Epilogue

725 27 7
                                    


Olivia's




"Maam Salvero, nariyan na po ang sundo niyo." humahagikgik na sabi ng mga katrabaho 'ko, pabiro ko silang nairapan at natawa.




Pagkalabas ng bangko ay nakita ko si William na nakasandal sa itim na kotse at nakahalukipkik habang nakatingin sa sahig.




"Ehem." pabirong ubo 'ko.





Iniangat nito ang tingin sa'kin at ngumiti. "Baby." he said then pulled me closer to him. "I missed you." he said.






"Luh? Kakakita lang natin kahapon." pabirong sabi 'ko pero tinawanan lang niya ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pinapasok.





"How's your work baby?" malambing nitong tanong.




"Ayon, masayang humawak ng libo-libong pera." pagbibiro 'ko.




"Huwag ka mag-alala, kapag naging magasawa na tayo, madalas kong papahawak ko sayo ang ganong pera." he chuckled.




"Ang yabang!!" pagbibiro ko kahit alam ko namang may libo libo talaga siyang pera.





Bago pumunta sa condo ay sinamahan ko muna ito mag grocery. Siya ang nagtutulak ng cart habang ako ang pumipili.






"Get some ingredients of white pasta, pagluluto kita mamaya." he smiled.





"Hala weh? Sigee." masayang sabi 'ko, tinawanan naman ako nito. "Cute ng baby ko." he chuckled. Inirapan ko lang ito.





Nang makarating sa condo niya ay spoiled na spoiled ako!! Paano ba naman lahat ng paborito ko ay nakuha 'ko!! Gumawa pala siya ng blueberry cheesecake kahapon kaya kinakain ko na ito ngayon tapos nagluluto siya ng white pasta para sa'kin. Nagbake rin sya ng cheesecake para paguwi ko raw.





"Iniispoil mo naman ako eh."





"I love spoiling you." malambing na sabi nito, napanguso naman ako.





"Naiimagine na kita kapag naging tatay ka na."




"Really? Naiimagine mo na ako kapag naging tatay na ako ng anak mo?" he chuckled, natawa rin tuloy ako!





"Feeling 'ko ispospoil mo sila ng sobra!! Habang ako ang kj dahil apura bawal ako." naiiling na sabi 'ko.





"Ayos lang 'yon, magiging balance tayo." he winked.




"Ayos pala eh." natatawang paggaya ko sa paborito niyang sabihin.





"Kamusta naman ang panonood mo ng mga chicks na nakabikini kanina sa waterpark?" nakataas na kilay na tanong ko kay William, natawa lang ito.





Nasa waterpark kasi siya kanina at nagsurprise inspection sa mga nagtatrabaho. Pucha dinaig pa teacher na nagiinspect kung may liptint sa bag ha, may paganon pa siya. Pero ayos na rin yon, he is really a hands on person.


"Ewan 'ko sa'yo Liv, alam mo namang nasa'yo lang ang mata 'ko." natatawang sabi nito, inirapan ko naman siya.




"By the way, diba you love spoiling me babe?" malambing na pagtatopic 'ko.




"Yeah." sabi nito habang nilalagyan ako ng pasta sa pinggan.




"Then pagluto mo ako ng buttered shrimp!!" masayang biro 'ko pero sinamaan lang ako nito ng tingin.




"Magtigil ka Mrs. Gomez."




"Luh assuming ni Mr. Gomez!! Miss Salvero ako no!" pabirong sabi 'ko pa kaya lalong sumama ang mukha ni William, pikon!!




Tinikman ko ang pasta na ginawa niya at napangiti. "Ang sarap ng pastaa!" masayang sabi 'ko.





"Lahat naman ng pasta sayo masarap eh." naiiling na sabi nito.



"Correction!! Lahat ng luto mo ay masarap sa'kin."




"Bolera." he chuckled.




"Ginayuma mo yata ako eh!!" pabirong sabi 'ko.





"Paano mo nalaman?" he smirked.




"Magaling ako eh!" natatawang sabi 'ko, napailing naman siya habang nakangiti.





Pagkatapos kumain ay naupo kami sa sofa at nanood ng tv. Siya naman ay nagphophone lang kaya napatingin ako sakaniya at handa na sana siyang pagalitan nang makita ko ang mukha 'ko sa phone niya.






Pagtingin 'ko ay napatawa ako. Neneng nene pa ako sa mga pictures!!






"Remember this? Inaasar kita na ikaw lang yung nakilala 'ko na mahilig kumain ng ice cream kahit malamig." natatawang sabi nito, napangiti naman ako. Pagkalipat ng picture ay,





"Uy yan! Yan yung nasa London's Eye tayooo!" masayang sabi 'ko pa, ganda ko naman sa picture na 'to!!





Napatingin pa ako sa mga pictures at nagulat nang makitang may video ako sa phone niya na nagbobowling at puro sablay ang tira ko! Nakakahiya.





"Uy puro epic naman yung itsura 'ko riyan." nakasimangot na sabi 'ko.





"Luh? 'Di ah." sabi nito at nagscroll pa. Halos ako yata ang laman ng gallery niya!! Gosh.





"Kunwari ka pa eh!" natatawang sabi 'ko.





"Ewan. Mapa-epic man o hindi, I still find you beautiful."


"Hala baliw na." pangaasar ko rito at napapangiti dahil sa banat niya.






"Yeah baliw na yata ako, I'm crazily inlove with you Olivia."






-End-

-End of Season Series-











Summer Love (Season Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon