saka tumayo at pumunta sa tabi ng mesa at kumuha ng tinapay.

“Kainis naman. Oh bakit ka kumuha ng tinapay?” sita ko.

“Akala ko dinala mo ito sa akin?” tanong niya.

“Kanina iyon. Pero ngayon at ayaw mong panindigan yung pangako mo, hindi na iyan sayo,” lumapit ako sa kanya at kinuha yung tinapay sa kamay niya.

Kumuha naman siya ng panibago.

“Bakit ka kumukuha?” naiinis ako.

“Para kang baby,” saka niya hinawakan ang dalawang pisngi ko.

Nakangiti pa siya.

“Ano iyan? Inuuto mo ako?” tanong ko.

“Hindi. Nacucutan ako sayo,” saka niya pinisil ang magkabilang pisngi ko.

“Ang sabihin mo crush na crush mo kasi ako,” saka ko siya hinawakan sa bewang.

“Dati iyon,” sabi niya.

“Eh anon a ngayon?” tanong ko saka ko pinagdkit ang mga noo naming dalawa.

“Sobrang gustong gusto na kita,” nakangiti siya.

“Kung ganoun, ituloy na natin,” hahalikan ko sana siya.

“Hep. Ayaw ko na nga sabi diba,” lumayo siyang bigla.

“Kainis,” sabi ko saka siya tinalikuran.

“Huwag ka na magmeryenda,” saka ko kinuha yung tinapay sa plato at inagaw niya naman iyong chocolate dinks.

“Bayaran mo iyan mamaya,” sabi ko pa.

“Ayaw. Libre mo na ito,” naupo siya sa kama at binuksan ang inumin.

“Dalian mo diyan. Ako na lang mag-isa ang magtutuloy ng ayaw mong gawin,” sabi ko pa.

“Ha? Huwag mong sabihing?” napatayo siya.

“Oh bakit? Ipagbabawal mo?” namewang ako.

“Gagawin mo talaga ang bagay na iyon?” tanong niya.

“Eh ayaw mo kasi diba? Sobra na akong nagpipigil Lara. Naaawa na ako sa sarili ko,” saka ko hinawakan ang bandang tiyan ko.

“Oh My Goodness,” hindi siya makapaniwala.

Naupo siyang muli sa kama.

“Oh, hindi ka pa lalabas? Sige, gusto mo akong panoorin?” akma kong ibababa ang shorts ko nang bigla siyang tumayo.

“Hep hep. Lalabas na,” siya.

Lumapit siya sa akin at bumulong,

“Good luck,”

Kainis.

Hinila ko ang kamay niya at ibinalik siya sa harapan ko.

“Tandaan mo itong oras na ito ha? Pinarurusahan mo ako. Pagdating ng oras mo, parurusahan kita hanggang sa hindi mo na kaya,” itinuro ko pa ang mukha niya.

“Tingnan na lang natin kung sino ang mananatiling napaparusahan hanggang sa huli,” pinagtaasan niya ako ng kilay saka naglakad patungo sa pintuan.

“Laarrrraaa,” sigaw ko.

Tumatawa pa siyang nagbukas ng pintuan.

“Oppps. Ayan malinis na ang room mo. Pinalitan ko na yung beedsheet at kumot. Pati na rin yung punda ng unan. Huwag mong mamantyahan ha? Make sure huwag mong ikalat yung….  And by the way, thank you sa chocolate drinks. Enjoyyy,” saka niya malakas na isinara ang pintuan.

Naiinis ako. Naiwan akong naninigas. Napipikon. At napaparusahan.

Napatadyak ako sa kawalan dahil sa nararamdaman ko.

“Humanda ka sa akin,” sabi ko pa.

Kumuha na ako ng bihisan at towel at naligo na lang ako.


--------------------

Lara


ANG sakit pa rin ng ulo ko. Grabe yung impact ng pagkakauntog ko kanina. Sira ulo kasi yung manyak na iyon.

In fairness, sobrang nainis siya. At ang cute cute niya lang mainis. Kasing cute niya lang mag-alburoto yung kanyang Hukbalahap. HAHAHA.

Lumabas na ako ng kwarto niya at dumeretso sa kwarto ko para magpahinga ng saglit bago ako maligo.

Habang nakahiga ako ay naimagine ko yung kabuuan niya. Nakita ko na siya ng buong buo sa malapitan. At ako rin naman ay nakita na niya. Wala na akong maitatago pa at ganun din siya.

Napakaganda lang ng bawat parte niya. Natatawa pa ako nang makaface to face ko ang hukbalahap. Maputi siya. Namumula ng bahagya. At mukhang malakas.

Jusko ayaw ko na ulit iyon isipin dahil hindi kinakaya ng imagination ko.

Bumangon ako at kumuha ng damit pamalit. Pagkatapos ay naligo na ako.

Mabilis lumipas ang oras at handa na ang hapunan. Tinulungan kong magluto si Aling Lusing at naghain na rin.

Kumpleto ang pamilya sa hapag kainan kaya nahihiya kaming sumabay ng matanda.

Nasa may sala kami ni Aling Lusing at nanonood nang tawagin kami ni Leo.

“Aling Lusing, inaantay po kayo nila mama,” may laman na ang bibig niya at ngumunguya pa.

“Bakit daw hijo?” tanong ng matanda.

“Bakit hindi pa raw po kayo sumabay?” tanong niya.

“Ahh susunod na kami hijo,” ani matanda.

“Hoy bubwit, sunod na,” sabi pa niya saka naglakad pabalik sa kusina.

May upuan sa dulo malapit kay Leo. Doon ako pinaupo ni Aling Lusing.

“Kumusta ka hija?” tanong ni sir na bigla kong ikinagulat.

“Maayos naman po,” sagot ko.

“Balita ko,” hindi niya naituloy dahil uminom siya ng tubig.

Shocks. Anong nabalitaan niya?

“Matataas raw ang grado mo,” siya.

Nakahinga ako ng maluwag.

“Hindi ko pa po nakikita lahat sir,” nahihiya kong sabi.

“Sabin g ma’am mo number two ka raw sa overall ranking ng Dean’s Listers ah,” sabi niya pa.

Oh My God. Hindi ko inexpect. Hindi na rin kasi ako dumadaan sa may announcement board dahil nagmamadali akong umuwi.

“Ipinost kanina ng Dean’s Office ang listahan ng mga Dean’s Listers. Nakauwi ka naman na kanina kaya hindi mo nakita,” wika ni ma’am.

“Hindi na po kasi ako dumadaan doon ma’am,” sabi ko pa habang naglalagay ng sabaw sa kanin ko.

“Mukhang mas napapabilib mo ako hija. Mas gusto na talaga kitang maging manugang ng isa sa mga anak ko.

“Nagpapatawa po kayosir,” kunwari ay natawa ako.

“No hija. Seryoso ako. Wala na kaming hahanapin sayo,” binitawan niya pa ang kubyertos saka itinuon ang atensyon sa akin.

Wala akong masabi.

“Wala ka bang nagugustuhan sa mga anak ko? Kung may gusto ka sa isa sa kanila ay sabihin mo na para maayos na natin. Walang problema sa mga anak kong iyan. Ayaw pa nga lang magsipag-asawa,” saka siya nagpatuloy sa pagkain.

“Pa, huwag mong pwersahin yung bata baka mashock sa sinasabi mo. Pero ako rin naman ay ayaw ko na siyang pakawalan sa atin. Para na rin akong may anak na babae dahil sa kanya,” nakangiti pa si ma’am.

Wala talaga akong masabi.

“Pa, mas matanda sa akin si ate Lara, okay lang ba?” tanong ni Paeng.

Si Paeng ang bunso at katatapos lang niya sa kursong nursing.

“Maghanap ka muna ng trabaho,” si sir.

Natawa naman ang lahat.

Maya maya ay tumahimik ang lahat.

Sususbo n asana ako nang hawakan ni Leo ang kamay ko.

Nagulat ako sa ginawa niya kaya tiningnan ko siya sa mata.

“Pa, ako po. Gusto ko siya. Matagal na. At ako po ang gusto niya,” seryoso ang boses niya.

Nagulat ang lahat. Si ma’am ay nakangiti. Si Sir hindi makapaniwala.
Pumapalakpak si Aling Lusing.

“Woooaaahh,” nag apir pa ang mga magkakapatid na lalaki.

Ako naman. Tameme. Nakayuko.

Jusko. Hot seat. Hindi ko yata kakayanin ito.


Salamat po sa paghihintay.
Good evening.



Tambay Pogi: Leo (Leonardo Del Monte)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon