Chapter 1

981 26 1
                                    

Olivia's pov


"Are your things ready?" pagtatanong sa'kin ni Mommy.



"Ofcourse ma!!" masayang sabi 'ko.




We are getting ready because later we're going to London! I'm so excited. Napamahal na ako sa London, dahil simula nang lumipat si kuya doon ay sa London kami nagbabakasyon nila Mom.




Nang makarating sa eroplano ay nakatulog ako sa tagal ng byahe. Napakasakit sa pwet! Wala akong ginawa sa byahe kundi kumain at matulog.







Nang pagbaba ng eroplano ay agad akong nagselfie at binoomerang ang mga eroplano sa labas ng glass ng loob ng airport. Nagpunta kami sa immigration at kinuha ang maleta. Ako naman ay agad kumonnect sa wifi at minessage ang mga kaibigan.




Pagkalabas ay agad 'kong nakita si kuya na nagaabang kaya't napangiti ako. "Kuyaaa!!" masayang tawag ko rito, nang makita kami ay ngumiti rin ito at tinulungan kami sa pagdadala ng maleta.



"How's your flight?" tanong nito nang makasakay kami sa taxi.


"Booringg!!" natatawang sabi 'ko.


"Ikaw talaga Olivia!" naiiling na sabi ni Kuya Ethan. "Totoo kaya!" natatawang sabi 'ko.





Nang makarating sa bahay nila tita ay agad akong napasigaw sa tuwa, "titaaa!!" masayang bati 'ko, agad namang natawa si tita sa'kin at niyakap ako. Dito kami palaging nagstestay kapag bakasyon.





Kinabukasan ay medyo hilo pa ako dahil sa jetlag, nakasakay ako ngayon sa taxi dahil pupunta kami sa school ni kuya, may kukunin daw kasi siya sa locker. Nagpumilit naman ako sakaniyang sumama dahil gusto 'ko makita sa loob ang school niya.



Pagkababa ng taxi ay agad akong napamangha. "Pucha ang ganda!!" namamanghang sabi 'ko, agad naman akong pinitik ni kuya sa noo, "Olivia, words." naiiling na sabi nito.



Pagkapasok sa University of College London ay napamangha ako, ang ganda talaga rito. May iilang estudyante rin akong nakita, baka may kukinin lang din. Kakabakasyon lang kasi nila kahapon sabi ni kuya.


Habang may kinukuha si kuya sa locker ay agad akong napalinga sa paligid, napahagip naman ang mata 'ko nang tatlong lalaking nagtatawanan habang naglalakad. Well, the guy in the middle is handsome though.


He's wearing a brown long coat, ang panloob naman niya ay black. He's smiling while talking to his friends. He has a good body, a singkit eyes when smiling, a perfect nose and kissable lips, shet.



"Olivia huy kanina pa kita tinatawag. Napano ka riyan?" kalabit sa'kin ni kuya, agad naman akong gulat na napaharap dito.



"U-uhm hehe may tiningnan lang." pagpapalusot 'ko.



Bago umuwi ay tinour pa ako ni kuya sa university. Nakakapagod! Dumaan muna kami sa coffee shop dahil giniginaw na talaga ako. Pagkauwi ay agad akong namahinga.



"Wow! Adoboo!" masayang sabi 'ko kay tita nang makita ang niluto. "Syempre, proud to be filipino pa rin dapat kahit nasa London na!" natatawang sabi nito kaya't napatawa ako.


Nagsimula kaming magsalo-salo habang nagkukwentuhan. Napakasaya sa pakiramdam na buo kayong pamilya at sabay-sabay kumain.



Kinabukasan ay namasyal kami dahil apura pilit ako. I am wearing a red beret hat, black turtleneck thin longsleeves, gray maong pants and black long coat. I also put a silver necklace with a small moon pendant.


"Ay wow artistahin." pangasar na sabi sa'kin ni kuya inirapan 'ko lang ito.



Namasyal lang kami sa kung saan saan at kasama na ron ang tower of london. Si kuya naman ang tiga picture 'ko, kung minsan ay blurred kaya nainis lang ako.


Agad 'ko namang pinost ang mga pictures sa instagram, natawa ako sa mga comments ng mga kaibigan 'ko. Nang mag-gabi ay naalala 'ko ang gusto 'kong puntahan na gallery dito sa London. Actually sanay na ako rito sa London dahil madalas naman ako rito tuwing bakasyon, ayaw nga lang akong payagan na mag-isa noon kaya sobra ang tuwa 'ko nang,



"Anak, diba gusto mo pumunta sa National Gallery? Papayagan kita bukas, ikaw mag-isa tutal malaki ka na naman."

Summer Love (Season Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon