Chapter 19

361 15 0
                                    


Olivia's




"Tara Olivia, lumapit na rin tayo sakanila." masayang sabi ni Elizabeth sabay hila sa'kin. "T-teka." kinakabahang sabi 'ko pero hinitak lang ako nito!!




Nang makalapit sa cottage ay napatingin sa'min lahat, pasimpleng naman akong sumulyap kay William at halos mabilaukan ako nang makitang nakatingin ito sa'kin.




"Uy guys!! Si William nga pala! Kababata ko!!" masayang sabi ni Maddison, agad namang nanlaki ang mata ko. Don't tell me na si Maddie yung pinagselosan ko noon?! Oh my goodness gracious!!




"William, eto nga pala si Hazel at Olivia. Alam ko namang kakilala mo na si Elizabeth dahil siya ang architect mo sa pag gawa ng Waterpark mo!" masaya at natatawang sabi ni Maddie kaya't lalo akong napasinghap sa gulat. Waterpark 'to ni William?!




"It's nice to meet you girls." ngiti samin ni William, ako naman ay napaiwas ng tingin. Narinig ko namang natawa si Elizabeth kaya't nagtataka akong napatingin dito.



Pagkatapos ng mini introduction ay sumama samin si William. Nakisalo rin ito sa pagkain, ako naman ay lamon lang nang lamon at pilit na baliwalain ang presensya niya.




Napagalaman ko rin na magkakabata pala sila Troy, Jezk, Maddie at William. May isa pa raw Josh ata pangalan. Napakaliit talaga ng mundo.




"Sa ating lahat ay si Olivia ang pinakabusy! Dinaig pa si Hazel na doktor!!" pangaasar sa'kin ni Maddison, napairap nalang ako habang ang iba ay tinatawanan ako.




"Big time na 'yan eh." natatawang sabi ni Kuya.



"Mas bigtime ka wag papatalo." natatawang sabi ko rito.



"Siguraduhin mo lang na matutuloy ang London Trip natin sa isang linggo." sabi ni Hazel sa'kin.



"Oo---"



"Uy diba sa London ka rin William?" sabat naman ni Maddison kaya't napaiwas ako ng tingin.



"Yes."




"Uy pre!! Sumama ka na samin kung ganon!" nakangising sabi sakaniya ni Troy, agad naman akong napaubo. Tumango lang naman si William dito.



"Teka pre? Tiga London ka? Ay putek sabi na at pamilyar ka!!" malakas na sabi ni Kuya Ethan, agad naman akong kinabahan.


"Ay gagi naalala ko na!!" masayang sabi ni Ethan, agad siyang binatukan ni Elizabeth, "words!!" pananaway nito, agad itong hinalikan ni kuya sa pisngi kaya't napairap ako habang ang iba ay inasar sila.



"Pre!! Ikaw yung kapitbahay namin noon sa London diba?! Ikaw yung laging kadate ni Olivia noon!"



----




From: Hazel

Putek! Si Mr. Bestfriend in London pala si William!! Small world!!



Agad akong napairap sa message ni Hazel!



To: Hazel

Respeto naman! Nagtatrabaho ako eh!! Grr.




Nakaramdam na naman ako ng pagkapahiya nang maalala ang nangyari nung isang araw!! Halos hindi ako makatingin non kay William!! Pinilit kong 'wag ipahalata na naapektuhan ako kahit grabe na talaga.




"Miss Salvero!!" malakas na tawag ng isang accountant, napatigil ako sa pagtatype at napatingin. Mukhang may complain nanaman ang withdrawer. Nagmadali akong naglakad at napatigil nang,



"Sh't." gulat na sabi ko at napakapit sa nakabungguan ko. I am wearing a damn heels for damn sake!



"Sorry miss." sabi nito kaya't agad akong napaayos ng tayo at gulat na napatingin dito.



I saw his normal face turned into amused face. "S-sorry." nahihiyang sabi ko rito, pero nginisian lang ako nito.

Nahihiya lang akong ngumiti sakaniya bago umalis. Dumiretso na ako sa customer at pinaliwanag dito ang hindi pagkakaintindihan.




Nang matapos ay nakita kong nakatayo si William kasama ang babae habang may sinusulat sa withdrawal slip. Napatitig ako kay William, he looked more mature and handsome. He is wearing a navy blue suite, ang gwapo!!





Nang makita itong napasulyap sa'kin ay agad akong napaiwas ng tingin at dumiretso sa table malapit kung saan siya nagsusulat. Pagkaupo ay tinuon ang atensyon sa laptop, nagulat ako nang makita siyang umupo sa upuan sa harapan ko at sa table ko nagsulat.




"Excuse me, where can I withdraw a money?" tanong nito, agad namang napaangat ang tingin ko sakaniya.



"Good day sir!! Doon po sa may gilid pwede niyong iwithdraw ang pera sir." nakangiting at paprofessional na sabi 'ko, napatigil ako nang marinig itong natawa.



"Sorry! Can't help it." he chuckled.



"Apology accepted." simpleng sabi ko sabay tuon ng atensyon sa laptop.



"Can I withdraw money from you?"




"Excuse me sir?" paprofessional ko pang sabi.




"Pwede bang sayo magwithdraw?" natatawang sabi nito.




"Hindi po sir, like what I said earlier you can with---"




"Paano kung sayo ko gusto?"

Summer Love (Season Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon