Chapter 22

384 17 0
                                    

Olivia's




Nakangiti ako habang palabas kami ng airport, napapikit ako habang nilalanghap ang simoy ng hangin. "I missed London!!" masayang sabi 'ko. Gabi na kami nakarating dito.





"Sino ba naman ang hindi makakamiss ng London eh ilang taon ka na 'di bumalik." natatawang sabi ni Kuya.





"Oo nga 'no Liv, lagi mo sinasasabi sa'min na namimiss mo yung London ba't nga pala 'di ka bumabalik?" nagtatakang sabi sa'kin ni Elizabeth. Agad naman akong napalunok at napaiwas ng tingin.






Napansin 'kong nakatimgin silang lahat sa'kin kaya't lalo akong 'di nakapagsalita.




"A-ah e-eh.."





"The taxi is already here. Tara na." biglang pagsabat ni William.





I felt relieved when I heard what William said. Buti nalang!!




Dalawang taxi ang sinakyan namin, ang isang taxi ay puro babae habang sa kabila naman ang mga lalaki.




"Hoy loko ganda pala talaga rito. Hashtag instagrammable!!" natatawang sabi ni Maddison habang nakadungaw sa bintana.




"Loko ganda ng structures loko!!" masayang sabi pa ni Elizabeth.




"Huwag kayo mag-alala! Magsasawa kayo sa paglilibot bukas." natatawang sabi ko.





Pagkarating sa may bahay ay tuwang tuwa sila tita nang makita kami. Sabik din samin ni Kuya Ethan si tita dahil wala silang anak. Napag-alaman ko rin na aalis sila bukas. Magbabakasyon sila sa Pilipinas!! Sayang nga eh!




Inaya nila tita ang mga boys sa pagkain. Si tito ay tuwang tuwa na nakikipagkwetuhan sakanila tungkol sa basketball habang si tita naman ay nakikipagkwentuhan kanila Elizabeth. Madali lang nagkamabutihan ang loob nila.




"William hijo! Balita ko successful ang waterpark mo si Pilipinas ah!" masayang sabi ni tito sakaniya.




"Ay opo." nahihiyang sabi ni William, napangiti naman ako. Ba't ba ang gwapo niya kahit nahihiya!




"Mabuti at nagkakita na kayo ni Olivia! Naalala ko pa noon, tuwing bakasyon ay hinahanap mo siya sa'kin." natatawang sabi ni tita, bigla naman akong nabilaukan dahil do'n. Sila Kuya naman ay tinutukso kami!




Nang matapos ay nagpaalam na ang mga boys, hinatid naman namin sila sa may labas. "Bukas ha, 8 am!!" striktang sabi 'ko sakanila, sila naman ay tumawa lang.




Nang makapasok ang mga lalaki ay pinauna ko na ang girls na pumasok kanila tita, namiss ko kasi talaga rito kaya kahit gabi ay gusto kong tumambay.




Napatingin ako sa bench kung saan kami laging tumatambay. Napangiti ako at umupo roon, sumandal ako sa may likuran nito at pumikit. Shems, memories.




Natapos ang ilang minuto na ganoon ang posisyon 'ko. Matagal bago ko napagdesisyunan na tumayo, maglalakad na sana ako nang makita  si William na nakasandal sa pader, nakahalukipkip at nakatingin sa'kin at tila'y kanina pa akong pinapanood.




"I-ikaw pala yan William." nahihiyang sabi 'ko at medyo tumango. Nginitian ko ito bago lagpasan at pumasok sa bahay. Nakakahiya!




Kinabukasan ay para akong timang!! Hindi ako nakatulog kaya't bangag ako ngayon!




"Mukha kang zombie Olivia!" natatawang sabi sa'kin ni Hazel, sinamaan ko naman ito ng tingin.




Pagkalabas ay naabutan namin ang apat na nag-aantay at nagtatawanan habang naguusap. Nang makita kami ay agad silang tumigil at lumapit. Nang mapatingin kay William ay agad akong napaiwas ng tingin.


"So saan niyo gustong pumunta?"



"Bakit? Wala ka bang nakahandang lugar na pupuntahan."



"Wala eh." nahihiyang sabi 'ko.



"Anak ng tokwa!! Akala ba namen tour guide ka namin." natatawang sabi ni Troy, inirapan ko naman ito.



"Oo nga itotour ko kayo sa gusto niyong place." natatawang sabi 'ko.



"Sayang ang bayad natin sa tour guide na 'to! Walang nakahandang itinerary." natatawang sabi pa ni Hazel.



"Ang sama ha." nakasimangot na sabi 'ko.





"Ako na nga lang magtotourguide." sabi pa ni kuya at natatawa, ako naman ay napanguso.



"Saan ang first place natin kung ganon?" taas kilay na sabi 'ko.




"Saan pa ba? Edi sa National Gallery!!!"




Summer Love (Season Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon