Chapter 17

360 16 0
                                    

Olivia's pov


Nakaupo ako at tulala kay Kuya Ethan, ilang araw na siyang tulog. Wala akong makausap sa problema 'ko. Lalo lang nadagdagan ang bigat ng pakiramdam 'ko.




"Olivia anak." malungkot na tawag ni Mom, hindi ko ito tiningnan at tumingin lang kay Kuya.




"Anak kinakausap ba kita?!" pagalit na sabi sa'kin ni Mom, napangiti lang ako ng mapait.




"Ikaw ha Olivia umayos ka!! Anong pinapalabas mo ngayon?! Palagi kang tulala at tahimik, kung minsa'y 'di pa kumakain!Ganyan ka dahil bagsak ka sa board exams?" pagalit na sabi ni Mom. "Kung sana'y mas nagpursigi ka at gumaya kay---"




"Kay ano po?! Kay Kuya? Kay Elizabeth?!" hindi ko na napigilang pagsigaw. Nakita ko ang gulat sa mata ni Mom.




"Kung alam nyo lang po ang nararamdaman ko! Kinamusta nyo man lang po ba ako?! Pasensya na po ha! Tao lang po ako!! Nagkakamali! Ba't 'di niyo po ba matanggap!? Palagi niyo po akong kinukumpara, ni minsa'y hindi nabilib sakin kahit sobra na ang pagpupursigi!!" humihikbing sabi 'ko.



"A-anak 'di totoo yan!"




"P-paano niyo po nasabi? I-inintindi niyo po ba ako? Pasensya na po ah nagkaroon kayo ng anak na tulad k-ko." umiiyak na sabi 'ko sabay alis.




Pagkalabas ng pinto ay nakita ko pa si Dad pero agad ko itong nilagpasan. Dumiretso ako sa parking at doon umiyak nang umiyak.


"O-olivia?"




Napaangat ang tingin 'ko kanila Hazel at Maddison, nagulat sila nang makita ang lagay 'ko at agad na niyakap. Nagpahatid ako sakanila sa bahay at nagpaiwan. Nag-alinlangan pa sila bago umalis.




Habang nasa kwarto ay aksidente kong natabig ang baso. Napatitig ako sa mga tibo,



"Buti pa si Elizabeth"

"Nakakadisappoint ka anak."

"Sana ginalingan mo man lang."

"Don't be a failure."

"You're better than this."

"Elizabeth, you're kuya is in coma."

"Di pa natin sure kung magigising ito."

"Si Elizabeth ay delikado ang lagay."

"It's been days! Hindi pa sila nagigising."





Hindi ko namalayan na kinuha ko ang isang malaking basag ng baso. Unti-unting pumatak ang luha ko at unting unti itong nilapit sa--





"Anak!!!" malakas na tawag ni Mom habang umiiyak, si Dad naman ay agad akong hinila at niyakap palayo sa mga bubog.




"A-anak don't do this please." naiiyak na sabi ni Dad.




"A-anak I'm sorry!!" humihikbing sabi ni Mom. "I'm sorry sa lahat anak! Naging masama akong ina! Nagpadala ako sa pride ko, pasenya na anak ko. O-olivia."



---




Natapos ang ilang araw at pumupunta ako sa psychiatrist 'ko. Palagi ako nitong minomonitor. Sila Hazel naman ay tinutulungan ako hanggang sa makaya ko na.





Natapos na ang buwan at hindi pa rin gumigising si Kuya, malungkot akong nakatimgin sakaniya.




"Anak, eto pagkain oh. 'Di ka pa nagtatanghalian." malambing na sabi ni Mom.





Naging ayos na kaming magpapamilya, humingi na kami ng tawad sa isa't isa at nailabas ko na ang sama ng loob ko sakanila ni Dad. Nagsisisi naman silang at humihingi ng tawad. Alam daw nilang nagkamali sila bilang magulang.




"Salamat po--"




Agad akong napahinto nang makitang bumukas ang pintuan, nanlalaking mata akong napatingin kay Elizabeth,





"E-elizabeth." nauutal na sabi 'ko at nakita ko itong napatingin sa'min nila Mommy nang may takot sa mukha bago nahimatay.





Napag-alaman namin na may traumatic disorder siya at dadalhin siya nila tita sa States para doon na magsimula ulit ng buhay, may kakilala rin daw silabg mahusay na psychiatrist doon na alam nilang makakatulong kay Elizabeth. Saktong kinabuksan bago umalis si Elizabeth ay nagising si Kuya, napag-alaman din naming may Amnesia ito.


---


Natapos ang ilang mga araw at naging ayos na ang lahat. Ang problema nga lang ay hindi pa maka-alala si kuya,




"Kuya bar lang ako ah." pagpapaalam ko rito.



"Bar? Sinong kasama mo?" taas kilay na sabi nito.




"Sila Hazel lang."




"Sino yon? Akin na pangalan, number, adress---"



"Tatay kita? Tatay kita? Huwag kang oa kuya." natatawang sabi ko rito.




Kung alam mo lang kuya kung gaano ka trusted ang mga bruhang iyan. Katropa rin yan ng pinakamamahal mong si Elizabeth.




Summer Love (Season Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon