Chapter 14

348 14 0
                                    


Olivia's pov


"Hoy kuya bumangon ka na riyan!!" malakas na sigaw 'ko kay kuya.


"5 minutes!!" sabi nito at umayos pa ng higa.



"Sige! Gisingin nalang kita kapag tapos na ang graduation mo ah." sarkastikong sabi 'ko, nakita ko itong biglang bumangon kaya't natawa ako.



"Olivia? Ilagay mo sa sling bag mo ang passport para 'di ka na maghalungkat mamaya!" pagpapa-alala sakin ni Mom, agad naman akong tumango at hindi maiwasang malungkot.




Nagsuot lang ako ng itim na ribbed longsleeves at black pants. Pinatungan ko nalang ito ng white long coat. Chineck ko ang mga gamit ko bago lumabas. Sumakay kami nila Mom sa taxi bago umalis.



Umupo ako sa isang pwesto at bored na bored na nanuod ng graduation. Nagphone nalang tuloy ako at nagsocial media. Nang marinig lang ang pangalan ni kuya atsaka 'ko inangat ang tingin 'ko. Ang galing ng bwisit kong kuya! With latin honors!






Nang matapos ang graduation ay nagpicture kami nila kuya. Balak ko sanang itext si William nang makita ko ito, napangiti ako at agad na sinundan ito.




Hingal na hingal akong sumunod sakaniya at halatang hindi niya ako napansin, tatawagin ko na sana siya nang makitang yumakap ito sa blonde na babae. Agad akong napatigil at nagtago sa puno.



"Hey congrats Lindsey!" bati ni William dito.


"Thank you darling!" sabi nito at yakap uli rito. Napa-nga nga ako at napatingin sakanilang dalawa, they are smiling to each other. Lalo akong napatigil nang halikan ng babae si William.



Agad akong tumalikod at tumakbo, I don't want to see them kissing each other! Is she his girlfriend? Baka nga nagassume lang ako dahil sa kasweetan ni William, baka ganon lang talaga siya sa mga babae. Ang tanga ko!




"Oh anak andyan ka na pala." sabi nito. Agad akong sumama at pinigilang umiyak. Buong biyahe papuntang airport akong nagpipigil ng luha.



Pagkarating sa airport ay mas lalo akong naiyak dahil sa pagpapaalaman namin nila tita. Nagtaka pa nga si Mom kung bakit hanggang sa eroplano ay umiiyak ako, sinabi ko nalang na mamimiss ko sila tita.




Umasa ako kay William. Bawat gala at bawat tawanan namin ay binigyan ko ng malisya! Lahat ng titig niya sa'kin! Lahat ng akbay niya sa'kin. Nakakahiya ang assuming ko!




Ang bobo ko ba't ba 'di ko tinanong kung may jowa siya! Ang engot talaga!!




Pagkarating sa Pilipinas ay agad kong minessage sila Hazel na nasa Pinas na ako, si Maddie naman, nagaya na agad ng inom! Ako naman ay g dahil brokenhearted ako no!




Natapos ang dalawang taon na palagi kong naiisip si William, kahit anong pilit ko na magkaron ng boyfriend ay hindi ko nagawa.





"Pucha graduating students ah!" natatawang pangaasar ni Maddie, siya kasi ay gumraduate na last year. Kapag business kasi ang tinake ay 4 years lang. Kami naman ni Elizabeth ay 5 years pa. Si Hazel naman ay madami dami pang years.






"Yabang neto!" natatawang sabi ni Elizabeth sakaniya, ako naman ay natawa lang.




Natapos ang ilang mga araw na naging busy na kami, nagfocus ako sa studies dahil hirap na hirap ako, paminsan minsan naman ay nagdadaylight's kami.




Si Maddison ay naging busy din sa trabaho kaya't hindi makapag aya ng inuman, okay lang 'yon dahil pare-parehas lang kami.




Napagisipan naming tumambay sa condo ni Maddie nang maging free kami. Kaunti lang ang mga kailangang gawin kaya't ayos lang. Nagchikahan at nag dinner lang kami. Napatingin naman ako sa phone 'ko nang bigla itong magring.



"Hello?"


["Taray naman ng bungad mo sa'kin sis."]

OH MY GOSH!!

"Omg guys, kailangan ko nang umalis!!" masayang sabi ko sabay alis. Kuya is here!! Nasa pinas na siya!!


Pag-uwi sa bahay ay nanlaki talaga ang mata 'ko. "Kuyaaa!!" masayang tawag 'ko sabay yakap sakaniya.




Simula kasi nung gumraduate siya ay hindi na ako sumasama sa bakasyon sa London, nawalan na ako ng gana kaya ngayon ko lang uli nakita si Kuya. "Aba masyado akong namiss ni bunso ah." natatawang sabi nito.




Nang makita ang dining table ay napangiti ako, mga paborito kong pagkain!! Inunahan ko si kuyang umupo at kumain na.





"Liv, hinahanap ka ni William sa'kin ah." sabi ni Mom habang tinutulungan ako magligpit ng kinainan, napaharap naman ako agad. Napansin kong wala na sila Kuya, pumunta na yata sa kwarto niya.




"Talaga po?" tila malakas na tibok ng puso na sabi 'ko.





"Oo, kay gwapong bata!!" kinikilig na sabi ni Mom, napairap naman ako.







Nang matapos maghugas ng pinggan ay dumiretso ako sa may kwarto 'ko at inilabas ang phone. Agad akong dumiretso sa instagram at hinanap ang William sa mga followers ni kuya. Agad akong napangiti nang makita na nakapublic ang account niya.





Ifofollow ko na sana siya nang mapahinto ang latest post niya. I saw him hugging a girl in the picture, and they are both smiling. Heart pa ang caption ng post.











Summer Love (Season Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon