Chapter Twenty Two

139 6 0
                                    

Chapter Twenty Two

"Hanggang saan ang kaya mong gawin sa ngalan ng pag-ibig?"

Para kay Mark Joseph (Leo sa cover), ang pawis nagmumula sa katawan. Ang luha ay kapareho rin nitong nagmumula sa katawan. Ang dalawang ito ay tumutulo sa tuwing ang tao ay nakararamdam na ng pagod.

Kaya't di baleng mapagod, basta para sa mahal mo, kakayanin mo.

-Author

Leo


NAGISING ako nang tumunog ang alarm clock ko.

Alas sais na ng umaga at nakayakap pa rin siya sa akin.

Naalala kong may pasok pala siya.

"Lara," tinapik ko ang pisngi niya.


"Uuhhhmmm," mas sumiksik pa siya sa tagiliran ko.


"Alas sais na," sabi ko.


Napabalikwas siya ng bangon.


"Huh? Totoo? Jusko malelate na ako," bumangon siya at pinulot ang mga damit niyang nagkalat sa sahig.


Bumangon na rin ako at nagbihis.

Ang sakit ng tagiliran ko pero kaya pa naman.


"Hindi na muna ako mag-aalmusal," sabi niya saka maingat na binuksan ang pintuan.

Tiningnan niya muna kung makikita siya ng mga tao sa kusina.

Nagmadali siyang pumunta sa bakery.


Saka naman ako lumabas ng kwarto.

"Good morning ma," bati ko kay mama habang nagkakape. Nakabihis na siya at naghihintay na lang ng almusal.


Nag-inat ako at saka umupo sa tabi niya.

"Ang aga mo yata ngayon?" tanong ni mama.


"Si papa mo na ang maghahatid sa amin," sabi pa niya.

"Pwede pong ako na lang?" ako.

"Bakit?" tanong ni mama.

"Ano po kasi," di ko masabi na gusto kong ihatid si Lara.


"May bibilhin ka ba sa bayan?" tanong ni Mama.

"Opo sana. Isasabay ko ja rin si Lara," sabi ko pa baka sakaling lumusot.


"Sige, gamitin mo na lang iyong motor nak. Papasok din kasi ang papa mo," sabi niya pa.


Tumango lang ako.

"Teka, hindi ba papasok si Lara? Tanghali na, hindi pa siya lumalabas," nagtataka si mama at wala akong kibo.


"Nandito na po kanina, nakita ko," sabad ni Aling Lusing.


Patay ka Leonardo.


Hindi ako kumibo.

"Mamaya na po ako mag-aalmusal. Maliligo lang ho ako," saka ako tumayo at agad naglakad patungong kwarto ko para kumuha ng bihisan.


Nasa banyo na ako at naaalala ko ang bawat sandaling napagsaluhan naming dalawa ni Lara. Siya lang ang babaeng tumagal ng ganun sa akin at ako pa talaga ang sumuko.

Pinagmasdan ko ang pambato ko at naawa ako sa kanya dahil tila gamit na gamit siya kagabi.

Nabuhayan siya ng dugo nang mabasa sa malamig na tubig ngunit ayaw ko siyang abusuhin.


Nagsabon na ako at nagpatuloy sa paliligo.

Nang matapos ako ay saka ako nagbihis. Kumuha ako ng t-shirt na puti, yung walang tatak at itim na shorts.


Nagsuklay ako at saka ako lumabas ng kwarto.

Kinuha ko ang susi saka ako pumunta sa bakery. Sa likod ako dumaan at dumeretso na ako sa kwarto ni Lara.


Kumatok muna ako.


Maya maya ay nagbukas siya ng pintuan. Nakatapis pa siya at sumilip ng bahagya.


"Bakit? Nagmamadali na ako," siya.


"Hintayin kita sa labas. Ako na maghahatid sayo," sabi ko.


"Okay sige na," saka niya isinara amg pinto.


Ganun na lang? Hindi ba niya ako namiss agad? Tsk.

Naglakad na ako at tinungo ang garahe. Chineck muna kung may laman ang tangke bago ko ito pinaandar.

Kapagkuway pinaandar ko na at inantay siya sa tapat ng bakery.

Nauna nang nakaalis sila mama.

Ilang minuto na akong nag-aantay.

Pupuntahan ko sana siya kaya binalak kong patayin muna.
Eksakto namang tumatakbo siya palabas. Hindi pa siya nakasusuklay ng buhok at nakasabit doon ang puting suklay.


Sumakay siya sa likod.

"Tara na malelate na ako," tinapik niya ao sa balikat.


"Kumapit ka," utos ko.


Saka niya inilagay ang isang kamay niya sa tiyan ko. Nakapalda siya kaya hindi pwedeng umupo siya na tulad ng sa akin.


Nakatapat ang kamay niya sa puson ko kaya itinaas ko ito ng bahagya.


"Mag-iingat ka bubwit. May patay na muling mabubuhay diyan," sabi ko pa sa kanya.


Six Fourty Five na at nasa arko pa lang kami ng Calle Adonis.


"Leo, hindi ako pwedeng malate sa first period ko. Baka hindi na talaga ako papasukin," nag-aalala siya.


Medyo binilisab ko ang takbo at napakapit naman siya ng husto.


Ilang saglit lang ay binabaybay na namin ang daan papasok sa San Lorenzo University.

Pagkaraan ng ilang sandali ay nakarating na kami sa gate nito.


Agad siyang bumaba ng motor at patakbong aalis na.

Pero bumalik siya.

"Salamat," saka niya ako hinalikan sa pisngi saka tumalikod na at nagtatakbong pumasok sa gate.


Bawing bawi na ang araw ko. Ayos ah.


Naalala kong bigla na hindi pa siya nag-aalmusal man lang.

Inilabas ko ang cellphone ko at nagtext sa kanya.


To: Bubwit Ko

Di ka pa kumain ng kahit na ano. Anong gusto mong dalhin ko diyan?

Sent.


Imposibleng makareply siya agad kaya naghintay lang ako saglit.


Dalawang minuto na ang lumipas makalipas ang alas siyete at wala pa rin siyang reply.


Nagdecide akong pumunta malapit sa tindaha. ng burger at kape.

Bumili ako ng cheese burger na may gulay at isang kape. Bumili rin ako ng mineral water.


Itinake out ko ito at saka ako bumalik sa school.


Papasok na ako sa gate pero ayaw akong papasukin nung guard.


"Boss, bawal po kasi ang nakashorts dito," sabi pa niya.


"Hindi pa kasi nag-aalmusal yung misis ko kaya kung pwede sana payagan niyo ako," pakiusap ko.


"Tawagan niyo na lang po para siya na ang lumabas," sabi pa nito.

"Di ko pi makontak kasi kasalukuyan ang klase niya," sabi ko.


Eksakto namang papasok din si Dr. Marasigan.


"Manong, papasukin mo na, ako na ang bahala," sabi nito.


Ninang ko si Dr. Marasigan at komare siya ni mama. Kaya malakas ang loob ko.


Nagmano ako sa kanya.

"Ibibigay ko lang ho ito kay Lara," sabi ko pa.

"Sila ang klase ko ngayon. Bawal ang pagkain sa klase pero dadaan pa ako sa faculty at malelate ako ng another 10 minutes. Dalian mo lang hijo," sabi pa niya.


Tumakbo na ako at tinawagan ko siya.



Nagriring ito.

Makalipas ang ilang sandali ay sinagot niya.

Siya: Oh Hello. Bakit?

Ako: Saan ang room mo?

Siya: Second floor. Room 109

Ako: Punta ako jan.

Siya: Huwag na. Maya maya andito na si Prof.

Ako: Nagpaalam na ako sa kanya.

Siya: Nakakahiya ka.

Ako: Andito na ako. Labas ka sa pintuan.


Saka ako nakarinig ng mga yabag.

Bumukas ang pintuan at nakita ko siya. Niyakap ko siyang bigla.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya..

Iniabot ko ang pagkain niya.

"Waka ka pang kinakain kaya binilhan na kita. Dalian mong kainin iyan. Ten minutes na lang nandito na si ninang," sabi ko pa.


Nagulat siya.


"Ninang mo si Prof?" siya.

"Dalian mo na. Dami pang tanong," utos ko.

Binuksan ko na ang plastic para sa kanya. Ibinigay ko ang burger sa kanya saka siya kumagat ng malaki.


Pinagmamasdan ko siyang kumain at para lang siyang bata na punung puno ang bibig.


Maya maya ay naubo siya.

Agad kong binuksan ang tubig saka siya pinainom.


"Dahan dahan kasi," hinimas ko ang likod niya.


"Sabi mo kasi bilisan ko," naluluha siya dahil sa pagkaubo niya.


"Sige na kainin mo na," utos ko.


At habang kumakain siya ay medyo pinalalamig ko ang kape niya.


Nang matapos siya ay saka ko iniabot ang kape niya.

"Oh eto para mainitan tiyan mo," kinuha niya ito.


At nakakalimang higop pa lang siya ay nasa pasilyo na si ninang.


"Sige limang higop pa. Bago ka pumasok," utos ko.


Sssllluuurrrpppp.

Natatawa ako kasi ang lakas ng tunog ng paghigop niya sa kape.


"Okay na. Pasok na ako," sabi niya at iniabot niya sa akin yung lalagyan ng kape na nakalahati na niya ang laman.


"Susunduin kita mamayang tanghali," sigaw ko.


"Sige," saka siya pumasok.


Maya maya ay inubos ko na rin ang kape niya at inilagay ito sa plastic.

"Nobya mo ba siya hijo?" tanong ni ninang n ngayon ay nasa harap ko na.

"Opo," sagot ko.

"Mahusay siyang bata. Alagaan mo," saka siya tumapik sa balikat ko at pumasok na sa loob ng classroom.


Nakangiti ako saka naglakad pababa ng building.



Lara


MABUTI na lang at nagdala siya ng pagkain. Sobrang nagugutom ako dahil sa pagod, puyat at hindi ako nag-almusal dahil sa pag-aapura.

Ramdam na ramdam ko ang sakit sa singit ko. Yun bang parang halos di ko maigalawa ng maayos. Nangawit kasi ako kagabi.

Masakit din ang likod ko at ang pang-upo ko. Tiyak na tiyak kong pag-uwi ko ay bagsak ako kaagad sa higaan dahil sa sakit ng katawan.

Ninang niya pala si Dr. Marasigan. Ngayon ko lang nalaman.


Matapos kaming magklase ay agad akong pumunta sa kabilang klase ko.

Kaklase ko si Adrian sa subject namin kay Dr. Del Monte. Magkatabi kami at hindi ko maiwasang antukin dahil talagang puyat at pagod ako.


Nasa likurang bahagi ako ng classroom at naramdaman kong tumabi si Ma'am sa akin.


"Hija, napuyat ka ba kagabi?" siya.

Bigla ay napastraight ako ng upo.


"Sorry ma'am, hindi po kasi maayos ang pagtulog ko," sabi ko pa.


"Pumunta ka muna sa clinic at magpahinga. O kaya naman ay magpasundo ka na kay Leo. Wala si Ms. Myra kaya wala ka nang pasok mamaya pagkatapos nito," sabi pa niya.

"Ma'am, tapusin ko na lang po muna ang klase natin," sabi ko.

"Tingnan mo iyang hitsura mo. Para kang lantang gulay," sabi pa niya.


"Labas na at itetext ko na si Leo para sunduin ka," yun lang at kinuha na niya ang cellphone niya at nagtext.


Sumunod na lang ako at naglakad pababa.

Nagtataka lang din ako kung bakit wala ngayon si Ms. Myra. Apektado ba siya?


Nasa gate na ako. Nag-aabang kay Leo. Medyo mainit na kaya sumilong ako sa may bandang gilid.


Makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang prince charming ko.

Nakashades pa ito ng itim at bumagay pa sa plain white shirt niya. Ngumiti siya sa akin.


"Sabi ni mama hindi raw maayos ang lagay mo," bungad niya.


"Masakit ang katawan ko," reklamo ko sabay hawak sa balikat ko.


"Ganyan talaga kapag hindi ka sanay. Palagiin natin para sa susunod ay masanay ka na," natatawa pa siya.


"Sige, palagiin natin para sa next week nasa Medical Center na ako," umirap ako.


"Tara na. Magpahinga ka na muna mamaya pag-uwi," yaya niya.
"Sakay na,"


Kapagkuway sumakay na ako at kumapit muli sa tiyan niya.

Actually flat ang tiyan niya. May kaunti itong laman pero hindi gaanong katabaan. Wala siyang abs pero pag naka topless siya ay ang hot niya lang tingnan. Siguro ay dahil hindi siya gaanong kaputian. Nadadala rin ako sa mga tingin niya na tila ba nanghihipnotismo sa pagiisip ko.


Damang dama ko talaga ang sakit ng katawan ko ngayon. Akala ko kaninang umaga ay ayos lang ako pero ibang iba pala ngayon. Para akong lalagnatin na ewan.


Pasado als diyes na nang makarating kami sa bakery.

Inalalayan niya akong maglakad at saka ako nahiga sa kama ko. Ramdam ko na talaga na sobrang napagod ako.


"Ikukuha kita ng maiinom tapos kumain ka na rin kahit kaunti lang para makapagpahinga ka," sabi pa niya.


Lumabas na siya ng pinto.
Makalipas ang ilang minuto ay bumalik siya na may dala dalang tray ng pagkain.


Laman nito ang isang tasang beef noodles at isang malaking monay. Sa tabi nito ay mau Gatorade na Blue at symdex.


Nakaeengganyong kumain dahil sa amoy ng noodles kaya bumangon ako at naupo sa may silya.


"Pagkaubos mo niyan ay inumin mo ito. Tapos magpahinga ka na," sabi niya saka tinapik ang likod ko.

Akala ko ay lalabas na siya pero hindi pa pala.

Nagtanggal siya ng pang-itaas at isinabit ito sa sandalan ng kinauupuan ko.

"Ang init," wika niya saka niya binuksan ang bintalador.

Nahiga siya sa kama ko na nakaunan sa ulo ang isang kamay.


"Sino nagbabantay sa tindahan?" tanong ko

"Sila na muna. Pagod din kasi ako at inaantok pa," nakapikit na siya.

Pagkaubos ko ng pagkain ay binuksan ko ang Symdex. Mabisa itong pampaantok at pangtanggal sakit katawan pati na sa prevention ng trangkaso kaya talagang mabisa ito para sa akin ngayon na talagang nakadarama ng nagbabadyang sakit.

Ininom ko ito at itinulak sa pamamagitan ng Gatorade na mabisa ring panghidrate sa akin. Pakiramdam ko talaga ay natuyo ako kagabi.


Pagkatapos ay nahiga ako sa tabi niya. Nahihiya akong hawakan o yakapin siya. Kaya nakatagilid at nakaharap lang ako sa kanya.

Tinitingnan ko ang mukha niya. Napakasungit niyanf tingnan kapag natutulog. Pero ang sexy pa ring tingnan dahil ang ganda lang para sa akin ng kilay niya. Yung labi niya na mapagparusa. Tapos bumaba ang tingin ko sa leeg niya. Inunan niya ng kaliwang kamay kaya nakataas din ito. May mga mumunting buhok sa kanyang kili kili na minsan ay kinahihinaan ko. Oh My. Ang cute ng Oreo nipple niya na halos magkulay dark Brown na.

Gosh. Minamind-rape ko na yata siya.

Bigla siyang nagmulat ng mga mata at kasabay nito ang agad ko namang pagpikit.


"Halika dito," saka niya ako iginiya sa kanyang tagiliran.

Umunan ako sa kanyang kaliwang braso na kanina lang ay pinagpapantasyahan ko. Saka niya ito iniyakap sa akin.

Yumakap ako mula sa tagiliran niya at doon ko muling natagpuan ang comfort na hinahanap ko para lang makatulog.


Hindi ko muna kayo bibitinin sa eksena dahil nagagalit na kayo sa akin haha. Abangan ang next chapter..
Thanks for reading.

Tambay Pogi: Leo (Leonardo Del Monte)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon