Chapter 16

361 18 0
                                    

Olivia's



Nandito ako ngayon sa kwarto at nagbababad sa pag-aaral, finals na kasi next week kaya't kailangan talagang magsipag. Diretsong bagsak pa naman ako nung nakaraan sa quiz!!




Natapos ang isang linggo 'ko sa pagrereview at ngayon na ang last day ng exam, kakalabas ko lang at kakatapos. Kinakabahan ako!!




"Oh ano? Kamusta ang exam?" masayang bungad sakin ni Maddie.




"Ayon. Ayos lang." simpleng sabi 'ko, natawa naman ito, "Weh?" natatawang sabi pa nito.



Natapos ang ilang linggong paghihirap at hindi ako makapaniwala na eto, gagraduate na kami ni Elizabeth!! Gusto kong maiyak! Ang paghihirap 'ko!! It's all worth it.





"Ay wow sana all." pagbibiro 'ko kanila Kuya Ethan, apura picture sila ni Liz! Nang-iinggit pa.





Nagkaroon kami ng graduation party, bukod pa rito ang Daylight's. "Cheers!! Congrats!!!" masayang sabi namin.





"Napakadaya nyo!! Ako nalang 'di pa nakakagraduate!" nakangusong sabi ni Hazel, tinawanan namin siya.





"At dahil dyan!! Ililibre namin kayo ni Hazel." masayang sabi ni Maddie, agad namang suminangot si Hazel.




"Aba! Ikaw ang may trabaho riyan, papagastusin mo pa ako." pabirong sabi nito. Natapos ang araw na tuwang tuwa ako dahil sa wakas! Board exams nalang! Road to Accountant na!!



---




"Anak! Kain na." masayang sabi ni Mom sa'kin, ako naman ay nagbabasa ng libro. "Sipag ah. Madidisappoint talaga ako kapag 'di ka nakapasa." pabirong sabi pa ni Dad.





Kahit pabiro ang sinabi ni Dad ay hindi maiiwasan sa'kin ang pressure. Paano nga 'no kapag 'di ako nakapasa? Madidisappoint sila ng sobra?





Nang malamang pumasa si Elizabeth sa board exam ay mas lalo akong napressure. Palagi kasing sinasabi nila Mom na 'Gayahin mo si Elizabeth nako 1st try pasado agad!' at kung ano ano pa.






Kaya eto ako ngayon, nababalot ang pader ng mga sticky notes at papel. Bawat gising ay diretso review ako. I don't want to be a failure. Si Kuya Ethan ay nakapasa rin agad ng first attempt kaya't kaya ko rin ito!





Dumating na rin sa punto na nalilipasan na ako ng gutom at wala ng pumapasok sa utak ko. "Puchek!! Ba't walang pumapasok sa utak ko?! Kailangan kong makabisado 'tong lahat!! Kailangan 'ko!!" pagpapanic 'ko.





At dumating na ang araw ng board exams. "Anak do your best! Nako, don't disappoint us." natatawang sabi ni Mom, mapakla naman akong ngumiti. Can i do this?





Nang matapos ang exam ay hindi 'ko maintindihan ang sarili 'ko. Parang may kulang sa'kin. Palagi ko ring natatagpuan ang sarili ko na nakatulala at tila takot na takot sa kakalabasan.





Araw-araw na rin akong umiinom sa bar para maibsan ang nararamdaman 'ko. Hindi ko maintindihan. Parang may kulang sa'kin.




At dumating na ang araw na labasan ng result. Kabang kaba ako habang iniiscroll ang mga pangalan. Tatlong beses 'kong chineck ang mga list at wala ako roon.



Matamlay akong lumabas ng kwarto at nang makita ang disappointed look sa'kin nila Mom, hindi ko napigilan at ngumiti ng malungkot sakanila.




"Anak you failed."

"Nakakadissapoint pero ok na yan"




"Anak, sayang. Bawi ka nalang next time, mabuti pa si Eli---"





"Opo. Mabuti pa po siya, mauna na po ako." sabi ko sabay balik sa kwarto ko.






Hindi ko na namalayan na grabe na ang iyak ko. Feeling ko isa akong malaking talunan! I didn't satisfied my parents!! Wala akong kwenta. Lalabas na sana ako para kumain nang may makitang bisita sila Mom, dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig.





"Uy kumare balita 'ko di nakapasa si Olivia sa board exam ha?"




"Nako mare! Hindi kasi masyadong nagfocus si Olivia sa test, alam mo naman paadult palang! Hindi niya masyadong ginalingan at hindi binigay ang best."







Agad akong napahinto. Alam kong alam ni Mom kung gaano ako nagpurisigi sa pagrereview para lang makapasa. Nang makaalis ang bisita ay kinausap ko si Mom tungkol dito,




"M-ma narinig ko po yung usapan niyo kanina."

"Ah yon, diba di mo pa naman talaga ginalingan kaya't di ka nakapasa? I know you're better than this. Don't be a failure." sabi ni Mom sabay alis.





Gabi-gabi akong umiiyak, hindi ako kumakain habang hindi natatapos kumain sila Mom. Hiyang hiya akong magpakita sakanila. Isa akong walang kwentang anak na hindi na dapat magpakita sakanila.





Ayokong magpakita, alam ko kung ano nanamang paguusapan namin. Paguusapan namin kung gaano ako kabobo at hindi sapat para makapasa sa simpleng letseng board exam!!




Minsan ay hindi na ako kumakain sa isang araw, tila nanamlay ako. Hindi 'ko maintindihan ang sarili ko. Ang sakit lang na sa halip na pagaanin nila ang pakiramdam ng anak nila ay pinapamukha pa nila kung ano ang nangyari na tila bang naninisi. Ang saya lang! Ang saya makumpara!





Napatigil ako nang biglang magring ang phone 'ko, actually pang-ilang ring na 'to. Nung isang linggo pa tawag nang tawag ang tatlo, pumupunta nga rin sila dito pero hindi ko sila kinakausap at nagtutulug tulogan ako. Nang mairita sa tawag ay sinagot ko na ito,





"H-hello?" nanghihinang sabi 'ko.




["Kamag-anak ka ba ni Mr. Ethan Salves?"]



"Ha? Oo, bakit?"



["Maam, naaksidente po siya at may kasama siyang babae."]



Summer Love (Season Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon