Chapter 25

406 19 0
                                    

Olivia's




Nagdaan ang araw at naging ayos na kami ni William, hindi na siya masungit at medyo rude sa'kin. Napakasaya lang sa feeling at nakakamiss.





Habang nagscroscroll sa social media ay napatingin ako sa dm sa'kin ni Sternon at napangiti.





sternon: woah!! you're in london? let's meet tomorrow!!!




Kinabukasan ay nagkita kami ni Sternon, hindi ako sumama kanila Elizabeth gumala. Napakakulit kasi ng lahi netong si Sternon.





"How's your stay Liv?" masayang tanong nito.




"It's fine."




"Really? Does William already have a balls to court you?" natatawang sabi nito, napairap naman ako. Alam niya kasi na gusto ko pa rin si William at alam niya ang past namin!! Chismoso kasi si Sternon eh.



"No!! He has a girlfriend, i think?"




"Don't conclude early miss." he smiled.





6 na nang ihatid ako ni Sternon, napasarap kasi ang kwentuhan, ipinasyal din niya ako sa hindi ko pa napupuntahan. Grabe, napuno yata ang phone ko dahil sa dami ng picture namin. Nagulat pa nga ako dahil nagselfie siya gamit ang phone 'ko at ini-ig story!! Napakapal 'no?!





Pagkababa ay pumasok na ako sa bahay at nangulat nang makita sila Elizabeth na seryosong nakatingin sa'kin.





"What's the meaning of this?" tanong ni Hazel sabay pakita ng ig story 'ko, napatawa naman ako. "Si Sternon nagpost niyan." natatawang sabi 'ko.





"Akala ko ba si William ang bet mo?" taas kilay sa'kin ni Elizabeth.





"Oo nga si William nga, eh 'di naman ako gusto? Ayokong magpakatanga pre." natatawang sabi 'ko.


"Paano mo nasabi?" sabi ni Maddison sa'kin.





"Halata naman eh, kung gusto ako non didiretsuhin niya. 'Di na kami bata. Ikaw nga Liz, engaged ka na kay Kuya eh."




Napatahimik naman sila at lumapit sa'kin. "Malas mo sa lovelife Liv." sabi ni Hazel, kaya't 'ko itong sinimangutan.




"Basta ako Team William pa rin ako ah." sabi ni Elizabeth.





"Same here!" sabi ni Maddie.




"Oo walang titibag." natatawang sabi naman ni Hazel.




Nanood kaming movie na magkakaibigan at nagkwento sila sa pinuntahan nilang lugar. Pinakita pa nila sa'kin ang mga pictures at ininggit ako, sus akala naman nila maiinggit ako eh ilang beses na ako nakapagpicture at nakapunta riyan eh!!





Kumain muna kami ng kaunting pagkain bago napagdeisysunang maglinis ng katawan.





"Uy magbihis ka ng maayos, punta tayo sa boys." sabi ni Hazel.




Nagtaka naman ako at napatango nalang. Pumili lang ako ng makapal na white tshirt at nag addidas jogging pants lang ako. Nagsuot din ako ng makapal na black na jacket dahil malamig sa labas.





Nilock ko ang pinto at kinuha ang susi bago lumabas. Pagkapasok sa pinto ay nagulat ako nang makitang nag-iinuman sila!






"Ay wow 'di man nanginform, sana nakisali kami."





"You're the only one that is not informed because you're too busy with your Sternon." seryosong sabi ni William sabay lagok ng beer.




Nakita ko na napatahimik silang lahat. "Syempre kaibigan ko rin yon, dapat lang na magpakabusy ako sakaniya."





"Friend." nakangising sabi ni William kaya't napairap ako. "Inaantok na ako uuwi na ako." inis na sabi 'ko sabay punta sa bahay nila tita.




Binuksan ko ang tv at nanood ng kung ano-anong palabas. Nang mabagot ay nanood ako ng vlogs sa youtube. Nagscroll at nagreply din ako sa mga comments ng mga kakilala ko sa mga post 'ko.





Nagchat din ako kanila Mom at kinamusta sila. Pagkatapos ng ilang minuto ay napagdesisyunan 'kong manood nalang ng kdrama. Nang mapunta sa kalagitnaan ay biglang nagring ang phone 'ko kaya't napasimangot ako.





"Hello?!"




"B-bakit ka umalis? Why did you leave?"


"Ha?"





----





"Uh oh someone's wasted!!" malakas na sabi ni Hazel, ako naman ay nakasimangot. Nandito ako ngayon sa bahay ni William. Ang dalawa ay knockout na habang si William ay lasing na lasing na. Si Jezk nalang yata ang matino!




"Inaantok na ako! Tara na't matulog!" pagyaya ni Elizabeth, agad namang sumama sakaniya si Hazel. Si Maddie naman ay magpapahangin lang muna sa labas kasama si Jezk.





Aalis na rin sana ako nang bigla akong hilahin ni William palapit sakaniya kaya't napatumba ako sakaniya. "H-huwag mo 'kong iwan." he whispered at me.




"W-william."



"Olivia, bakit? Ba't ka umalis? Why did you leave without notice?" nanghihina na sabi ni William.




"William." naiiyak na sabi 'ko.





"Hinanap kita. Araw araw kitang hinahanap sa tita mo, nagbabakasakaling bumalik ka."




Napatitig ako sakaniya, I hate to hear him with his fragile voice! I hate to see him hurting.





"Sorry." malungkot na sabi 'ko.




"Can't you answer my questions Olivia?" mariin na sabi nito.





"I need to go." sabi ko sabay tayo at alis, agad akong napahinto nang hilahin niya ako palapit sakaniya.





"Please Olivia, I love you so much."


Summer Love (Season Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon