Chapter 15

368 12 0
                                    

Olivia's pov



"Huy! Hinay hinay lang pre!" natatawang sabi ni Maddison sa'kin.




"Pucha! Ba't niya ako hahanapin?! Napakakapal ng mukha!" inis na sabi 'ko.




"Ayan ba si Mr. Bestfriend na kinukwento mo?" natatawang sabi nito.




"Oo pre!! Abe pagkakita ko sa post niya 1 hour ago! May kayakapang sexy na babae. Aba'y sarap sapakin!!" inis na sabi 'ko sabay inom uli. Tinawanan lang ako nito.




"Nako! Huwag mo na pansinin yon. Napadaming lalaki diyan sa paligid." naiiling na sabi ni Hazel.



"Pucha kainis!! Teka nga sasayaw lang ako!" pagpapaalam 'ko sa dalawa, hindi namin kasama si Elizabeth dahil pass daw siya, hindi rin naman mahilig yan uminom.




Habang sumasayaw ay may patalon at sigaw pa ako, okay alam kong mukha akong timag. Nagulat naman ako nang may humipo sa'kin. Galit akong tumingin sa lalaki, he's smirking at me. He looks like a manyak!!




"Hi, I'm Jerome. May I know your name?" nakangising sabi nito.




"I'm not interested." inis na sabi 'ko rito. Lalo akong nainis nang hindi niya ako tinantanan!




"Letse talaga kayong mga lalaki hano!! Isang malaking f*ck you!!" malakas na sabi 'ko, nang tumawa lang yung lalaki ay hindi ko napigilan na suntukin ito sa mukha. "Gag* ka pala! Tawa ka pa pucha ka!!!" galit na sabi 'ko at mas lalong nagwala.

---

"You're grounded Olivia Shane Salves!!" pagalit na sabi sa'kin ni Dad, napanguso lang ako.



"Dad naman!" pagrereklamo 'ko.



"Magtigil ka Olivia! Grabe kang bata ka. Nagkalat ka sa Daylight's!" panenermon ni Mom, napanguso ako.



"No gadgets."



"No---"



"No galas."



"Ehhh---"



"No bars."




Gusto ko nang maiyak sa sinabi ni Mom, anak ng tokwa kasi yung lalaki na 'yon! Napakamanyak bwiset!!



Natapos ang ilang linggo na nasa bahay lang ako. Pasok sa school uwi pasok sa school uwi. Ganon lang ang routine 'ko, sinong 'di mabobored.



At dahil sa pagiging grounded ay napagdesisyunan ko nalang mag-aral kaya ayon matataas ako sa quizzes. Ehem! Ako lang 'to no! Si Olivia lang 'to! May maganda naman palang madudulot itong bwisit na groundation haha!




"Here's your keys." nakangiting sabi ni Mom, agad akong napangiti ng malawak.




Omg finally!! Pagkatapos ng bwisit na isang buwan!! I'm finally freee!!! Sa sobrang tuwa ay inaya 'ko ang tatlo sa bahay kaso nga lang agad na umuwi yung dalawa, sayang!!




"Uy teka lang jejebs lang ako!!" pinagpapawisan na sabi 'ko kay Elizabeth.




Agad akong dumiretso ng banyo at ayon nangyari na ang karumal dumal na pangyayari. Naghugas ako ng kamay at sana'y didiretso na sa hagdan nang makita si Elizabeth at Kuya!!




"Oh my gosh!! What's the meaning of this?!" gulat na tanong 'ko.



Agad namang nag-explain ang dalawa! Halatang guilty on the court! Nagstaring contest lang daw sila, ayos talaga eh!


---




"Aruyy!! Sino ang katext mo?" pangaasar 'ko kay Kuya, nahuli ko siyang ngiting ngiti habang may katext. Feeling ko si Elizabeth 'yan!! Nako umamin din sa sa'kin si Liz na crush niya si Kuya omg.




Sana all may lovelife!!



Ako naman ay napagdesisyunang guluhin si Maddison sa opisina niya. Agad akong sumakay sa elevator at walang hiyang pumasok, nakita ko itong busy na pumipirma.




"Ay wow sipag!" panloloko 'ko at umupo sa sofa niya. Favorite tambayan 'ko talaga rito eh!! Ang lamig kasi.



"Siyempre 'no! Ako pa ba?" pagyayabang nito at tumatawa.



Narinig kong kinausap ni Maddison ang secretary nito at nagpadala ng mga foods! Omg!! Habang may ginagawa si Maddie ay kain lang ako nang kain. Ayos talaga rito eh! Para akong senyora!!





Habang naglalakad pauwi ay napatingin ako sa streetfoods. Agad akong napahinto nang makita ang grilled shrimp!! Meron pala rito non!!





Hindi 'ko napigilan at hindi 'ko napansin na naparami ang kanin 'ko, habang pauwi ay parang may bara sa may tyan 'ko! Hala baka maging obese ako nito ah.




Hindi na ako sumabay mag dinner kanila Mom dahil sinabi kong kumain na ako sa labas. Pagkabihis ay napatigil ako nang maramdaman ang paninikip ng dibdib, shet!! Hindi nagtagal ay bumahing na ako nang bumahing at nagluluha na ang mga mata 'ko.





"Uy Liv nakita mo ba yung cell---- shit Olivia!!"


---



Unti unti kong naaninag ang kulay puting kisame, anong nangyari?





"Olivia!!" masayang sabi ni Mom sabay lapit sa'kin.





Napagalaman ko na grabe pala ang mangyayari sa'kin kapag napasobra sa hipon. Dati kasi ay sipon lang ang nararamdaman 'ko kapag kumakain ako ng hipon. Kung hindi lang ako naging pasaway ay 'di mangyayari sa'kin 'to, dapat pala nakinig ako kay William.









Summer Love (Season Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon