Chapter 13

352 17 2
                                    


Olivia's pov


Nag-ayos ako nang sarili at naglagay ng light make-up. Pupunta kami ngayon ni William sa Wellcome Collection, libre lang ito kaya siguro do'n ako inaya ni William, napakakuripot, yaman yaman eh.


"Ayos lang ba itsura 'ko?" tanong ko kay William nang makita itong nagaantay sa tambayan, he smiled at me.

"Beautiful." simpleng sabi nito sa'kin sabay akbay, napangiti naman ako. Ang lakas magpakilig nitong lalaking 'to!!


"Gusto mo muna kumain bago pumasok sa museum?" tanong nito, agad naman akong tumango. "I want pastaa!!" masayang sabi 'ko kaya't natawa ito.



"Konti nalang, magiging pasta ka na." he chuckled, tuwing aalis kasi kami ay pasta ang inoorder 'ko. Minsan nga ay nagpapaluto ako sakaniya. Ang sarap kaya ng pasta!


"Dahan dahan lang, hindi ka mauubusan." natatawang sabi ni William sa'kin sabay punas ng natirang pagkain sa labi 'ko.



"Sweet." pangaasar ko rito, he just shrugged then continued eating.



Pagkatapos kumain ay kinuha ni William ang kamay ko at hinawakan ito, lihim akong napangiti. These past few days na magkasama kami ay naiisip ko na para kaming magboyfriend at mag-girlfriend! Paano ba naman kasi napakasweet ni William.



Ganto rin kaya siya sa ibang kaibigan niyang babae? Ganto rin ba siya sa kababata niya?



"You're quiet again baby." sabi nito sabay hawak sa bewang ko para mapalapit ako sakaniya. Napasinghap ako at yuko.



"W-walang basagan ng trip, kapag ikaw ang tahimik di naman kita tinatanong." natatawang sabi ko rito.



Habang naglilibot sa museum na ito ay manghang mangha ako, mahilig talaga ako sa mga museum at galleries, pati sa Pilipinas ay suki ako sa mga museum. Habang nakatingin sa isang bagay sa museum ay napatingin ako kay William nang makarinig ng pagclick ng camera. Sinamaan ko lang ito ng tingin.



"Ganda oh." sabi nito sabay pakita sa'kin ng pinicturean niya. Agad na nanlaki ang mata 'ko. "Ang pangit ko riyan!!" nakasimangot na sabi 'ko.



"Hindi ah." sabi nito sabay tingin ng maiigi sa picture, "Hindi naman ah." sabi pa niya kaya't napaiwas ako ng tingin.


Naglibot pa kami nang naglibot hanggang sa mapagod, pinagbuksan ag binigyan na naman ako ni William ng tubig. Palagi talaga nito akong pinagtutubig dahil importante daw sa katawan.




"Gusto mo na umuwi?" tanong nito, ako naman ay tumango. "Sa kanto uli tayo magpahinto sa taxi, lakad tayo." masayang sabi 'ko, agad naman siyang sumangayon.



Habang naglalakad ay naguusap kami tungkol sa buhay buhay. Napatigil lang kami nang tumawag bigla si Sternon, sinagot ko naman ito agad habang nakangiti.


"Sternon!" masayang sabi 'ko.


"Heyey! Tomorrow is our graduation! You will come right?"


"Yes of course, shall I gave you some gift?" natatawang sabi 'ko.


"No need Olivia! Your presence is enough."

Agad naman akong napatawa, napatigil lang ako nang makita ang seryosong mukha ni William. Anong problema nito?


Pagkatapos makipagtawagan ay umupo muna kami sa bench ni William, "uy tahimik mo?"

"Walang basagan ng trip." panggagaya niya sa sinabi ko kanina, kaya't natawa ako, agad na napatigil nang mapansing tahimik siya.



"Pupunta rin ako sa graduation bukas." pagbasag niya sa katahimikan. Agad naman akong napangiti sa sinabi niya. "Talaga?!" masayang tanong 'ko.


"I have a friend that is your brother's batchmate." sabi nito, napatango naman ako sa tuwa. Makikita ko pa siya bukas!! Yes!!


"Dami mong friends ah! Famous ka pala 'di mo sinasabi." sabi ko sabay layo sakaniya, nakita ko itong napatingin sa'kin at hinila uli ako palapit sakaniya.


"Ikaw naman ang pinakapaborito 'ko." he winked.

"Ano ba kinikilig ako!!" pangaasar ko rito kaya't natawa ito.


Nagkwentuhan pa kami ng kaunti bago magpaalam sa isa't isa.

"So." sabi 'ko habang nakatayo malapit sa labas ng bahay ni tita.

"So?" sabi nito.

"Uhm salamat William." sabi 'ko sabay yakap sakaniya. Napansin kong nagulat ito at napatigil pero agad din akong niyakap pabalik.

"Uhm welcome?" natatawang sabi nito.


"Salamat sa lahat ah, salamat sa kabaitan mong bwisit ka. Salamat sa pagluluto sa'kin ng pagkain, salamat sa pagpapasya---"


"Shh no need to thank me, I did enjoy too. I had fun with you. Ako dapat ang magpasalamat Olivia." sabi nito sabay baklas sa pagyayakapan namin.


"Thank you for coming in my life. You're that one missing piece of puzzle in my life." he genuinly said. Napangiti naman ako,


Pagkapasok sa loob ng bahay ay napaisip ako. Napagdesisyunan ko na. Aamin ako kay William bukas. Sasabihin ko sakaniya ang lahat. I will take the risk.

Summer Love (Season Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon