Chapter 24

383 16 0
                                    


Olivia's



Hindi ko ba alam kung nananadya ba talaga si kuya o ano eh. Kung hindi ko lang alam na 'di niya alam na pinuntahan namin 'to ni William noon ay maniniwala talaga ako na sinasadya nya!!



Nandito kami ngayon sa Bloomsburry Bowling Lanes at ngayon ay namimili ang mga lalaki.



"Oy tara oh pustahan!! Kung sino ang makastrike na boyfriend ililibre." natatawang sabi ni Hazel.



"Letse maawa kayo sa'kin walang boyfriend!!" nakasimangot na sabi 'ko, narinig ko naman na natawa sila.



"Oh sige tutal si William ay single rin ay kay William ka nalang." sabi ni Maddie sabay galaw ng dalawang kilay niya, napairap naman ako.




"Hoy tara nga muna rito guys!!" malakas na sabi ni Elizabeth, agad namang lumapit ang mga lalaki.


"Galingan nyo ah! Nagpustahan kaming mga babae. Kung sinong boyfriend ang makastrike ililibre ng lahat!"



"Oh kawawa naman pala si Olivia niyan." pangasar na sabi ni kuya kaya sinamaan ko ito ng tingin.


"Andyan naman si William ah! Diba William?" kinakabahan na sabi 'ko sabay tingin kay William, nginisian naman ako nito.



Unang naghagis ng bowling bowl si Kuya, agad akong natawa nang dalawa lang ang matamaan nito. Sinamaan naman ako nito ng tingin pero nilabas ko lang dila ko para maasar siya.


Sunod naman ay si Troy, napatawa ako dahil tatlo lang ang natamaan. Nakita ko itong natawa lang sa nangyari, mabuti pa tong si Troy 'di pikon!!



Nang si Jezk naman ang maghagis ay isa lang hindi tumumba!! Si Maddison naman ay tuwang tuwa. Ala na!! Sure win na!!



Kabang kaba naman ako habang pumupwesto si William at hawak na ang bola,



"Uy icheer mo naman si William!!" natatawang sabi ni Elizabeth.


"Oo nga loko para ganahan." pang-gatong pa ni Hazel.



"Huwag niyong payuhan yan! Kalaban yan." sabi ni Maddison kaya't napatawa ako.


Ihahagis na sana ni William ang bowling ball nang, "GO WILLIAM!!"


BOOM STRIKE!!!!


"Ay pucha ala na, uwian na." natatawang sabi ni Maddison, napatawa naman ako sakaniya.


"Uy dapat may girls edition!!" sabi naman ni Kuya, agad namang nagsisang-ayon ang mga lalaki. Nang makitang sumangayon si William habang nakangisi ay pasimple akong lumapit dito at hinampas ito.



"Hayup, ikaw gumagawa ng sarili mong failure!!" inis na bulong ko rito, napairap ako lalo nang tawanan lang ako nito.



"Uy gagi ayoko na talaga." kinakabahan kong bulong kay William nang makitang dalawa lang ang hindi natamaan ni Elizabeth. "Kaya mo yan." he sarcastically said, sinamaan ko ito ng tingin.



Nang si Hazel na ay dalawa lang din ang 'di natamaan nito!!! The pressure is real!!! At nang si Maddison na ay isa lang 'di natamaan! Mas lalo akong napressure.




Nang mapansin siguro ni William na kinakabahan ako ay agad nitong nilapot ang mukha sa tenga 'ko, "Tandaan mo lang yung tinuro 'ko sayo noon, you can do it." he genuinly smiled.




Gulat akong napatingin sakaniya, ngayon 'ko nalang ulit nakita ang ngiti niya na ganoon. Palaging ngisi kasi ang binibigay niya sa'kin simula nang magkita kami after how many years.




Naglakad ako at pumwesto, kumuha ako ng bola. Agad 'kong inayos ang tayo 'ko at hinagis ang bola. Nanlaki ang mata 'ko nang makita na





STRIKE!! SHOOT!!



Agad akong napatalon at napayakap kay William, napansin ko itong nagulat pero yumakap din nang makarecover.





"Ay wow, magjowa lang ang peg." nangaasar na sabi ni Hazel.

----



Natapos ang kainan at kwentuhan, gusto nilang pumunta sa London's eye kaya't heto nandito na kami.



Kaming walo ang tao sa isang cabin ng ferriswheel kaya't tuwang tuwa ang mga loka. Ako naman ay nakadungaw lang at malayo sa pwesto nila. Nang makita si William sa tabi 'ko ay napangiti ako.




"Galing 'ko kanina 'no? Bilib ka?" pagmamayabang ko sakaniya.



"Oo nalang." he chuckled.



"Ayos pala eh." natatawang sabi 'ko, nakita ko itong napahinto at napatingin sa'kin.



"I missed you saying that." he smiled.



"I missed you too." walang hiya na sabi 'ko, I heard him chuckled. "Weh, ikaw nga nangiiwan diyan eh." he joked.




Napatahimik namab kaming dalawa dahil don, nakatingin lang kami sa view. "Ganda ng waterpark mo ah." pagtatopic 'ko.



"Thanks to the architects and engineers." simpleng sabi nito, napangiti naman ako dahil sa sinabi niya at napatingin uli sa view.




"Kahit ilang beses kong tingnan 'tong view na 'to! Ang ganda talaga! 'Di nakakasawa!!" masayang sabi 'ko.




"Yeah, 'di nga nakakasawang tingnan."



Napatingin ako sakaniya, and I saw him staring intently at me.





Summer Love (Season Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon