Chapter 23

369 17 0
                                    

Olivia's pov



Nagphophone ako habang ang mga bugok ay nagpipicture sa may labas ng National Gallery. Ako naman ay inis na tumitingin kay Kuya, pamwiset talaga.





Nang makapasok ay tumingin-tingin lang ako sa mga kaibigan ko habang tinitingnan nila ang mga paintings. Hindi ko rin namalayan na napapatingin na rin ako sa iba. Grabe, nakakamiss dito.



Pupunta na sana ako sa kabilang pwesto nang makabunggo si William, nakita ko itong napangisi.




"I wonder kung ako lang ba ang nakakabunggo mo o marami na." nakangising sabi nito sabay tingin sa painting.



"Huwag ka mag-alala marami na." pagsisinungaling 'ko.



"Really?" he said then I saw his jaw clenched.




"Oo, gusto mo ba isa-isahin ko pa?" taas kilay na tanong 'ko sakaniya.



"No need." sabi nito sabay talikod sa'kin. Napabuntong hininga nalang ako.




Nang matapos sa National Gallery ay nakaramdam kami agad ng gutom kaya't nagyaya sila sa malapit na restaurant.



"Ano order niyo?" tanong ni Kuya sa'min. Ako naman ay napangiti habang tumitingin sa menu.



"Pastaaa!!" masayang sabi 'ko, napatawa naman sila dahil sa masayang boses 'ko, napanguso lang ako at pasimpleng sumulyap kay William na nakangisi na.



"So saan na tayo sunod TOURGUIDE?" panginis na sabi 'ko kay Kuya.



"Huwag kang masyadong excited EX tourguide!" panginis na ganti sa'kin nito kaya't inirapan ko lang siya.



Pagkarating ng order ay masaya akong kumain habang sila ay nagkukwentuhan,


"William, dalhin natin sila UCL" rinig kong sabi ni Kuya.



---



Pagkarating sa UCL ay dire-diretso kaming pumasok. Kakilala ni Kuya yung guard dahil varsity siya rito! Si William din ay mukhang kaclose ito, nagkamustahan pa nga sila. Si Mr. Famous nga naman.



"Parang ang sarap mag-aral dito ah." natatawang sabi ni Troy.




"Kala mo naman masipag mag-aral." pangaasar sakaniya ni Jezk, si Maddison naman ay natawa.




Nang makarating kami sa locker area ay napasinghap ako, dito ko unang nakita si William!!



"Tahimik naman natin sister!" natatawang akbay sakin ni Kuya, napasimangot lang ako.




"Naalala ko yung pagpapahirap mo sa'kin magdala ng naiwan mong gamit noon!!" natatawang sabi ko rito, natawa rin naman siya.



Natatawa akong sumusunod kay kuya na nagpapakatour guide sa pagtotour samin. Napakalaki ng school na 'to bwiset!! Sobra kaya ang pagod ko nung una akong dinala rito ni kuya.



Pagkauwi sa bahay ay inaya kami ng boys don sa may apartment ni William. Ang mga loka naman ay g na g habang ako ay nagdadalawang isip pa. Pagkapasok ay napasinghap, nostalgia feels!!




Umupo silang lahat sa sofa at ang naiwan lang na pwesto ay ang sa tabi ni William, napabuntong hininga ako bago umupo. Ang movie na pinanood namin ay romance!! Natawa ako dahil under na under ang mga boyfriend ng mga kaibigan ko.




Habang nanonood ay napasinghap ako nang maramdaman ang braso ni William sa may sandalan ng sofa na inuupuan ko!! Para tuloy siyang nakaakbay sakin!!




Hiyang hiya at napapalunok tuloy akong nanonood ng movie. Nang nasa kalagitnaan na ay nakita kong bumukas ang phone ni William, pasimple naman akong tumingin dito at napatigil nang makitang may kachat siyang babae, Geila is the name.




"Uhm may kukunin lang ako sa bahay nila tita." biglang pagpapaalam ko sabay labas ng brick house ni William.





Pagkalabas ay hindi ako dumiretso kanila tita kundi sa may bench. Napatulala ako sa sahig at tila malalim ang iniisip. Bakit ang sakit pa rin kapag may kausap siyang iba? It's been years Olivia?!





"You alright?"




Agad namang napaangat ang tingin ko at nanlaki ang mata nang makita si William na nakapamulsa ang kanang kamay at ang kaliwa ay may hawak na plastic bottled water.




"O-oo." nahihiyang sabi 'ko.





Tumabi sa'kin si William at inabot sakin ang tubig niya, "Thanks." sabi 'ko sabay bukas ng tubig, napasimangot ako nang hindi ito mabuksan.




Napatingin ako kay William nang bigla niya itong kunin sa'kin at binuksan.




"Tss, 'di pa rin nagbabago." naiiling na sabi nito, napatulala naman ako sakaniya.




"Ikaw lang naman yung nagbago."


Summer Love (Season Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon