Chapter 3

483 22 0
                                    


Olivia's pov


"Kuya ano pangalan ng mga kakilala mong pogi sa school mo?" pangungulit 'ko kay kuya habang nag-oonline game ito.



"Marami eh, mga may lahi kasi." sabi nito sabay pindot. "Oh yan patay! Bulok ka kasi!" pangtatrashtalk nito sa kalaro niya kaya't napanguso ako.




Ano ba yan! Hindi 'ko natanong yung lalaki nung isang araw kung ano pangalan niya! Sayang fafi pa naman!



["Boplaks mo kase! Ayan tuloy!"] natatawang sabi sa'kin ni Hazel kaya't napanguso ako.


"Eh nadala ako sa kagwapuhan! Nakalimutan 'ko tuloy."



["Lesson learned, huwag papadala masyado sa kagwapuhan, nakakamatay!"] natatawang sabi nito.


"Dami mong alam!!" pabirong sabi nito.


["Oh sige na, enjoy ka riyan sa London at magbabasa ako ng libro about Biology!"] pagpapaalam nito.



Natapos ang kalahating buwan ng pamamasyal namin at pagstay sa London nang hindi 'ko na nakita uli si Mr. Future Businessman kaya't sobra ang pagkadisappoint 'ko. Bukas ng gabi ang lipad ng eroplano namin pabalik sa Pilipinas kaya't lalo akong nalungkot.



Ngayon ay nasa mall kami para mamili ng kung ano ano. Si Mom ay namimili ng damit habang ako naman ay nakangusong nagphophone nang maramdaman ang pagtawag sa'kin ng kalikasan.



"Ma, cr lang po ako. Message ka nalang po pag nagpunta ka na sa iba since medyo kabisado ko na po yung mall." sabi ko rito, nakita ko itong tumango.




Habang papunta sa cr ay nakatingin ako sa mga karatula sa may bandang taas kaya't hindi ko napansin ang dinadaanan ko kaya' may nakabangga ako.



"Aray ko!" malakas na sabi 'ko, pag-angat ng tingin ay nanlaki ang mata 'ko nang makitang ito si Mr. Future Businessman!!



"Uy ikaw pala 'yan, palagi tayong nagkakabangga ah." natatawang sabi nito.



"Ay oo nga." nahihiyang sabi 'ko. "Uhm bibili ako ng ice cream, do you want some?" tanong nito, napansin 'kong nasa harap pala kami ng ice cream parlor. "Kung libre mo eh, papayag ako." i joked.



"Magaaya ba ako kung 'di ako manlilibre?" he chuckled. Siya na ang nagorder sa'min at pagkaorder ay umupo siya sa harapan 'ko. Ako naman ay tinext si Mom na may nakita akong kakilala kaya't mapapatagal ako, pumayag naman si Mom at sinabing mauuna na siya umuwi. Malapit lang naman ang mall sa bahay nila tita kaya't ayos lang.




"Tagal nating 'di nagkita ah." he smiled at me, napangiti rin ako. "Oo nga eh, mas lalong magtatagal!" natatawang sabi 'ko, agad naman itong nagtaka.



"Babalik na 'ko ng Pilipinas!!" medyo malungkot na sabi 'ko.



"Bakit? Magbabakasyon ka ron?"



"Hindi! Do'n talaga ko nakatira, dito ako nagbakasyon sa London dahil dito nag-aaral si kuya."

"Woah, that's..nice?"



"Nice? What's your name by the way?" tanong ko rito.



"I'm William, ikaw?" he smirked.



"I'm Olivia." simpleng sabi 'ko.




"Wow parang mataray ang pangalan ah." natatawang sabi nito.



"Bakit? Hindi ba?" taas kilay na sabi ko rito pero di nagtagal ay natawa rin ako. Kumain lang kami ng ice cream habang nagkkwentuhan, naikwento niya na siya lang ang nandito sa London, paminsan-minsan ay bumibisita ang parents niya kaya't ayos lang.




Naikwento ko rin sakaniya na sa UCL nag-aaral ang kuya 'ko, nakita 'ko sa itsura niya na hindi siya nagulat kaya't nadisappoint ako.



"Matagal-tagal din ang biyahe mo bukas goodluck!" pabirong sabi nito.



"Nako sakit nanaman sa pwet niyan." nakangusong sabi nito, he just smiled.


"So, lagi ka rito tuwing bakasyon?" pagtatopic nito.


"Oo." masayang sabi 'ko habang sinisimot ang ice cream.



"Okay then, let's meet everytime you're in London."

---


Nasa airport kami ngayon at nagaantay na mga 9 ng gabi, dahil ganong oras ang flight namin. Napanguso ako nang maalala ang sinabi ni William. Paano nga pala kami magkikita kung wala kaming communication?



Nakalimutan ko nanaman siyang tanungin ng social media niya. Saan 'ko hahanapin ang William? Hindi 'ko alam ang apilido niya! Anak ng.




Totoo nga yata ang sinabi ni Hazel, lakas makadistract kapag pogi.

Summer Love (Season Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon