Chapter 18

371 16 0
                                    

After 7 Years



"Excuse me po Maam Salvero." nahihiyang sabi sa'kin ni Minchie, isang baguhang accountant. Napabuntong hininga ako at lumapit sa may counter niya.




"Minchie panglimang beses ko na 'to ituturo sa'yo." naiiling na sabi ko kay Minchie habang tinuturo sakaniya ang gagawin sa computer niya kung baka sakaling may mag wiwithdraw.




"Pasensya na po Maam." nakayukong sabi nito, tumango lang ako at bumalik na naman sa cubicle kung saan ako may inaayos na files.



Napatingin ako sa phone 'ko at napabuntong hininga, si Maddie iyon! Anak ng tokwa palagi akong pineperwisyo,




"Oh ano? May trabaho ako Maddie! Pwede bang si Jezk ang guluhin mo."



"Ang taray naman girl! Aba friday ngayon sis! Di uso pahinga sayo?"




"Gaga! Linggo lang pahinga 'ko!"




"Oh sige kailangan mo ng kasiyahan sa buhay mo kaya tara sa Linggo! Magsiswimming tayo at magrelax."




"Hu ayoko nga! Iitim ako." natatawang biro ko.



"Ay di uso sayo ang indoor waterpark sis? Kuya mo pa ang engineer non at si Elizabeth ang architect non no! Hello!" mataray na sabi nito kaya't napatawa ako.



"Alam mo namang sa trabaho lang ako naging interesado, oh sige bye na busy ako!" sabi ko rito sabay paalam.




Napatingin ako sa paligid at napangiti, I can't believe that I am already an accountant. Hindi lang 'yon!! I am a bank manager!! My dreams finally come true. Nang magtake uli ako ng Board Exam ay agad akong nakapasa, grabe ang tuwa ko ng mga panahon na 'yon.



"Ingat kayo." pagpapaalam ko sa mga katrabaho bago umalis. Binuksan ko ang sasakyan ko at dumiretso na pauwi.




Nang sumapit ang linggo ay napasimangot ako. Anak ng!! Pinasama lang ako nung tatlong bugok para ipamukha sa'kin na single ako ganon?!




Napatingin ako kay Elizabeth na nakasandal kay Kuya sa may pinakalikod ng Suv. Si Hazel naman ay nakahawak kamay kay Troy. Si Maddie naman ay sinusubuan ng burger si Jezk habang nagdadrive ito. Okay!! Edi ako na ang single!!!



Nang makarating sa waterpark ay napahanga ako. Ang alam ko lang na ganitong indoor waterpark ay sa ibang bansa. Ang galing ha.



Mukha itong mall sa labas, pagpasok ay may iilang fastfood chains sa loob, sa isang pwesto naman ay makikita mo ang karatulang this way to indoor waterpark. Pagpunta don ay magreregister kayo, pagkaregister ay mageescelator pababa. May isa pang papasukan pababa bago makita ang naglalakihang slides at maraming pools.



Agad kaming dumiretsong mga babae sa locker room para magbihis. "Mga bwisit kayo! Hinay hinay lang ah, respeto sa single." irap ko sakanila, pero tinawanan lang nila ako.



"Wag ka magalala Olivia, hahanapan ka namin dito!" natatawang sabi ni Elizabeth kaya't napangiti ako.



Nag rash guard lang ako at maikling itim na short. Napanguso ako at napatingin sa mga magjojowang nagbabasaan ng tubig habang ako'y nagiisa ritong lumalangoy.




Nang magsawa kakalangoy nang paulit ulit ay babalik na sana ako sa cottage nang madulas ang isang paa 'ko,




"Ay puchek." gulat na sabi 'ko.



Unti unti kong dinilat ang mata ko at naramdamang may humawak sa may likuran ko kaya't hindi ako sumubsob.



"Be careful."



Napaangat ang tingin ko at nanlalaking matang napatingin,




"W-william?"



He just seriously looked at me then smirked.  Gulat na gulat akong napatingin pero agad din ako nitong nilagpasan. Pucha! Mas lalo siyang gumagwapo!!




"Hoy babae! Tulala ka riyan?" natatawang kalabit sa'kin ni Hazel, napatingin ako rito at napansing kasama niya yung dalawa.




"Mabuti naman at naisipan niyo akong samahan?" taas kilay na sabi ko sakanila.



"Ay nagtatampo?" pabirong sabi ni Maddie, at agad nila akong hinagis sa swimming pool. Nagharutan pa kami sa pool bago pumunta sa gilid at magkwentuhan.




"Hays, ang gagwapo ng mga jowabels natin!" kinikilig na sabi ni Hazel habang nakatingin sa cottage kung saan nagtatawanan ang mga boyfriend nila.




"Hot nila 'no?" humahagikgik pa na sabi ni Maddie, ako naman ay napapairap.



"Saya lang sa feeling na nagkakasundo sila." nakangiting sabi ni Elizabeth, ako naman ay napanguso lang din at napatingin sakanila.




Napasimangot ako nang makitang ngiting ngiti silang tatlo habang pinapanood ang mga boyfriend nila kaya't nakasimangot din akong napatingin don, agad nanlaki ang mata ko nang makita si William na lumapit sakanila at nakipag apir pa ito sakanila.




"Shit."



"Uy ayos ka lang?" sabi ni Elizabeth.

"O-oo hehe."


"Ay si Pareng William 'yon ah!" gulat na sabi naman ni Maddie nang mapatingin sa cottage. "Sandali lang puntahan ko!!" masayang sabi pa nito, gulat naman akong napatingin kay Maddie na palapit na sa pwesto ng mga lalaki.




Paanong? Paano niya nakilala si William?




Summer Love (Season Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon