Chapter 8

373 22 0
                                    

Olivia's



"Anak!!" malakas na pag gising sa'kin ni Mom. Agad naman akong napabangon. Ano ba yan! Weekdays pa naman ngayon, anong saysay ng pag gising ko ng maaga?! Huhu.




"Kain na!! Naiwan din ng kuya mo ang folders niya, nagpapasuyo na dalhin mo." dire-diretsong sabi ni Mom, agad namang lumiwanag ang mood ko.




"Sure maa!!" masayang sabi 'ko at nagmadaling kumain. Gumayak ako kaagad at nag ayos ng mukha.




Pagkasakay ng taxi ay agad 'kong minessage si kuya na papunta na ako. Pagkababa ng taxi ay nakita 'ko ang samu't saring estudyante. Ang sarap sa mata na makakita ng iba't ibang lahi pero mas masarap makakita ng pilipino, solid pilipino yata 'to!



"Olivia?"




Napalingon ako at napangiti nang makita si Sternon. "Hey Sternon!! May I know where my brother is?"



"Oh! He's looking for you earlier. I will accompany you to him." he smiled genuinly, hindi ko tuloy napigilang mapangiti rin.



"Philippines is so beautiful! I can't wait to visit there soon." masayang sabi ni Sternon habang naglalakad kami.



"Oh when you go there, I will tour you." nakangiting sabi 'ko.



"Really? I became more excited because of what you said!!" natatawang sabi nito kaya't natawa rin ako.



Nang makita si kuya ay nagpaalam na sa'kin si Sternon. "I had fun talking to you, I will look forward for the next time." sabi nito. "Me too! I had fun Sternon. Thank you for accompanying me!" nakangiting sabi 'ko.




"Uhm? Can I get your number?" nahihiyang tanong nito, tumango naman ako at diniall sa phone niya ang number ko. Pagkatapos ay dinala na niya ako nang tuluyan kay kuya.



"Olivia!!" malakas na tawag nito sa'kin sabay pasalamat. "Pucha napakaimportante  neto salamat Liv!" masayang sabi nito, napairap naman ako.



"Kuya! Words!" panggagaya 'ko sa sinabi niya, natawa naman itonat ginulo ang buhok ko.



Ano ba yan!! Nawiwili sila ni William na guluhin ang buhok ko ah! Hindi ba nila alam kung ilang oras ko 'to inaayos!?



"Oh sige mauna na ako kuya."



"You don't know how I badly want to accompany you pero may klase pa ako Liv sorry! Babawi si kuya." sabi nito, naiintidihan ko naman siya kaya't mag-isa akong lumabas. Uh oh maliligaw pa yata ako.




Agad kong nilabas ang phone at agad na nagsearch kung may map ba itong UCL, okay alam kong wala naman pero nagbabakasali ako!! Habang nagsesearch ay nagulat ako nang may makabangga ako, at nanlaki ang mata 'ko nang makita si William!



"Sh't William!!" masayang sabi 'ko rito, nakita ko naman siyang nagulat nang makita ako.



"Ikaw ah, namimiss mo na ako no?" pangaasar nito kaya't napairap ako.




"Hindi ako nagpunta rito para sayo no!!" natatawang sabi 'ko rito, agad itong humawak sa puso niya na tila ba nasasaktan pero tumawa rin.




"Naiwan kasi ni kuya yung folder niya, ako naman ay agad sugod dito!" natatawang sabi 'ko habang naglalakad kasama si William palabas ng UCL.



"Mabuti naman at nahanap mo siya?"



"Oo! Mabuti nga't nakita ako ni Sternon! Sinamahan niya ako papasok at masaya siyang kausap infairness." nakangiting pagkkwento ko sakaniya, napansin kong napatahimik ito kaya't napatingin ako sakaniya.




"May klase ka pa?" tanong ko rito.


"Wala, break time." simpleng sabi nito.




Nakalabas kami ng UCl nang tahimik lang at walang nagsasalita kaya't bago siya umalis ay hinila ko ito.



"May problema ka ba?" tanong ko rito, he just shrugged.




"Uy!" pagtawag ko rito pero hindi pa rin siya nagsalita. Tatawagin ko pa sana siya nang may lumapit sakaniyang mestisang maganda.




"William!" masayang tawag nito, mula ulo hanggang paa ko tiningnan ang babae, wow sexy bagay sila. Nakita ko namang nginitian ito ni William kaya't napasimangot ako. So, pag sexy yung babae ngingitian niya? Tapos ako dedeadmahin? Napaka!!




Nakita kong lumayo sila ng kaunti sa'kin at nagusap, nakita ko pang mahinhin na hinampas nito sa braso si William, si William naman ay tuwang tuwa. Napakakapal ng mukha!! Nang matapos sila mag-usap ay nagulat pa si William nang makita ako sa gilid niya.



"Uy nandito ka pa pala?"




"Hindi ba obvious? Ay syempre hindi mo mahahalata! Tutal busy na busy ka sa pagkausap sa babaeng yon! Masaya ako para sayo. Stay strong!" dire-diretsong sabi ko sabay alis. Narinig ko pang tawagin ako ni William pero hindi ko ito pinansin.




Agad akong sumakay ng taxi at umalis. Sige William, diyan ka na sa babae mo.



Summer Love (Season Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon